CHAPTER 24

38.3K 1.3K 2.2K
                                        

-

"Anak!" Sigaw ni mommy kaya agad akong napalabas ng kwarto.

"Mom, bakit po?" takong ko agad pagkakita sa kanya.

"Bata ka halika sa labas, ikaw ba ang bumili ng sasakyan?" Napakunot naman ang noo ko.

"Ha? Wala naman mommy, why?" hindi siya sumagot at kinaladkad ako palabas ng bahay.

Laking pagtataka ko dahil paglabas ng gate may lalaki ang sumalubong sa aming dalawa.

"Good morning po, kayo po ba si Miss Shara Jane?" Tanong ng lalaki.

"Yes, why?"

Tumango ito bago inabot sa akin ang isang susi ng sasakyan? Ou, sasakyan nga, pero ano to?!

"Pwede mo na po gamitin, ma'am,"

Sabay turo n'ya sa isang black lamborghini huracan evo rwd spyder! na nasa labas lang pala ng garage namin. Tangena? Hindi naman ako umorder n'yan!

"Hindi ko po kinuha yan?" Patanong na sagot ko sa kanya.

"Okay na po Miss, bayad na po yan at pina deliver dito" paliwanag n'yang nakangiti.

May tinanong pa si Mommy sa kanya pero wala akong maintindihan dahil sa mga bagay na iniisip ko. Gage, kanino galing to at bakit binigyan ako ng sasakyan?

Hindi ko na nga rin namalayan na lumayas na pala sila, buffering masyado yung utak ko. May gusto pa sana akong itanong sa kanila pero nakaalis na.

"Sj, kanino galing?" nagising ako sa malalim na pag-iisip dahil sa tanong ng aking ina.

"Mom h-hindi ko rin po alam." Lutang na sagot ko sa kanya.

Bigla naman nag vibrate ang phone na nasa bulsa kaya agad ko itong kinuha. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan n'ya.

PIXIE
Use it.

Ha? Anong use it, condom ba? Charot. Wrong send ata

SJ
Wrong send ka po?
Happy new year nga pala Miss.

PIXIE
The car.

Hala potangena s'ya nagbigay nito?! Pero wala man lang bang happy new year too baby?!

SJ
Hoy!

Langya na hoy pa nga.

PIXIE
?

Sanaol maldita.

SJ
Wrong sent po Miss. Teka teka, sayo galing tong lambo?😩 Miss, andyan naman si Kb na maghahatid at sundo sa akin or commute nalang ako. Kunin n'yo na po to, hindi ko po tatanggapin.

PIXIE
Shut up! Use it or else I'll fail you.

Hala gago nambanta ang dragon!

SJ
Di n'yo po magagawa yan. 😏

PIXIE
Are you challenging me De La Fuente?

Ay surname na tinawag agagalit na! Kaya n'ya pala akong ibagsak! Masamang dragon talaga.

Kahit sa chat lang ay nakakatakot pa rin tong dragon na to. Ibabagsak talaga ako nito for sure! At hindi ako papayag.

SJ
Yes baby. I will use it po.🙄

Naghintay ako sa reply pero wala. Ang gaga nag seen lang. Apaka sama talaga.

"Baaaaaabeeeeee mylaaabs!" Muntik ko pa mabitawan ang phone ko dahil sa biglang sigaw ni keyboard sa bandang tenga ko. Sarap sapukin.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now