Raine
"Ba't ayaw mong sumama?" tanong ko kay Summer na nagbabasa ng libro ngayon.
Saglit ako nitong tinapunan ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa librong binabasa.
"I told you, may gagawin ako. Nasabihan ko na din naman si Farah and she's cool with it."
Umikot lang ang mata ko dahil sa bored nitong tono. Parang may mali sa kanya ngayon, hindi ko lang mapunto kung ano.
Mamaya na ang birthday party ng mama ni Farah kaya nga kinukulit ko ang isang 'to na sumama. Dito ako ngayon kumain sa kanilang restaurant at tsambang nandito rin sya. Akala ko pa nga nandito din si Autumn, but I bet si Veronica na naman ang kasama nito.
"Akala ko si Winter lang ang hindi makakasama. Pati ba naman ikaw?" Ungot ko pero umirap lang ito.
I understand naman kung hindi makakasama ang isang yun dahil busy ito sa kompanya nila. Ang hindi ko maintindihan ay ang isang 'to. Mukha namang wala syang gagawin pero heto, nagpa-bebe ang walanghiya!
"Eh, anong magagawa ko? Kulang kami ng tauhan ngayon dahil naka on leave si kuya Lemuel at kuya Jhon." Palusot nito na hindi umubra sa akin.
Neknek nya! Sa dami ng pera nila hindi naman na nya kailangan pang mag-part time dito sa restaurant nila. Tsaka haller?! Ang dami nilang tauhan sa ibang branch na pwede nyang paki'usapan na sumaklolo dito.
Palusot talaga ng babaeng 'to hindi mabenta. Pero sige, kunyari naniniwala ako. Tch!
"Bahala ka," tumayo na ako.
"Anyway, aalis na ako. How about you? Diba may klase ka after lunch break?" kunot noo kong tanong sa kanya dahil mukha itong walang balak na umalis sa kinauupuan nya.
"Yeah, pero wala ang professor namin. Mamaya pa ako papasok."
Tinanguan ko lang ito bago ako tuluyang lumabas sa kanilang restaurant. Agad na akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at mabilis na pinaharurot ito pabalik sa paaralan.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang babaeng iniirog ko.
Cringe!
She was walking in the hallway again papunta sa office nya. Mukhang katatapos nya lang mag-lunch dahil galing sya sa direksyon ng cafeteria nitong paaralan.
I bit my lips seeing her stoic face na mukhang hindi na ata mawawala sa kanya. She's always like that mapaloob man o sa labas ng eskwelahan. Hindi ko pa nga ito nakikitang ngumingiti kahit pa mga co-professor naman nya ang kanyang kausap.
Parang itong may palaging dalang problema dahil sa kilay nitong laging nagsasalubong lalo na kapag nakikita ako.
Natawa ako ng mahina dahil halatang madali itong mairita kapag nakikita ang maganda kong mukha na syang ikinatutuwa ko naman.
"Hello, darling." Biglang sulpot ko sa tabi nya that made her startled.
Napangiwi ako ng bigla ako nitong samaan ng tingin. Hindi pa ito nakuntento, inirapan pa talaga ako na kamuntikan ko ng ikatawa.
"What do you want, idiot?" Malamig pa sa yelong tanong nito sa mataray na paraan.
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil heto na naman po ang katarayan ng babaeng ito. Masyadong mainitin ang ulo.
"Ikaw po ang kailangan ko, Miss Ivanov." Pansin ko ang pagtaas ng kilay nito habang nag-iisang linya lang ang labi nito na para bang may mali akong nasabi.
May iilang minuto pa namang natitira sa lunch break ko. Enough time para landiin at lalong inisin ang cold at mataray na propesorang ito.
"Kumain kana po ba?" I asked her ng hindi ito nagsalita.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
Ficción General"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
