Raine
"Give me back my company."
Napatingin ako sa taong kaharap ko ngayon. Nagtatagis ang bagang nito ngunit wala akong paki'alam. Mukhang maayos na ang lagay nito after ng pangbugbog na natamo mula sa mga tauhan ni kuya Rowan.
"Wala akong kinuha sayo, Mister. Ah, wait! Wala pa pala akong kinuha sayo---sa ngayon." Ngumisi ako sa kanya.
Papunta na sana ako kanina sa condo ni Olivia para sunduin sya ng harangan ng kotse nya ang sasakyan ko.
Galit na galit itong lumabas ng kotse nya at sinabing mag-uusap daw kaming dalawa. At dahil sa mabait naman akong tao, pinagbigyan ko na. I just texted my girlfriend na hindi ko sya masusundo ngayon dahil may pupuntahan ako.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang japanese restaurant. Kilala ko ang may-ari ng restaurant na ito na si Ashin. Anak sya ng isa sa business partner ni Dad na eventually, naging kaibigan ko na. Mabait naman kasi ang babaeng yun and ka'edaran ko lang din, though medyo mahiyain nga lang. Anyway, sa ibang university ito nag-aaral kaya hindi kami madalas na magkita.
"Don't fool me around, Trojan! Alam kong kasabwat mo ang attorney na iyon para pabagsakin ako." He's fuming mad, and again, wala akong pake. Nagiging asong ulol lang sya sa paningin ko.
"So? May magagawa ka ba para pigilan ako na angkinin ng tuluyan ang kompanya mo?" Nang-uuyam kong tanong sa kanya na mas lalo lang ata nyang ikinagalit.
Balak ko kasing bilhin ang kompanya nya since papalugi naman na dahil sa mga shareholders and investors na nagba-back out dahil sa kagagawan namin ni kuya Rowan.
"Fuck you!"
Napangiwi ako, "Oh, gross! Hindi tayo talo."
Pansin ko ang pagkuyom ng mga kamao nito ngunit malamig ko lang syang tiningnan. Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumayo at walang pasabing lumuhod sa harapan ko.
Umirap ako sa kawalan dahil sa kanyang ginawa. Mabuti na lang nasa VIP room kami ngayon. Ayokong may makakita sa ginawa nya. Baka isipin ng mga tao na nagpo-propose ang lalaking ito sa akin.
Eww lang! Si Olivia lang ang gusto kong lumuhod sa akin at wala ng iba pa. And of course, ibang luhod ang gusto kong gawin nya.
"I will do everything just please, spare my company. Importante iyon sa akin. Please, Miss Trojan." Ramdam ko ang sincerity sa boses nito habang nakayuko lang ang ulo nya.
Hays! Ang drama naman masyado.
Marahas akong napabuga ng hangin dahil sa inasta nito. He looked like a lost puppy. Gone the Paulo jerk na na'encounter ko sa loob ng campus.
"Tumayo ka nga. Para kang tanga dyan." Nayayamot kong sabi kaya agad itong tumayo. "I'll gave you a chance to take back your company and your investors." Lumiwanag ang mukha nito ngunit seryoso ko lang syang tiningnan. "But I wanted you to stay away from my girlfriend. Kapag nalaman kong lumalapit ka pa sa kanya and tried again to harass her. I'll tell you, Mr. Diaz. Hindi ako mangingiming ibaon ka sa lupa kasama ng buo mong angkan. Trust me, hindi mo gugustuhing makalaban ang isang Morris. Nagkaka-intindihan ba tayong dalawa?"
Sunod-sunod itong tumango at pansin ko ang panginginig ng mga kamay nito. Halatang natakot ito sa sinabi ko. Well, he'd better be dahil hindi ako nagbibiro sa mga sinasabi ko.
Tumayo na ako sa aking upuan, "Good. I gotta go now. Asahan mong bukas na bukas rin ay magiging maayos na ang takbo ng kompanya mo. Huwag ka lang makalimot sa usapan natin. Maliwanag ba?"
"O—of course," He stuttered na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.
"One more thing. May gusto akong ibigay sayo." And before he could even utter a single word again, mabilis ko na syang sinuntok sa mukha at buong lakas na tinuhod sa sikmura.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
قصص عامة"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
