Chapter 1

46.4K 817 29
                                        

Raine

"Mom, may gagawin pa po ako." Pagrarason ko sa aking ina nang sabihin nyang samahan ko raw sya sa restaurant na pagaari ni Tita Clara, ang mama ni Summer na kapatid ni Mom.

Ewan ko ba sa dalawang ito kung bakit hindi nauubusan ng chika. Kapag nagkikita ang magkapatid mas gugustuhin mo na lang talagang umalis sa tabi nila. Halos abutin kasi ng isang araw kung mag-usap. Daig pa ang magkaibigan na ilang taong hindi nagkita. Tsaka kung hindi ka idadamay sa topic nila madami namang itatanong tungkol sa love life mo. Kaya nga tumatakas agad kami ni Summer kapag nagkikita ang mga nanay namin, mahirap ng ma-corner ng dalawang marites.

"Saglit lang naman tayo doon, anak. Baka nga dalawampung minuto lang ang itatagal natin doon, eh."

Susko! Scam ang dalawampung minuto na 'yan. Ayokong maniwala.

"Si kuya Blake na lang ang isama mo, Mom. Pretty please?" Nagpacute pa ako rito pero mukhang desidido na ang nanay ko.

"No! Alam mo naman iyang kuya mo masyadong mainipin. Baka nga mauna pa syang umalis kesa sa akin. Sige na, magbihis kana dyan kung ayaw mong hindi kita bigyan ng allowance in one month, Raine Morris Trojan." Pananakot pa nito bago lumabas sa kwarto ko.

Marahas akong tumayo mula sa aking kama at walang kabuhay-buhay na tinungo ang banyo.

Agad akong naligo nang kumatok na naman si Mom sa kwarto ko sign na bilisan ko ang kilos. Ugh! Sabado na sabado pero heto ako, mas lutang pa sa mga adik dyan sa kanto.

It took thirty minutes bago ako natapos sa pagligo. Well, you can't blame me. Ang lamig ng tubig kaya masarap sa pakiramdam. Kung pwede nga lang magbabad sa bathtub ginawa ko na. Kaso baka magtransform sa pagiging dragon ang mahal kong ina.

Nagtoothbrush muna ako bago lumabas ng banyo. Namimili pa ako ng damit na susuotin ng kumatok na naman si Mom for the second time.

Jusmiyo marimar!

"Masyado bang mabigat iyang damit na suot mo kaya ang tagal mong lumabas?" Pilosopong tanong ng aking ina mula sa labas ng pintuan.

Umirap na lang ako sa kawalan dahil sa sinabi nya. She can be so mean sometimes. Pati anak hindi pinapalampas. Tch!

"Lalabas na po ako in five minutes!" sigaw ko rito habang dali-daling isinuot ang hawak ko na ngayon black ripped jeans. Pinaresan ko ito ng white loose shirt na may naka-print na keep cool sa harapan.

"Bilisan mo. Jusko! Kayong mga kabataan ngayon pati pagbihis ang bagal-bagal. Daig nyo pa ang mga pagong kung kumilos," rinig ko pang litanya nito habang papalayo sa kwarto ko.

Naiiling na lamang ako dahil sa pagiging ratatat ng bunganga ni Mom.

After I checked myself in front of my vanity mirror ay agad akong nagwisik ng pabango sa aking leeg at damit. Isinuot ko din ang leather watch na regalo sa akin ni Dad last year. Nang makuntento sa porma ko ay kinuha ko na ang cellphone ko at headset sa bedside table na nandito sa kwarto ko.

Makikinig na lamang ako ng music mamaya kapag nabored ako doon.

"Akala ko kailangan pa kitang hatakin palabas ng kwarto mo." Bungad sa akin ni mom pagkababa ko ng hagdan.

Prente itong nakaupo sa sofa habang nataas ang kilay sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang pagtatalak ng nanay ko. Baka abutin pa kami ng gabi kapag nagsimula na naman itong mag-misa.

Walang imik akong pumunta sa shoe rack at kinuha ang black converse shoes ko bago iyon isinuot.

"Tara na, mom. Para naman makauwi tayo ng maaga." sambit ko bago lumabas ng bahay at tumungo sa garage. Ramdam kong nakasunod ito sa akin habang nagsisimula na namang magsalita.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon