Raine
"I'm glad na iyon ang ginawa mo sa lalaking iyon," nakangisi kong sabi kay kuya Rowan kahit hindi naman nya ako nakikita.
We're talking over the phone and well, sya lang naman ang dahilan ng pagbagsak ng kompanya ni Paulo Diaz. The guy who pester my girl.
Mga tauhan din nya ang nangbugbog sa lalaking iyon which is wala akong paki-alam. Kahit gilitan pa nila iyon ng leeg okay lang sa akin.
"I told you, kid. I will do it in a Morris way kung hindi ko sya mapapasunod gamit ang masinsinang pag-uusap." Parang wala lang na sabi nito.
Hmm. Na'ikwento nga pala nya sa akin na nagmatigas ito na layuan ang girlfriend ko. He even threatened kuya Rowan na may gagawin syang masama sa akin kapag hindi ko nilayuan si Olivia. He already knew kasi na girlfriend ko na si Oli dahil sinabi ng pinsan ko.
Kuya Rowan said na halos magwala ito ng malaman ang bagay na iyon. He even said that Paulo also threatened him na ipagkakalat nya sa buong campus ang tungkol sa relasyon namin ng propesora ko. At alam kong alam ni kuya Rowan na ayokong mangyari yun.
He offered a deal sa lalaking yun para lumayo sa amin ni Oli pero nagmatigas ito. At dahil sa maliit lang ang pasensya ni kuya Rowan pagdating sa mga ganyang bagay, wala syang choice kundi ipabugbog ito sa kanyang mga tauhan which is bet na bet ko naman. Binayaran din nya ang ibang investors and shareholders ng kompanya ni Paulo upang mag'back out.
Damn! Mukha lang mabait tingnan si kuya Rowan pero mapanganib itong kaaway just like her sister—Winter.
"Well then, thank you for your help kuya. Siguro naman ngayon alam na ng lalaking yun kung saan sya lulugar?"
He chuckled, "Of course, he is."
Nagpasalamat muna ulit ako sa kanya bago ko pinatay ang tawag. Linggo ngayon at gusto kong e'date ang girlfriend ko.
Ah, tama! I'll ask her out na lang instead na magkulong sa bahay ngayong araw.
"Ang laki ng ngiti natin, ah."
Halos matumba ako sa aking kinatatayuan ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
Lihim akong napangiwi ng makita ang nang-uusisang tingin ng nanay ko habang nakangiti lang si Dad na nakatayo ngayon sa tabi nya.
"I didn't know na ngayon po pala ang uwi nyo, Mom." Alanganin akong ngumiti rito.
Ilang linggo din silang nag-stay sa Australia para asikasuhin ang isang branch ng business namin doon. Umalis ang mga ito matapos ang engagement ni kuya Calix at Vivian.
"Well, I just wanted to surprise you. And also, gusto ko rin malaman kung bakit hindi kana naglalagi dito sa bahay nitong mga nakaraang linggo ayon sa source ko." Mataray itong humalukipkip sa harapan ko. "Saan ka nagpupunta, Raine? O mas tamang itanong kung sino ang pinupuntahan mong bata ka."
Napapakamot na lang ako sa aking leeg dahil sa pagiging imbestigador ng nanay ko.
"Uh, a—ano lang kasi.." Takte! Ba't ba nauutal ako?
"Nevermind na lang, anak. Imbitahin mo na lang ang girlfriend mo. Papuntahin mo sya rito mamayang dinner. I wanted to meet her personally."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat dahil sa kanyang sinabi. Anak ng!
Natawa tuloy si Dad dahil sa reaksyon ko.
"Mom, how did you--"
"How did I know na girlfriend mo na ang propesora mo?" She cut me off. Alanganin akong tumango sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
Genel Kurgu"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
