Chapter 15

24.2K 660 57
                                        


Raine

"Why are you avoiding my sister?" Nagtatakang tanong ni Xavier habang nandito kami sa soccer field ng paaralan.

Dito ko napiling tumambay dahil wala kaming klase kay Sir Mariano. Hindi ko naman inaasahan na susulpot ang isang 'to.

"Trip ko lang," Pabalang kong sagot kaya nakatanggap ako ng batok mula sa kanya though hindi naman malakas.

"Gago! Alam kong hindi mo gagawin yun dahil patay na patay ka sa kapatid ko," untag nito na hindi ko magawang barahin.

I sigh deeply ng maalala ang ginawa ko this past few weeks. Pagkatapos ng nangyari sa office nya, I really did my best para iwasan sya. Kahit sa loob ng klase nya hindi ko sya tinatapunan ng tingin. Nakikinig naman ako sa discussion nya, pero nanatili lang ang mga mata ko sa libro na nasa armrest ng upuan ko.

Magta-tatlong linggo na ang ginawa kong pag'iwas sa kanya. Hindi madali, pero kinaya ko. Alam kong wala akong karapatang mag-emote dahil wala namang kami, but I can't help it. Mukha namang wala lang kay Olivia ang pag-iwas ko sa kanya dahilan para mas lalo akong masaktan.

"Tell me what really happened. Ang gloomy mong tingnan. Hindi ako sanay."

I smiled a little ng marinig ko ang lungkot sa kanyang boses. Nagdadalawang-isip man, sinabi ko pa rin sa kanya ang nangyari noong araw ng date sana namin ng ate nya.

Pansin ko ang pag-igting ng panga nito matapos kong magkwento.

"I'm sorry. I didn't know." Humina ang boses nito.

Tinapik ko sya sa braso, "Wala kang kasalanan. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't-isa. Ako lang naman talaga ang nagpupumilit sa aming dalawa, eh."

I bit my lips ng maramdaman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. I tried to ignore it at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Gusto mo bang kausapin ko sya tungkol doon?" Mabilis akong napalingon kay Xavier dahil sa kanyang sinabi.

"Iyan ang wa'g na wa'g mong gagawin," madiin kong sabi. "Let her do what she wanted to do. Hindi natin matuturuan ang puso. Wala tayong magagawa kung hindi talaga ako ang gusto nya."

"Hindi ka ba nasasaktan?"

Natawa ako sa tanong nya, "Gago ka ba? Sino ang hindi masasaktan kung hindi kayang suklian ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanya? Hindi ako robot na walang pakiramdam, no!" Umirap ako rito ng tumawa sya.

Nabigla na lamang ako ng mabilis ako nitong hinapit palapit sa kanya. He hugged me while gently tapping my back. He even kiss the top of my head.

"Let it out and smile later. It's not the end yet. It is going to be alright, Raine." Masuyo ang boses nito na para bang nagpapatahan ng kapatid.

Akala ko wala na akong maiiyak pa, pero nagkamali ako. Namalayan ko na lamang na gumaganti na ako ng yakap sa kanya habang tahimik na umiiyak sa malapad at matikas nyang dibdib.

____

"Anong kakantahin mo?" Pangatlong beses ng tanong ni Vivian.

Ilang minuto na lang magsisimula na ang singing competition. Isang event na sinalihan ko sa Foundation day namin at sa totoo lang, wala akong nararamdamang kaba ngayon. Sanay ako sa crowded places unlike kay Autumn na parang may social anxiety.

Sa aming apat, sya talaga ang mahirap dalhin sa matataong lugar. Pero mukhang kaya naman syang e-handle ni Veronica pagdating sa ganyang bagay.

"Masyado kang pa-thrill, Ulan." Singit ni Xavier na nakahalukipkip ngayon sa harapan ko.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon