Chapter 21

28.8K 683 18
                                        


Raine

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" nagtataka kong tanong sa kasama ko ng hatakin nya ako papunta sa kusina ng bahay na pinanggalingan ko kanina.

"We will. But for now, can you please shut your mouth? Ang ingay mo."

Napanganga ako dahil sa inasta nito. Kung makapag-taray parang hindi umiyak kanina, ah.

Imbis na sumagot sa kanya, tumahimik na lamang ako habang naka-upo sa stool na nandito sa baba ng counter island ng kusina nila.

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa paglalaro ng kaisa-isang game app na naka-install sa cellphone ko. Mabuti na lang naisipan pang ibigay ni Xavier sa akin ang bagay na ito. Iyon nga lang, hindi ko rin naman 'to magagamit dahil walang signal ang islang ito.

"Trojan." Pagtawag sa akin ni Olivia but I just hum as a response na hindi nag-aangat ng tingin sa kanya.

I keep on playing at isang zombie na lang ang natitira ng biglang may humablot sa cp ko. I groaned in annoyance at mabilis na tiningnan ang kasama ko na nakataas ang kilay ngayon.

"What?" kunot-noo kong tanong sa kanya dahil titig na titig ito sa mga mata ko. Nag-iwas din ako ng tingin rito baka kung ano pang katangahan ang magawa ko.

Ang pula kasi ng labi nito. Parang ang sarap halikan!

"Look at me, Raine." Mariin kong nakagat ang ibaba kong labi dahil ang lambing ng boses nya. Para akong hinihele. "Darling, please look at me." Ayan na naman ang boses nito na parang nang-aakit!

I startled a bit ng malamyos nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Tiim bagang akong tumingin sa kanyang mga mata na may iba't-ibang emosyon na ngayong makikita.

"Are you mad?" She sadly asked at pansin ko ang takot sa kanyang mga mata dahilan para maguluhan ako.

Is she scared thinking that I'm mad?

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ideyang iyon. Ngumiti ako sa kanya at masuyong binigyan ng halik ang mga kamay nyang nakahawak sa magkabila kong pisngi.

"I'm not mad, darling. Hindi ko kayang magalit sayo." Makatotohanan kong sambit before I sneak my arms around her waist.

Mabilis kong binigyan ng halik ang matangos nitong ilong habang nasa magkabilang pisngi ko pa rin ang dalawa nyang palad.

"Is that so?" Tumaas na naman ang kilay nito ngunit hindi sa mataray na paraan. More on a teasing manner.

"Hmm. Yes, darling." I pout my lips while pulling her closer to me. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan.

"That's good to hear then." I almost fainted when she smiled at me. Yung totoong ngiti na matagal ko ng gustong makita. Yung ngiting mahirap lumabas sa kanyang labi.

"Wow! Ang... Ang ganda." Wala sa sarili kong sambit.

Mas lalo akong napanganga ng marinig ang mabining tawa nito na umalingawngaw sa loob ng kusina. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib ng dumoble ang pagbilis ng tibok niyon. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos.

Puta! Kumalma ka puso.

"Your reaction is so priceless, darling." Nanunukso ang boses nito, but heck! I don't fucking care!

Ang importante ay nasilayan ko na ang magandang ngiti nito na matagal ko ng inaasam-asam.

Pakiramdam ko nanlamig ang aking katawan ng tumingin ito sa akin gamit ang nakaka'akit nitong mga mata. Her eyes sparkled with so much happiness and contentment, kaya kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. Kuntento na akong makita ang mga emosyong iyon na hindi na nya pinagka'abalahan pang itago.

"Thank you," untag nito bigla dahilan ng pagkunot ng aking noo.

"For what?"

"For making me happy. For letting me feel this kind of happiness again." Her voice are calm but I can feel her uneasiness, and I don't even know why. "I.. I don't know how to express my feelings towards you. I'm scared, Raine. Natatakot ako dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. It's too much for me yet, I'm not even complaining. I can't and I don't want to." She's fidgeting, but my heart felt like it wanted to explode because of what she said.

Hinawakan ko ang mga palad nito at marahan iyong pinisil. Gusto kong iparating sa kanya na kahit anong mangyari, hindi ako mawawala sa tabi nya. "Tell me the truth, Olivia. Are you—do you love me?"

Gusto kong marinig ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig. Segurista na kung segurista, mas mabuti na yung malinaw. Baka mamaya nyan nag-assume lang pala ako. Masakit yung umasa ka tapos iba naman pala ang ibig nyang sabihin.

Pansin ko ang pagkagat nito sa kanyang ibabang labi bago dahan-dahan tumango. "I do love you, Raine. I—I'm sorry if I made you feel that you weren't important to me. I know I'm such a bitch for acting cold and say mean words towards you. I'm sorry for hurting you, but please believe me. I didn't mean to..."

Her voice is trembling at may namumuo na ring luha sa kanyang magagandang mga mata. Kaya bago pa nya matapos ang iba pa nyang sasabihin ay mabilis ko na syang hinila palapit sa akin upang yakapin.

I hugged her tightly habang isiniksik naman nito ang kanyang mukha sa aking leeg. Kumirot ang puso ko ng marinig ang mahinang pag-iyak nito na para bang pinipigilan ang sarili na huwag mag-breakdown sa harapan ko.

"Shhh, tahan na. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat para sayo." I caressed her back gently and kissed her head.

Ramdam ko ang pag-iling nito at mas lalo pang nagsumiksik sa akin, "Please don't say that. You're more than enough and deserving for me. Ako dapat ang magsabi non dahil sa nangyari sa past ko. Ako ang hindi karapat-dapat para sayo. Pero ayaw ko namang mapunta ka sa iba. Hindi ko kayang makita kang may mahalin na iba, Raine."

"Olivia," was all I could muster.

"Selfish mang pakinggan, pero gusto kong ako lang ang laman ng puso mo. It will surely kills me if ever man na makita kitang masaya sa piling ng iba."

Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na para bang takot syang mawala ako sa tabi nya.

Masarap sa pakiramdam na marinig mula sa taong mahal ko na takot syang mawala ako sa kanya, but at the same time, nababahala ako sa kung ano man ang nangyari sa past nya. May kinalaman kaya ang pangyayaring iyon kung bakit ang lamig nyang makisama ngayon sa kahit na kanino?

Wala naman sigurong mawawala kung itatanong ko ang bagay na iyon di'ba?

"I love you so much, Olivia. You already know that, right?" ramdam ko ang pagtango nito. "And you love me too, am I correct?"

"Hmm. Yes, darling." Napangiti ako dahil mukhang nasasanay na itong tawagin ako gamit ang endearment na iyon.

Dahan-dahan akong humiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya. I wipe her tears using my thumb at matamis syang nginitian, "Alam mo bang may promise ako sa sarili ko dati? Na kapag nagka'girlfriend na ako, gusto kong maging open kami sa isa't-isa. Ayokong magtago ng sekreto sa kanya at umaasa akong ganon din sya sa akin." I tried to sound calm kahit na ang totoo ay grabe na ang kaba na nararamdaman ko dahil sa klase ng titig na ipinupukol nya sa akin.

"And?" She looked at me curiously.

"And that's why I wanted to know what happened in your past. We're not official couple yet, pero gusto kong mas makilala ka pa at maintindihan," ramdam kong nanigas ito sa kanyang pwesto.

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at sya naman ngayon ang pina-upo ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya na mukhang malayo na ata ang nalakbay ng kanyang isipan. Nakatulala kasi ito at parang ang lalim ng iniisip.

She startled a bit ng haplusin ko ang pisngi nya. "It's okay if you're not ready yet to share your story. I won't force you, but I wanted you to know na nandito lang ako palagi sa tabi mo. Pwede mo akong sabihan ng mga bagay na bumabagabag sa isipan mo. You can count on me, baby. Always remember that." I smiled at her sweetly before I kiss her pointed nose.

___________

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon