" Kinagagalak namin na makilala ka, Eve." Masayang tugon ni Silvia.
"Isa kang maharlika?" Takang tanong ni Avery.
Umiling naman ito. Umupo muna ito sa tapat nila bago sumagot.
" Sa totoo lang, ako ang bunsong prinsesa ng Storm Kingdom." Eve.
Nagulat naman ang dalawa dahil hindi nila inaakala na prinsesa pala siya sa Storm Kingdom.
" Sa itsura mo pa lang, mapagkakamalan ka talaga na isang prinsesa. Kaso hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Pwede paki paliwanag hehe?" Saad ni Silvia.
Napakamot na lamang ng ulo si Eve pero sa kalaunan ay ngumiti na ito.
" Isa akong prinsesa sa Storm Kingdom pero ako ang naiiba sa pamilya ko. Lahat sila ay kabilang sa Aksha of Storm samantala ako kabilang sa Aksha of Nature. Sabi ni ina, may pagkakataon talaga na pwede kang mapabilang sa ibang Aksha." Pagpapaliwanag ni Eve.
" Pero minsan hindi ko na alam kung sino ang aking paniniwalaan. Nalaman ko rin kasi sa aking mentor na kapag ang magulang mo ay parehas ng Aksha, ganun din ang makukuha mo katulad sa kanila. Imposible raw na mag-iba ng Aksha na kahit sinong tao." Eve.
Tumango-tango na lamang si Silvia samantala si Avery ay nanatiling nakatitig lamang kay Eve.
" Kahit ako ngayon lang ako nakakilala ng katulad mo. Pero hindi na mahalaga 'yon, ang mahalaga ay mahal mo ang sarili mo. Mahalaga din na dapat mong tanggapin ang mayroon sa' yo. Hindi na mahalaga kung naiiba ka sa kanila, hindi naman masama ang bagay na 'yon. " Silvia
Hindi mapigilan na mapangiti ni Eve dahil sa sinabi nito.
" Mabuti na lamang dito niyo naisipan na magpahinga. Kung hindi ko narinig ang boses niyo, hindi sana ako magigising. " Eve.
" Nasa taas ka pala ng puno. Dapat nagsabi ka Haha ginulat mo pa tuloy ako. Buti na lang walang nakarinig sa akin bukod sa inyong dalawa. " Silvia.
Humingi naman ng pasensya ulit si Eve. Ngumiti na lamang si Silvia.
" Kung kakagising mo lang, ibig sabihin kanina ka pa dito? Wala ka bang nakitang halimaw? " Avery.
" Oo nga. Mabuti na lang walang nakakita sayo habang natutulog ka. " Silvia.
" May nakalaban ako kanina at napatay ko rin kaso wala ng natira na Essence sa akin kaya pinili kong matulog. " Eve.
" Ibig sabihin kapag natulog ka mas mabilis bumalik ang Essence mo? " Gulat na tanong ni Silvia.
Napatawa naman si Eve.
"Hindi naman. Hindi na kasi ako nakatulog kagabi simula nang magising ako dahil sa nangyari sa akin." Eve.
"Anong nangyari sa 'yo?" Umandar ang kuryosidad ni Avery.
Napabuga muna ito ng hangin bago magsalita.
"May nakatapat ako na isang Amarok. Halos ilang oras ako tumakbo nun hanggang sa nailigaw ko siya kaso may panibagong kalaban na naman. Hanggang sa may nakasama akong binibini na may kasamang puting soro. Hindi kami nagtagal dahil nahanap ako ng Amarok. Tumakbo kami kaso na iwanan ako ng binibini dahil ang bilis niya pala tumakbo. Mabuti na lamang ay nasa akin ang puting soro niya hanggang sa nailigtas niya ang buhay ko. Nawalan na ako ng malay hanggang sa nagising na lang ako sa loob ng aking silid." Pagkukwento ni Eve.

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...