CHAPTER 3

63.1K 2K 890
                                        


-

Naalimpungatan ako dahil sa tawag. Mabilis ko hinanap ang selpon para sermonan ang lapastangan na dumisturbo ng tulog ko, sarap na ng panaginip ko tapos gigisingin lang ako. Kinusot ko ang mata bago tingnan kung sino ang caller, sino ang baliw tumatawag sa akin at bakit di naka register sa selpon ko ang numero nito. Sinagot ko din, nagbabakasakali na baka si Ziallyn at na wrong number lang.

"Hello?" sagot ko at muling ipinikit ang mga mata. Anong oras ma ba? antok na antok pa rin ako langya.

"H-Hi Shara," ooo, babae, shuta, sinong babae to at wala naman ako nilalandi. Kay Ziallyn lang ako magpapalandi.

"Sino ka? Stalker ka ba? Bakit ginising mo ang taong tulog, ha?" sermon ko sa babaeng kausap sa selpon.

"It's me Ketwee, tumawag ako to inform you na wag mo kalimutan ang party." sunday na ba? binuksan ko ang isang mata at tinignan ang orasan sa suot kong relo.

"What time ulit?" I asked.

"8pm, nag sent na ako ng message tungkol sa address ko." maingay ang background at sobrang sakit sa tenga, siguro busy na sa paghahanda ng party nya.

"Okay." hindi ko na sya hinintay sumagot at agad pinatay ang tawag. Iniisip ko palang ang party ay masakit na ulo ko. Nandito na naman tayo magpapakahirap na naman ako sa pagpili kung ano ang dapat suotin sa party na yun. Tamad na akong mag chat kaya tinawagan ko nalang agad ang iba at pinaalalahanan tungkol sa party. Do'n narin kami magkikita sa labas ng bahay nila Ketwee para sabay kaming pumasok. Kahit tinatamad ay pinilit ko paring ang sarili bumangon at kumilos, kailangan ko narin maghanda at baka mahuli ulit ako dahil sa pagiging tamad ko.

Makalipas ang 69 million years ay natapos din ako sa paghahanda. My all-black attire gives me a boyish appearance, with the ensemble consisting of a black t-shirt, sweatpants, and sneakers. It's a comfortable outfit that allows me to move quickly and easily. I like the fact that it's minimalist and not overly flashy, but it still allows me to express my personality through my clothes. The black color also gives my attire a subtle edge, making it somewhat striking, but not too bold or attention-grabbing. Konting pulbo at lip balm lang sapat na, kahit naman di ako mag make up maganda parin ako at onfident ako sa pagmumukha ko no. Bago umalis ay tinignan ko muli ang sarili sa salamin.

Poganda ko pala.

*

Pag pasok ko sa subdivision ay kita ko agad ang mga kotseng nakaparada sa labas ng malaking bahay. Nakita ko ang mga kaibigan ko sa labas ng gate, hinihintay ako kaya mabilis ako naghanap ng pagpaparadahan bago nilapitan sila.

"Hoy, babe!" salubong ni kb at mabilis niyakap ang braso ko at hinila upang humalik sa aking pisngi. Landing hayop nito, pero hala ha, ang sexy naman ng keyboard warrior namin na yan.

"Kanino ka nagpapaganda keyboard? Ilang oras ka kaya nagbabad sa harap ng salamin para magpaganda? Pero bagay sayo ang dress na suot mo, parang tao ka na." mahina akong tumawa at nakatanggap ng hampas sa balikat ko dahil sa panunukso ko sa kanya.

"Basta ako, poganda lang." biglang singit ni Iris kahit di naman sya ang kausap. Yabang talaga nito pero sabagay, may maipagmamalaki naman talaga sya kung mukha pagbabasihan. Ou mukha lang dahil duda ako pag utak na pinag usapan.

"Hiyang-hiya naman ako sa mga suot nyo." sabi ko at inikutan sila ng mga mata. Effort nila masyado ha, di man lang ako na inform na dapat pala mag effort.

"Haynaku babe! wala naman problema sa suot mo, ang hot at cool mo nga tignan!" turo naman ni Kb sa outfit ko.

"Kahit maghubad ka lang siguro at tumakbo sa harap nilang lahat Sj, walang magiging problema." sunod-sunod ang pag iling ko sa sinabi ni Iris at mahinang tumawa. Baliw to, bakit di nalang sya gumawa total sya nakaisip non.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now