-
Nandito kami sa mini bar room ng mansion, tangena meron din silang ganito? Hindi na talaga ako magtataka kung may bigla nalang helicopter ang dadapo sa labas ng bahay nila.
Si Pie hindi parin nakakabalik, siguro kausap pa nito si Tita. The rest of Demogons are here.
"Helari bakit nag pa pool party pa kayo kung hindi n'yo rin naman pala haharapin ang mga bisita n'yo?" Tanong ni Iris sa kanya.
"Wala lang" tipid nitong sagot
"Langyang sagot yan amp" napailing nalang si Iris sa sinagot nito.
Si keybold na abala sa pag kanta ang panget ng boses n'ya sobrang sakit sa tenga.
"Zi hindi mo man lang sinabi na mga pinsan n'yo pala ang mga professors" isa rin to, nakakatampo!
"Did you ask?" Kaloka naman na tanong yan.
"Hindi?"
"Then that's it" tangena amp tinawanan lang ako ng iba.
Nasa iisang round table lang kami kasama ang demogons, lawak ng utak ko no at kung ano-ano nalang ang naiisip kong ipangalan sa kanila. Pero maganda rin naman 'yong naisip kong pangalan DEMOGONS. Diba diba!?
"Mag iinuman ba tayo?" Tanong ko.
"Ou" sagot agad ni Annallyn
Tangena parang pinatulog lang kami ng isang gabi tapos ngayon inuman na naman ulit mga pre.
"Diba mahilig kayo sa billiards?" Singit ni Cassandra sa usapan.
Si Iris naman parang bigla na excite.
"Ou meron ba kayo?" Tanong ni I kay Cassandra.
"Yes meron, may gaming room naman kami" sagot agad nito
"Wow sabaok lahat all" bobong sagot ni Iris.
"Stop talking nonsense Iris" Miss Eve said coldly.
Bakit ba lage nalang to kontra kay Iris, hala crush n'ya friend ko? Ay feeling ko talaga crush n'ya si Iris e pero ang crush naman ni Iris ay si Helari. Awts shot puno para kay Miss E. 🍻
"Hoy hala mag iinuman tayo!?" Malakas ang boses na tanong ni keyboard.
"Ou, hoy sundan n'yo muna ako saglit"
Tawag ko sa tatlo at nag excuse muna kami sa demogons bago lumabas ng room.
"Bakit babe?" Agad na tanong ni keyboard
"Wag tayo iinom ng marami. Wag kayo mag lasing at baka mangyari na naman 'yong pinag-gagawa n'yo the other night!" Gigil na saad ko sa kanila
Nagpalitan lang sila ng mga tingin kaya tinaasan ko na sila ng kilay. Plano pa nga ata nila mag lasing tonight.
"Sasapakin ko talaga pag may nalasing sa inyo. Promise cross my heart, mamatay pa ako tonight" seryosong sabi ko.
"O-ou na, hindi kami mag lalasing" utal na sagot ni Iris.
"Okay lang naman mag inom kayo pero magtira kayo ng konting sanity, nagkakaintindihan ba tayo?" Sapukin ko talaga sila pag may isa na nalasing sa amin.
"Yes boss" sabay salute pa nilang tatlo.
"Nice nice." I smirked at bumalik na kami ulit sa loob.
Walangya lumabas lang kami saglit ay may mga naubos na silang alak sa lamesa. Ano to? Paunahan silang malasing ganern?
"Bilis n'yo naman mag inom, may balak lang mag lasing demogons?" Gage natawag ko tuloy silang demogons.
"Demogons?" Sabay na sambit ng mga kambals.
