Chapter 6

22.1K 711 77
                                        

Raine

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" Pabigla-biglang tanong nitong kaharap ko.

"Napapagod saan?"

"Yung ganito," tukoy nito sa mga bulaklak sa paligid.

Nandito na naman kasi ako sa flower shop na pagmamay-ari ng mama nya. They have lots of different beautiful flowers na pwede kong pagpilian.

"Nagsasayang ka lang ng oras at effort mo sa totoo lang. Pwede na ngang maging santo ang propesorang iyon dahil sa araw-araw mong pagbibigay ng bulaklak—na mukhang lagi din naman nyang tinatapon sa basurahan," dugtong nito at nginisihan pa talaga ako ng gagang ito.

She already know about my feelings towards my gorgeous professor. Isa lamang sya sa iilang close friends ni Autumn na naging kaibigan na din naming tatlong magpipinsan.

"Hindi ka sigurado dyan, Farah." Tukoy ko sa basurahan thingy na iyan. Hindi ko pa naman nakikita si Olivia na nagtatapon ng bigay ko sa kanyang bulaklak. Iyon nga lang hindi ko alam kung saan nya inilalagay. O baka tama ang hinala nitong kaibigan ko?

"Tsaka, pursuing someone you love is not a waste of time. Malay mo bumigay din sya sa huli," dugtong ko.

"Exactly! Malay mo lang yun, bes. It means hindi ka sigurado. What if wala talagang pag-asa iyang nararamdaman mo para sa kanya?"

"Then that would be too painful for sure, but at least I tried my best."

Maingat kong kinuha ang isang tangkay ng preskong pulang rosas at inamoy iyon. Napapikit pa ako ng mata dahil sa mabangong halimuyak nitong pumapasok sa aking ilong.

"Kung alam mo naman palang masasaktan ka sa huli bakit hindi kana lang tumigil ngayon pa lang? At least maisasalba mo pa mula sa pagkawasak iyang puso mo."

Inis ko itong nilingon pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Yung totoo, Farah Lopez? Pinapalakas mo ba ang loob ko o mas lalo mo lang akong dini-discourage?"

"I didn't mean to sound like I was discouraging you. Ang akin lang naman, ayokong masaktan ka sa huli." Napabuntong hininga pa ito ng mapansing bigla akong tumahimik. "Alam mo ba kung bakit maraming nasasaktan pagdating sa salitang pagmamahal? It's because una pa lang, alam na nila ang sagot sa kanilang mga katanungan pero mas pinili nilang paniwalaan ang mga bagay na salungat sa kanilang nakikita. Mas pinili nilang maging bulag-bulagan sa katotohanan kesa tanggapin na hindi talaga kayang suklian ng taong gusto nila ang pagmamahal na ibinigay nila. Doon nabubuo ang salitang martir, Raine."

Hindi ako tinamaan sa sinabi nya. Oo, hindi. Slight lang.

Bwisit talaga!

"If pagiging martir itong ginagawa ko ngayon, then be it. What can I do? I love chasing her. I love chasing that gorgeous, yet cold professor of mine." Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kirot sa aking puso dahil sa ugaling ipinapakita sa akin ni Olivia.

It's almost been a month simula ng manligaw ako sa kanya, at ganon pa rin ito makisama sa akin. Ah, no. May nagbago pala. Mas lalo lang itong nagsusungit at naging cold sa akin.

She always looked at me dead in the eyes. Like she doesn't want to see my existence. Na para bang ayaw nyang makita ang pagmumukha ko sa araw-araw na pagtuturo nya.

Well luckily, she's still my professor this last semester. Masaya sa pakiramdam, ngunit masakit sa puso. Lalo na kapag araw-araw nitong ipinaparamdam sa akin na wala lang ako sa kanya. Na isa lang akong ordinaryong studyante para sa kanya.

Iyon naman talaga ang totoo, hindi ba? She's my professor and I am just her mere student, but I want more than that. Gusto kong maging higit pa sa estudyante ang samahan naming dalawa. Na mukhang mahihirapan kong makuha dahil sa pagiging malamig at mataray nito. And of course, sa pagiging straight nito na daig pa ang ruler sa pagiging tuwid.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon