CHAPTER 22

36K 1.4K 2.6K
                                        


-

Pasko na sinta ko! Ou, pasko na at ang bilis ng araw! Pasko na edi syempre oras na para mangaroling kami gaya nga ng plano nila keyboard noon. Kanina pa ako naghihintay sa kanila, ilang oras ba dapat kailangan ko hintayin? Bihis lang daw pero shuta, anong oras na! Santa attires pala suot namin kasi mababait kaming mga nilalang na itinapon no San Pedro sa lupain ng mga tao.

"Hoy, dalian nyo mag bihis!" sigaw ko sa kanila, wala yata balak humiwalay sa salamin mga buang. Ang sexy ng suot ni keyboard, naka paldang santa sksk.

"Wait babe, kainis ang ikli!" siya nalang ang hindi pa tapos, ewan ko ba jan at wala naman akong nakikitang mali sa suot nya.

December 24 na pala, kaarawan ko na. Hindi ako excited sa kaarawan ko sa nakalipas na taon pero ngayon ay bakit kaya nakakaramdam ako ng excitement? Si Ziallyn at Pixie? Walang pinagbago pero in good terms naman kaming tatlo, and unlike before ay hindi na sila gaano nagbabangayan ngayon which is good.

Tinanong ko si ma'am noon tungkol sa huling sinabi nya pero wala raw itong matandaan kaya hindi ko nalang din pinilit dahil mukhang wala rin sya sa tamang pag-iisip noon dahil sa lagnat. Plano namin mag celebrate ng noche buena mamaya sa condo ni Zi, hindi kasi makakauwi parents nya at nasa states sila ngayon. Sa susunod na araw pa sila uuwi kaya nagpasya nalang kaming magkakaibigan samahan sila sa celebration bago umuwi sa aming mga pamilya. Ang totoo ay hindi ako nakapag paalam kina mommy kanina, pero maiintindihan naman nila. Mangangaroling daw muna kami bago pumunta sa condo ni Zi.

"Saan tayo mamamasko?" Tanong ni Ag,

"Slums." sambit ko at ngumiti ito.

"Okay na yan keyboard! Naknampucha at anong oras na!" saway ni Iris kasi hindi pa tapos sa pag make-up ang isa.

"Malapit na!"

"Sj,' tawag ni Ag kaya lumapit ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"May tanong lang ako." seryoso naman masyado nito, kakabahan na ba ako?

"Ano yun?"

"May naalala ka ba?" Ha? Anong alala sinasabi nito. Kaya napakunot ako ng noo, napansin ko rin na seryoso rin ang dalawa sa gilid.

"Wala yan babe, wag mo na pansinin yan si Ag" ano mga pinagsasabi ng mga to?

"Ha? May dapat ba akong maalala?" I furrowed my brows.

"W-wala, tatanong ko sana kung naalala mo yung ginawa mo noong nalasing ka last week" alam ko nag inom kami pero hindi naman ako lasing that time?

"Wala naman, hindi naman ako totally wasted that time." sagot ko sa kanya.

"Tara na nga!" Singit ni Kb at hinila na ako palayo sa dalawa na ngayon ay nagtitigan lang. Weird?

Nagtungo kami sa target naming lugar para mangaroling. Sobrang daming tao ang pinagtitinginan kami ngayon. Jusko yung mga suot ba naman namin ay parang galing sa Christmas santa party at tumakas.

"Oh, dito tayo una sa bahay na to." turo ni Kb kaya huminto kami sa sira-sirang bahay.

"Tao po!!!" Tangenang kb to kung makasigaw, parang may gusto sugurin sa loob e.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now