Raine
"When will you visit me here?" Napabuntong hininga ako sa tanong na iyon ni Dion, pinsan ko sa side ni Dad.
She's in California right now at gusto nitong bumisita ako doon kahit alam nyang busy ako sa acads ko.
"Maybe after my graduation, cous. Busy-busyhan ako ngayon and you already know why." I heard she scoffed on the other line.
"Ang sabihin mo, busy ka lang sa professor mo."
Kumunot ang noo ko, "How did you know about her?"
"Bailey informed me." Ugh! That girl, really.
Kahit hindi ko ito nakikita ngayon, sigurado akong nakangisi ang bruhang ito.
"Ewan ko sa inyong dalawa." Pinatay ko na ang tawag ng marinig kong tumatawa ito sa kabilang linya.
Parang baliw!
"Humanda ka talaga sa akin, Bailey." I murmur habang nagpa'park dito sa parking lot ng paaralan.
Agad na akong lumabas ng sasakyan ko pagkatapos kong makapag-park. Kumunot ang aking noo ng makita si Olivia na hinaharangan ng dalawang estudyante.
Pinakatitigan ko silang mabuti at pansin ko ang maliliit ngunit sunod-sunod na paghakbang pa-atras ni Olivia while she keep rubbing her palm on the side of her skirt.
Bago pa man sya mahawakan sa kamay ng kutong lupang iyon, mabilis na akong lumapit sa kanilang pwesto.
Walang pag-aalinlangan ko syang hinapit sa kanyang bewang na alam kong ikinagulat nya base sa reaksyon ng kanyang katawan. I clench my jaw ng maramdaman kong nanginginig ito. Pansin kong lumingon ito sa akin ngunit wala namang sinabi.
"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyong dalawa?" Seryoso at may diin kong sambit dahilan para matigilan ang dalawang lalaki.
Namutla pa ang isa ng samaan ko sya ng tingin habang ang isa naman ay halos hindi na makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo famous ako sa paaralang ito. They know I'm a taekwondo athlete. Kaya siguro ganito ang naging reaksyon ng mga hinayupak na ito lalo pa't mas matangkad ako sa kanilang dalawa.
They seem like a freshmen students though. Nakakapagtaka lang na mukhang natakot sa kanila ang katabi ko ngayon.
"Umalis na kayo sa harapan ko bago ko pa kayo gawing soccer ball." Pagbabanta ko kaya mas lalo silang namutla. "Alis na!"
Nagkukumahog na tumakbo palayo ang mga ito na syang ikina-ingos ko. Mga sira-ulo!
Agad akong humarap dito sa katabi ko, "Are you okay? May ginawa ba sayo ang mga yun bago ako dumating?" Hindi ko maitago ang pag-aalala sa boses ko ng magtama ang mata naming dalawa.
Hindi ito sumagot kaya mas lalo akong kinabahan. I was ready to ask her again ngunit naramdaman ko na lamang ang mainit nyang katawan na dumikit sa akin dahilan para matuod ako sa aking kinatatayuan.
Para akong nabingi dahil sa lakas ng tibok ng aking puso at sa kaisipang mahigpit na nakayakap sa akin ang malamig kong propesora.
I bit my lips hard dahil punyeta! Kinikilig ako!
Gaganti na sana ako ng yakap sa kanya ng bigla itong lumayo sa akin at malamig akong tinitigan. Napalunok pa ako ng laway ng mapansin kong bumaba ang mga mata nito sa aking labi na sigurado akong pulang-pula na ngayon dahil sa pagkaka-kagat ko kanina.
"You stink," komento nito bago naglakad palayo na parang walang nangyari.
Teka ano ang sinabi nya?
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
Ficción General"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
