Continuation for Flashback
Napatulala na lamang si Lena dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Bukod kasi sa nailigtas siya nito hindi maikakaila na mabilis mahulog ang loob nito sa binata.
Doon na lamang nanumbalik sa katinuan si Lena nang magsalita ang binata.
" Go home. Don't worry, I will use the barrier on you to protect you from the evil creatures." Saad ng binata.
Sa hindi malaman na dahilan, bigla na lamang namula ang kaniyang pisngi. Magsasalita sana siya upang magpasalamat ng bigla na lang gamitin ng binata ang Air Shield Construction.
Agad naman tumalikod ang binata at lumakad na papalayo. Kampante ito na walang mangyayaring masama sa dalaga dahil may tiwala siya sa kaniyang abilidad.
Nakaramdam ng lungkot si Lena dahil bukod sa hindi siya nakapag pasalamat, hindi rin niya nalaman ang pangalan nito.
Basta ang alam niya lang ay kabilang ito sa Aksha of Air na nag-aaral sa A.A dahil sa tatak nito sa uniporme.
°°°° End of Flashback °°°°
Pinipilit gisingin ni Raver si Lena na hindi magising agad dahil sa pagod nito. Alam ni Raver na inubos ni Lena lahat ng Essence nito at natulog agad dahil nagawa niya rin ito noon.
Ilang beses pa niya itong ginigising hanggang sa tuluyan na nga itong nagising.
Agad naman nagtaka si Lena kung bakit parang ang aga matapos ng kuya niya.
" Kanina pa kami dito. Hindi lang muna kita ginising dahil pagod rin ako ng dumating dito." Raver
Nilibot agad ni Lena ang kaniyang paningin hanggang sa may nakita siyang dalawang tao na nakatalikod. Isang babae at isang lalaki.
Napansin naman ni Raver na nagtatakang nakatingin ito sa dalawa niyang kasama.
" Sila Cameron at Savie yan. Anak ng hari at reyna ng Air Kingdom." Saad ni Raver
Tumango na lamang si Lena at tumayo sa hinihigaan nito. Agad naman siyang tinulungan ng kuya niya.
Hindi na pala namalayan ni Lena na nakatulog siya dahil sa kakaisip sa binata.
" Raver, 1v1 tayo. " Paghahamon ni Cameron
Agad naman tumango si Raver sa hamon ni Cameron. Pumwesto sila sa gitna medyo malayo sa kinatatayuan ng dalawang prinsesa.
Agad naman silang naglaban. Habang pinapanood ni Lena ang dalawang prinsipe na naglalaban, nagulat siya nang bigla siyang kausapin ni Savie.
" Hello, ako si Savie." Bati ni Savie sa kaniya.
Agad naman ngumiti si Lena.
Magpapakilala sana siya ngunit sinabi ni Savie na kilala na siya nito dahil pinakilala siya ng kuya niya habang siya ay natutulog.
" Nung una, hindi ko alam na may kapatid pala silang babae. Ilang taon na kasi ang lumipas mula nang makilala namin ang dalawa mong kapatid. Bakit ngayon mo lang naisipan na mag ensayo? Ang sabi kasi ng kuya mo, wala ka raw intensyon na praktisin ang iyong abilidad. Gusto ko pa naman ang iyong Aksha. " Sunod-sunod nitong sabi.
Hindi agad makatugon si Lena dahil ang dami pa lang nalaman ni Savie mula sa madaldal nitong kapatid.
" Anong phase ka na? Ako kasi papunta pa lang sa 5th Phase. "Savie
" 2nd Phase pa lang ako. " Sabay yuko ni Lena dahil parang nanghihina siya sa sarili niya kumpara kay Savie.
" Ano ka ba! Huwag kang panghinaan ng loob. 2nd Phase lang din ako nang sumabak ako sa pagsusulit. Kaya lang talaga ako nakapasa dahil nagkita kami ni kuya Kai. Siya lang naman ang gumawa ng lahat eh hahaha taga support lang ako sa likod niya kung kinakailangan. " Natatawang tugon ni Savie.

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...