-
"Hoy! Bakit nyo naman kinuha?! kita nyo kung ano ginawa ko kanina dyan ah!" patay talaga kami nito!
Yung mga mukha nila na parang nagtitimpi nalang ng galit. Pero hala sexy si dragon, kita namin ang bra n'ya kulay red gaga!
"Miss ano ba yan! Magkakasala kami dahil d'yan sa suot mo!" agad akong tumayo para takpan ang hinaharap n'ya gamit ang panyo ko.
"I really want to kill you right now De La Fuente" bakas sa boses nito ang sobrang galit kaya bahagya akong napaatras. Bakit kasalanan ko pa!?
"Hindi naman ako ang may gawa ah?" bakit ako sinisisi? Bago pa lumala init ng kanyang ulo ay bumalik na ako sa pwesto ko.
"Luh, sorry, di namin alam jinoga-joga pala ni Sj to." Anong joga-joga sinasabi ni Iris? Siya lang yata nakaintindi sa salitang yun.
"Sj kung anu-ano nalang naiisip mo!" Si Helari na puno ng coke ang mukha amp.
"Ikaw talaga mastermind sa lahat ng kalokohan Sj" pailing-iling naman na sabi ni Cassandra
"Anong susunod na trip pinaplano mo?" Si Annallyn na medyo asar na rin.
"Ja" si Zi na tinawag lang ako at bumuntong hininga.
Binalingan ko nalang din ang tatlong dragon, baka kasi may sasabihin din sila. Sagarin nalang nila diba?
"Kayo mga Miss? Wala ba kayong sasabihin sa akin?" Ou ako na mismo nagtanong.
"Crazy"
"Insane"
"Mad"
Napatampal nalang ako sa aking noo. One word pero tagos sa ngala-ngala ko.
I heaved a sigh.
"Pero Miss Pixie you are between 0 to 90° angle, but "A" is silent" diretso kong sabi sa kanya at tinignan s'ya ng seryoso sa mga mata.
Nagtaasan mga kilay nya at biglang pinamulahan ng mukha. Ano! Ano?! Sagot?! Sa harapan na ng lahat kita nilalandi! Natameme ata ang dragon, mga kasama naman nya ay nakataas ang kilay samantalang ang mga demonyo seryoso lang nakatingin sa akin. Edi kayo na.
"Ha? 0 to 90°? Ano 'yon" putol ni Iris sa katahimikan.
"Wag mo akong tanungin, bobo ako sa math" agad na sagot ni keyboard.
"When an angle is exactly 90° it's called right angle while an angle is less than 90° it's called acute angle" paliwanag naman ni RL, sanaol magaling mag explain.
"Ha? Di ko gets" sabat na naman ni Keyboard.
"Anong konek nong A?" Ulit na tanong nito.
"Acute, The A is silent so the result will be cute." paglilinaw ni Ag. Bravoooo.
Abala sila sa pagpapaliwanag kina keyboard ng bigla nalang umalis sila pie ng walang paalam. Sinulyapan ko agad ang mga kambal at tumalikod narin saka lumayas kasunod ng mga dragon. Okay?
"Tignan nyo ginawa ninyo Iris! Ako na naman papagalitan ni dragon mamaya." Irap ko sa kanilang dalawa ni donkey,
"Kasalanan mo naman talaga, bakit mo kasi inalog para kang tanga" napatingin naman ako kay RL. Actually hindi ko rin alam bakit ko 'yon ginawa kanina.
"Dahil sa inyo hindi sila nakakain." singit ni Ag habang patuloy ngumunguya.
"Mag order nalang tayo ng pagkain sa labas. Bigay natin sa kanila, peace offering at baka ipatumba nalang tayo bigla mamaya paglabas ng campus" suhestiyon ko sa kanila at sabay naman silang tumango.
