Raine
"Ang saya mo, ah." Taas ang kilay na saad ni Xavier na syang ikina'irap ko sa kawalan.
Kung alam nya lang kung paano ako landiin at akitin ng kapatid nya these days. Siguradong hindi sya maniniwala kapag sinabi kong nasa flirtationship level na kami ni Olivia.
Hindi naman kasi halata sa malamig na babaeng yun na kaya nyang gawin ang mga bagay na ginagawa nya sa akin nitong mga nakaraang araw.
Matapos kasi ang panghahalik ko sa kanya sa loob ng kanyang opisina ay lalo lamang syang naging ka akit-akit sa aking paningin. She'd always seduce me secretly kahit nasa loob pa kami ng classroom.
I don't know kung mayroon na syang nararamdaman para sa akin. I'm still hoping na sana meron na dahil sa mga mixed signals na ipinapakita at ipinaparamdam nya sa akin these days.
Ayokong mag-expect ng mataas pero hindi ko maiwasang gawin. Sana lang hindi ako ma-disappoint sa huli.
"Bawal ba maging masaya?" Pilosopo kong tanong sa kanya habang kumakagat ng stick-o na kinababaliwan ko lately.
"Sinabi ko bang bawal?" Backfired nito.
"Para kayong mga tanga. Umayos nga kayong dalawa. Pag-uumpugin ko ang ulo nyo, eh." Si Vivian na naiirita na sa kapilosopohan naming dalawa ni Xavier.
Pareho kaming natawa nitong katabi ko dahil sa nakabusangot na mukha ni Vivian. Tumambay na naman kami dito sa soccer field dahil vacant pa naman namin.
Hindi kami pare-pareho ng kursong kinuha ngunit magkakapareho kami ng schedule at vacant.
Coincidence isn't?
Inakbayan ko ito, "Sagutin mo na kasi ang isa sa mga manliligaw mo para hindi kana nagsusungit dyan."
Napaubo ako ng kunti ng bigla ako nitong siniko sa tagiliran. Ang samang babae! Mapanakit masyado. Nagsa-suggest lang naman ako eh. Grabe sya!
"Paano ako sasagot kung hindi ka pa nga nanliligaw sa akin?" Ngumisi ito habang napapasipol naman si Xavier.
Natawa na lamang ako. Tatanungin ko na sana sya kung nagbibiro lang ba sya o ano nang biglang may tumikhim ng malakas mula sa aming likuran.
Sabay kaming tatlo na napalingon sa taong may gawa no'n, at gano'n na lamang ang paninigas ko sa aking kinauupuan ng mapagtanto kung sino ito.
Patay na!
Malamig itong nakatingin sa amin habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso. Nalunok ko ata ang dila ko ng magawi ang mga mata nito sa braso kong naka-akbay kay Vivian.
Para akong napapaso na bumitaw sa kaibigan ko habang nag-iiwas ng tingin sa kanya.
Oo, malamig at walang emosyon kung tumingin ito pero iba ang nababasa ko sa kanyang mga mata ngayon. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako pinaglamayan rito sa pwesto ko.
"What are you guys doing here? Wala ba kayong mga klase?" She coldly asked habang nakataas ang kilay sa aming tatlo.
"Vacant po namin, Miss Ivanov." Si Vivian na ang sumagot dahil para akong tinakasan ng sarili kong boses.
Si Xavier naman ay nakangisi lang na nakatingin sa akin ng makita ang reaksyon ko. Ang sarap sapakin ng gago. Letse!
"I see," tumatangong sabi nito bago nagbaling ng tingin sa akin. "Can I have a word with you, Miss Trojan?"
"Uh, ma—masyado po bang importante ang pag'uusapan natin, Miss? Pwede bang mamaya na lang?" Tumatawang saad ko dahil iba ang kutob ko sa sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
General Fiction"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
