Chapter 5

22.5K 689 53
                                        

Raine

"Do you really always do that?" Napatingin ako sa harapan dahil sa taong nagsalita.

"Do what, Miss Ivanov?"

Katatapos lang ng klase namin sa kanya. At dahil sa naguunahang lumabas ang mga hinayupak kong mga kaklase, nagpa-iwan na muna ako dito sa loob habang naglalaro sa cellphone ko. Bahala silang magbanggaan. Mga daig pa ang nasunugan.

"Flirting every girls here in school," saglit akong napanganga dahil sa kanyang sinabi. Makabintang si Ma'am wagas!

At sino naman kuno ang nilalandi ko aber?!

"I'm not flirting with them, Miss." Palihim akong napaikot ng mga mata. "I'm just trying to be friendly." Pahabol ko pa.

Pansin kong kaming dalawa na lang ang naiwan rito sa loob ng classroom. Kaya pala malakas ang loob ng propesorang ito na lalo akong sungitan dahil walang makakarinig sa kanyang iba. Ba't ba kasi ang init ng dugo nito pagdating sa akin? Daig ko pa ang nagkaroon ng malaking kasalanan sa kanya.

"Friendly, I see."

Ako lang ba? O sadyang nahihimigan ko ang pagiging sarcastic sa boses nito? 'Tsaka ano kayang problema nito? Simula pa lang pagpasok nya kanina sa klase ang init na ng ulo nya. Matalim din ito kung tumitig sa amin, lalong-lalo na sa akin.

Napapaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang salubungin ang nagbabaga nitong mga mata. Sa totoo lang, ramdam kong pinapatay na nya ako gamit ang mga matang yun.

Huling araw na ngayon para sa first semester this school year pero hindi man lang nagpakita ng kaunting kabaitan ang binibining ito.

Nakakabanas!

"May problema po ba kayo sa pagiging friendly ko, Miss Ivanov?" May diin kong bigkas sa salitang iyon.

"Nothing, continue being a friendly person then," malamig na sagot nito.

Inirapan pa talaga ako bago ipinagpatuloy ang pagaayos ng kanyang mga gamit.

"Eh, sa akin po? May problema po ba kayo?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Kita kong natigilan ito sandali ngunit agad din namang ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nagkibit balikat na lamang ako ng wala akong makuhang sagot mula sa kanya. Ngunit agad din akong napa-upo ng tuwid ng bigla itong nagsalita.

"I have nothing to do with you, dumbass. I just hate seeing your annoying face," malamig na sambit nito bago lumabas ng aming classroom.

Naiwan akong nakatulala dahil sa binitawan nyang salita. Ito lang ba talaga ang mapapala ko sa paglipat sa paaralang ito?

Puro pang-iinsulto at pagtataray na lang ba talaga ang kayang ibigay ng babaeng yun? Seryoso? Sigurado na ba talaga 'to?

Putangina naman!

Just wait, Olivia. Sisiguraduhin kong mas lalo ka lamang maiinis sa pagmumukhang ito.

_______

"Ikaw dapat ang nagbibigay nito sa kanya, hindi ako." Ungot ni Xavier habang hawak ang isang bouquet ng dilaw na tulips.

Sya mismo ang nagsabi na iyon ang paboritong bulaklak ng kapatid. At ngayon nga ay nakisuyo ako sa kanya na ibigay iyon sa masungit na propesorang yun dahil may lakad ako.

"Sa tingin mo ba makakalapit ako sa kanya ng ganon kadali? Baka nga bigla na lamang akong bumulagta sa harapan nya dahil sa matatalim nyang titig."

Natawa ito, "Ang duwag mo naman pala. 'Yun lang? Natakot kana?"

"Gusto mong sabihin ko kay Bailey na bastedin ka?" tukoy ko sa isa kong pinsan sa side ni Dad.

Nanliligaw ang damuhong ito sa babaeng yun, kaya nga nagkaroon ako ng pagkakataon na hingin sa kanya ang phone number ng kapatid nya. But of course, ang kapalit niyon ay tutulungan ko sya sa pinsan ko.

Pero hindi ko pipilitin si Bailey kung wala syang nararamdaman sa kaibigan kong ito. Ang pinsan ko pa rin ang masusunod since feelings naman nya ang pinag-uusapan dito. Ayokong ipagduduldulan sya sa taong hindi nya naman gusto.

"Subukan mo lang, ulan! Hindi pa nga ako pinapansin non tapos ngayon gagatungan mo pa." Ako naman ngayon ang natawa dahil sa pagmamaktol nito.

Alam nya kasi kung gaano kami ka-close ni Bailey. To the point na madali lang nitong gawin ang kung ano ang sasabihin ko. But I doubt kung kaya nya iyong gawin kapag hiniling ko na bastedin si Xavier. Ramdam ko kasing pareho lang silang may feelings sa isa't-isa. Sadyang nagpapaka hard to get lang ang pinsan kong iyon.

"I'm just kidding! Anyway, I have to go. Sasamahan ko pa si Summer sa mall. Baka nag-aalburuto na iyon ngayon." Late na ako sa usapan namin at sigurado akong nagsasalubong na ang kilay nito ngayon.

"Oo na! I'll text you immediately kapag naibigay ko na ito sa kanya."

Agad na itong sumakay sa kanyang kotse na hindi na hinintay ang sagot ko. Ang bastos din talaga minsan ng isang 'yun. Mana sa kapatid!

Napapailing na lamang ako na nagmaneho papunta sa restaurant ni Tita Clara. I'm humming a song ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Agad ko iyong binasa ng makita ang pangalan ni Xavier at hindi ko maiwasang mapangiti ng mabasa ang mensahe nito. I dialled his sister's number ng sabihin nitong naibigay na nya ang bulaklak rito.

"Who is this?" Bungad ng nasa kabilang linya. Napakagat labi ako dahil sa lamig ng boses nito.

"It's me, Miss Ivanov. Your gorgeous student, Raine Morris Trojan." Gusto kong humagalpak ng tawa ng marinig ang pagsinghap nito.

"And where did you get my number, idiot? At para saan naman itong bulaklak? Hindi pa naman ako patay para bigyan nito."

Napasimangot ako dahil sa sinabi nya at ng lumamig lalo ang boses nito. Indikasyon na hindi nito nagustuhan ang ginawa ko.

"Hindi ka nga patay, Ma'am. Pero patay na patay ako sayo," banat ko na biglang ikinatahimik ng kabilang linya.

"Ma'am? Ayos ka lang?" tanong ko ng hindi pa rin ito nagsasalita. "Okay lang po kiligin, Miss. Huwag mong pigilan. Nakakabaliw 'yan."

Parang gusto kong palakpakan ang sarili ko ngayon dahil sa determinasyon na nararamdaman ko. Bahala syang makornehan sa mga banat ko.

"Tell me. What are you up to this time, crazy woman?"

Shutangina! Ang dami na nyang tawag sa akin huh. Wala man lang baby or babe d'yan? Yung maganda naman sana pakinggan.

"Kapag ba sinabi kong crush kita ikaka-crush back mo din ako, Ma'am?" Nakangisi kong tanong sa kanya kahit hindi naman nya ako nakikita.

"Umasa ka. It will not happen." At iyon na po ang katapusan ng lahat mga kaibigan.

Bwisit naman! Hindi ba marunong magpaligoy-ligoy ang babaeng 'to? Ang sakit ng pagiging straightforward nya. Piste!

"Don't worry, Ma'am. I will make sure na magbabago ang desisyon mo. I will court you no matter what happened. Wether you like it or not." Pinal kong sabi kahit na kinakabahan na ako rito.

Natahimik ito sandali ngunit nagsalita din naman kalaunan, "Don't bother, you don't have a chance."

Marahas akong napabuntong hininga ng biglang namatay ang tawag. Semester break namin ngayon kaya isang linggo kong hindi makikita ang maganda nitong mukha. Ngayon ko na din napagdesisyunan na magparamdam sa kanya.

I will start to court her mula ngayon. It's now or never! Ayokong grumaduate na hindi nakukuha ang propesorang iyon. I will pursue her no matter what happened. Kahit pa ipagtabuyan nya ako at tarayan araw-araw, hindi ako susuko hangga't hindi ko makuha ang puso nito.

I will make her fall in love with me in the most possible and positive way, of course. I will have her heart sa paraang magugustuhan nya.

__________

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon