Chapter 13

24.2K 679 39
                                        


Raine

"Saan nga kasi ang magandang lugar na pwedeng pagdalhan sa kanya?" Frustrated na tanong ko kay kuya Calix na kanina pa ako tinatawanan.

I ask him some advices tungkol sa mga date-date na iyan dahil wala naman akong alam. Pero ang loko kong kapatid, walang matinong sagot. Kung pwede ko lang talaga sapakin ang isang 'to kanina ko pa ginawa.

"Chill ka nga lang muna. Masyado kang tensyunado." Natatawa pang sabi nito na syang ikina-irap ko na lamang.

Sino ba naman kasi ang hindi mati-tense? Ito ang una at official date namin ni Olivia matapos ang isang linggong pa-flirt flirt lang, ganern!

"Magseryoso ka kasi!" Singhal ko na sa kanya dahil talagang naiirita na ako sabayan pa ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko lang alam kung dahil ba sa excitement at kaba o ano.

"Alam mo, Ulan," umakbay ito sa akin. "Hindi importante kung gaano kaganda ang lugar na pagdadalhan mo sa kanya. Ang importante doon ay kung paano mo sya mapapasaya sa simpleng pagkikita lang at sa simpleng pag-uusap nyong dalawa." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig na mukhang napansin nya ata.

"Well, some of girls prefer a fancy date, no doubt about that. Pero karamihan sa mga babae, mas gusto nila ang magkaroon ng talking stage. A long conversation kumbaga to know each other deeply. Yung tipong masasabi mong kilala mo na sya hindi lang dahil sa nakikita mo sya araw-araw, but more than that. Dalhin mo sya sa lugar na kung saan komportable sya habang nag-uusap kayo. Yung walang ibang bagay ang makakakuha ng atensyon nyong dalawa." Pagpapatuloy nito dahilan para mapa-isip ako sa lugar na gusto ni Olivia. I never asked her before, really.

"Alam mo, hindi naman requirement na kailangan mong alamin ang bawat gusto at hindi ng taong mahal mo. I mean, yes importante ang bagay na iyon. Pero kung totoo kang nagmamahal sa kanya. You will pay attention sa bawat detalye ng mga likings nya kahit hindi nya man iyon sabihin sa iyo. Observing is better than asking, Raine."

Sa unang pagkakataon, parang gusto kong sambahin ang kapatid kong ito. Nalilito man ako sa advice nya, pero kahit papaano nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin.

Hindi palasalita si Olivia. Alam ko 'yun. Pero napapansin kong nagiging madaldal sya kapag nakuha ng isang bagay ang interes nya, at lalong-lalo na kapag alam nyang hindi ka madadala sa napaka intimidating nyang aura. She's being talkative when she's curious na minsan hindi nya napapansin.

Nagsasalubong ang kilay nito kapag naiinis sya. She will continuously rub her palm on her skirt when she's nervous. She will keep combing her hair with her delicate hands when she's getting angry, and she will just simply bit her lips when she's happy or excited.

Lahat iyon napansin ko kahit malamig itong tumitig at hindi nagpapakita ng kung ano mang emosyon. Even if she wear her stoic face everyday. Alam ko kung kailan sya galit, naiinis, kinakabahan at kung kailan sya masaya. At alam ko ring kumakalma agad ito by just looking at the painting that hanged inside her office wall.

Painting ng isang...shit!

Beach!

"Seems like alam mo na ang perfect place na pagdadalhan sa kanya," nakangisi si kuya Calix na hindi ko na lamang pinansin.

I said my thank you to him bago nagmamadaling tinungo ang kwarto ko. Agad akong naligo ng makitang alas kwatro na pala ng hapon.

Six p.m ang usapan namin kung saan susunduin ko sya sa condo unit nya, but I wanted to surprised her. I wanted to see kung ano ang magiging reaksyon nya kapag sinabi ko kung saan kami pupunta ngayon.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon