-
Nasa kwarto lang ako ngayon, hindi kami natuloy sa pag-uwi dahil sobrang lakas ng ulan at may bagyo raw. Kanselado lahat ng flights. Tinawagan na rin namin mga parents para ipaalam sa kanila na hindi kami makakauwi ngayon. Hindi rin naman kasi namin alam may bagyo palang paparating, ngayon lang din kami nasabihan nong paalis na sana, Bbigla ba naman bumuhos ang napakalakas na ulan at hangin.
Tapos na rin kaming mag dinner at dahil hindi naman kami makakalabas ay nagpasya nalang kaming bumalik sa mga kwarto. Alas otso palang ng gabi at sobrang boring, nababagot ako rito sa kwarto. Nakakalito talaga si dragon, yung sasabihan ka na wag syang iiwasan pero pag kinausap mo naman ay susungitan ka lang.
Itong demonyo naman ay gusto kong tanungin kung naaalala nya pa ba yung mga sinabi sa akin kagabi, pero hindi rin ako makahanap ng pagkakataon kausapin sya, maas lalong hindi ako sure kung natatandaan nya. Sa mga ganitong pagkakataon lang ata akong payapa na nakapag-iisip.
"Anak ng butete yan!" Bigla ba naman nawalan ng kuryente, sagabal talaga sa lahat ang bagyo!
Asan na ba selpon ko at hindi ko mahanap, sobrang dilim sa kwarto! Langya, kapa lang ako ng kapa hanggang sa nahanap ko rin ito...
*Knock knock knock*
Napatalon ako dahil sa katok, sino ba to at sa kwarto ko pa talaga kumatok? Hindi si Kb to kasi bunganga naman ginagamin non pag tatawagin ako. Binuksan ko muna ang flashlight ng phone bago nagtungo sa may pinto. Saglit akong napatulala dahil sa babaeng nasa harapan ko, anong ginagawa ng malditang to rito? shuta, bakit pati siya mukhang gulat ha?
"What's wrong? What are you doing here?" Concern kong tanong sa kanya.
"Are you alone?" Bakit ang hilig n'ya mag tanong pabalik kung tatanungin ko rin s'ya.
"I'm not?" Agad kong sagot.
"Who's with you?" May inis akong narinig sa boses n'ya. Ay bakit naman maiinis mommy?
"You?"
"Me?" Langya natatawa ako sa mga palitan namin ng sagot.
"Yes, you." napaka slow talaga.
"What about me?" She asked coldly
"I'm with you, kaya hindi ako mag-isa kasi kasama kita ngayon?"
"Can I sleep with you tonight?"
Para akong nabingi sa sinabi nya, langya tong babaeng to wala rin palang preno ang bibig pagdating sa ganito.
"H-ha? Y-you want to sleep with me?!" Medyo may kalakasang tanong ko, kasi naman yung sinabi n'ya parang may ibang kahulugan!
"Yes, it's dark and I don't want to be alone." seryoso nyang sagot, napalunok ako dahil kita ko talagang seryoso ang mukha at mga mata nya.
"A-Alright c-come" litsing yan, bakit nauutal na naman ako, akala ko ba sanay na 'ko sa presensya n'ya.
Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at pinapasok sya. Ngayon ko lang napansin naka red lingerie sleepwear pala ito. Shuta, bakit lagi nalang may tukso lumalapit sa buhay ko.
Ang sexy naman ng malditang to, nang-aakit ba s'ya? Hoy at bakit may dala s'yang bote ng wine?
"Teka lang anong gagawin mo d'yan?" Tanong ko at itinuro ang alak na hawak nya.
"Ihahampas ko sa ulo mo." napaatras ako sa lamig ng boses at sinabi n'ya, 'cause I know she's capable of doing anything.
"W-wag ka nga magbiro ng ganyan" sabi ko sa kanya.
At ano na naman ang pinaplano ng malditang to? Kanina lang ayaw akong pansinin at kung makatingin ay daig pa ang papatay.
"M-may sapi ka?" Langyang bibig yan!
