-"Tangena, gusto ko nalang maglaho bigla." paubos na oxygen ko, I need bebe time pero wala naman akong bebe.
Half day lang kaming apat sa basketball practice today kasi may practice kami para sa battle of the band na lintik na yan. Papunta na kami ngayon sa music room at buti nalang walang gumagamit kaya malaya namin magagamit ng walang sagabal.
"Teka! Pupunta na tayo sa Music room?! Kumain muna tayo gutom na tong mga alaga ko." wika ko dahil hindi ko na kakayanin ang gutom.
"Sa restaurant nalang tayo ni Ma'am kumain." anyaya naman ni Ag.
"Sa cafeteria na! Ayoko na maglakad palabas, yung mga tuhod ko malapit na bumigay!" pag-angal ko kasi ang layo pa ng lalakarin namin para lang makalabas ng campus, mahihimatay na yata ako shuta.
Pagpasok namin sa cafeteria ay sobrang daming tao! Naghanap kami ng table pero puro occupied na.
"Tangena kung kailan gutom na gutom na 'ko, ang daming tao!" kanina pa ako panay bunganga at wala naman magawa tong tatlo kundi ang manahimik nalang.
"Paano ba yan?" tanong ni Ag,
Napahilot nalang tuloy ako sa 'king noo. Langya, parang gusto ko nalang matulog kaysa kumain. Maya-maya may biglang nagsalita sa likod ko. Isang napakalamig na boses.
"What are you doing?" Luh deja Vu?
Bakit ba ang hilig nilang dalawa sa likod lage kung magsalita? Ganyan na ba ka confusing at nahihirapan sila e identify ang kung saan ang harap at likod? Ganun na ba ako ka flat?
"Can't you see?" Kita na nga n'yang nakatayo at naghihilot ng ulo mag tatanong pa. Tinaasan naman ako nito ng kilay.
"Sa restaurant nalang tayo kumain. Wala na rin naman table dito, tara!" Biglang singit ni Kb at hinila na ang kamay ko pero may biglang humawak sa isang braso ko kaya napatigil kami.
"What are you doing Zi?" confused kong tanong.
"Holding your hand?" Langya, pilosopa rin eh no.
"Yeah, I know. Gutom na gutom na kami Zi," tamlay kong sagot, kahit e kiss pa niya ako ay hindi parin ako mabubusog.
"You can join us." sabi naman nito kaya napalingon ako sa mga kasama at mabilis silang tumango.
"Let go" napalingon ulit ako kay Ziallyn, anong let go sinasabi nito? Yung kamay n'ya ba? Eh s'ya may hawak sa kamay ko.
Napansin naman namin na nakatingin s'ya sa kabilang kamay na hawak pala ni Kb, kaya sumenyas ako sa kanya na bitawan na ako. Grabe naman tong Mommy ko napaka selosa.
Matapos akong bitawan ni Kb hinatak na 'ko ni Zi pa akyat sa table nila. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao habang magkahawak kamay. Yung iba napakasama pa kung makatitig sa akin, inggit yarn?
Pagkaupo sa table ay napansin kong wala ang Dragon na maldita. Saan kaya yun?... Bahala s'ya at pakialam ko ba sa kanya.
"Zi," bulong ko sa kanya pagkaupo namin.
"Gusto ko ka-"
"Coffee?" Putol n'ya sa sasabihin ko, ay wow alam na alam n'ya ah. Kaya tumango nalang ako, tinawag naman nito agad ang isang staff at pinakuha ng isang kape.
Busy na ngayon sa pakikipag chikahan ang mga bruha kong kaibigan sa tatlong kambal. Hindi na rin kami pinaorder dahil treat na raw kami nila Annallyn.
Nasa kabilang table pala sila at ngayon ko lang napansin na good for 2 lang pala tong table namin ni Ziallyn. Ay date ba to? Charot."How was your practice?" Tanong n'ya sa akin habang busy sa laptop.
"Tired, after lunch punta kami music room, pa-practice para sa kanta." ang tagal naman ng kape ko.
