Olivia
"Are you sure na walang magbabago sa nararamdaman mo para sa akin once na malaman mo ang past ko?" I seriously asked her dahilan ng pagkunot ng noo nito.
Inaasahan ko ng darating ang araw na mauungkat ang kidnapping incident na iyon. Ang hindi ko lang inaasahan ay ganito pala ka-aga mangyayari ang bagay na ito. At sa totoo lang, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa magiging reaksyon nya.
I'm scared na baka lumayo sya sa akin at pandirihan nya ako, katulad ng ginawa ni Paulo noon. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari yun.
"Try me, Olivia." Mapanghamong sambit nito.
Nagdadalawang-isip ako, pero gusto ko rin namang magpakatotoo sa kanya.
"I was....kidnapped four years ago." Panimula ko at pansin kong agad itong natigilan, while me? I'm starting to get emotional.
Well, who wouldn't be? I always have a nightmare every fucking night because of that incident. Yes, I already overcome my trauma. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng takot lalo na kapag nasa gitna ako ng maraming tao.
Pakiramdam ko bigla na lamang may hahablot sa akin na masasamang tao. Kahit nga ang hawakan ako ng mga taong hindi ko kilala at ka-close ay para na akong manginginig sa takot.
Pero ibang usapan na pagdating kay Raine. Hindi nati-trigger ang takot ko kahit gaano pa sya kalapit sa akin, kahit noong nagsisimula pa lang syang manligaw sa akin. I always felt calm by just her mere presence. Kabaliktaran sa nararamdaman ko pagdating sa mga taong nakapalibot sa akin, even my co-professors. Isa din iyon sa dahilan kung bakit may sarili akong opisina sa loob ng paaralan.
"You—you don't have to continue kung hindi ka komportableng pag-usapan ang bagay na iyan." Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata nito.
Mas lalo lang tuloy akong nakaramdam ng determinasyon na sabihin sa kanya lahat.
"I want to. Ayokong maglihim sayo. Ayokong malaman mo pa ito sa iba." I sincerely said at nakaka-unawa naman itong tumango. She even smiled at me para siguro pagaanin ang loob ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinabi sa kanya ang lahat ng nangyari ng mga araw na iyon. Pati na rin ang muntik ng pagkakagahasa sa akin ng isa sa mga kidnappers ko at ang past namin ni Paulo.
Hindi ito umiimik habang nagsasalita ako ngunit pansin ko ang pagtatagis ng bagang nito at ang malalim nitong paghinga. Humihigpit rin ang pagkakahawak nito sa aking mga kamay though hindi naman masakit.
"Is that the main reason kung bakit pakiramdam mo hindi ka deserving para sa akin?" There's no trace of emotions on her eyes that made me nervous even more.
Tumango ako, "Pakiramdam ko wala akong karapatang maging masaya."
Mas lalong kumunot ang noo nito at mariing ipinikit ang mga mata na para bang may mali akong nasabi. Parang gusto kong umiyak dahil sa nakikitang reaksyon nya.
Hindi naman ako ganito dati. Pero pagdating sa kanya hindi ko mapigilang maging emotional.
Marahas itong bumuntong hininga at mapupungay ang mga matang tumitig sa akin. She lovingly caressed my cheek habang may malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
"Please, don't ever said that again." Parang nagsusumamo sa akin ang boses nito, "Despite of what happened. You deserve to be happy, Olivia. You deserve happiness even if it's not with me. You deserve everything in this fuck up world."
Tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I always felt like a fragile person when it comes to her. Sya lang ang nag-iisang tao na kayang palabasin ang kahinaan ko. Even my family didn't know how to handle me after that incident.
![](https://img.wattpad.com/cover/303975635-288-k952063.jpg)
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
Storie d'amoreProfessor x Student "Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in--Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022