Raine
"Ayoko nga! Ang kulit mo." nayayamot ko ng saway kay Vivian.
Jusko talaga ang buntis na ito! Gusto pa ata akong ipahamak eh.
"Sige na, Raine. Kapag ang ideya ko ang sinunod mo sigurado akong sasagutin ka nya agad." Nagtaas-baba pa ang kilay nito na syang ikinasimangot ko.
I am planning to have a romantic date with Olivia this evening at gusto kong doon na sya tanungin to be my official girlfriend.
It's been a week simula noong dalhin nya ako sa pagmamay-ari nyang isla, at magmula noon hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa label-label na iyan. She already confessed her true feelings towards me at excited na akong maging girlfriend sya. Kahit asawa na agad, kung papayag sya then why not di'ba?
"At paano kung pumalpak? Gusto mo ba akong mamatay ng maaga?" Umirap ito dahil sa sinabi ko.
Nag suggest ba naman ang isang 'to na pagselosin na muna daw namin ang propesorang iyon bago ko tanungin maging girlfriend.
Aba't! Bangag ata ang isang 'to. Mahal ko pa naman ang buhay ko para sundin ang suhestyon nya.
"Ang sabihin mo, masyado ka lang talagang under ng babaeng 'yon. Nagrarason ka pa." She scoffed.
Kung hindi lang buntis ang isang 'to kanina ko pa sya sinakal. Masyadong matalas ang dila, eh. Magdadalawang buwan pa lang ang pagbubuntis nito at hindi pa halata ang umbok nito sa tyan. Parang hindi nga buntis kung titingnan eh. Ang flat kasi ng tummy nya.
"Under na kung under. Basta ayokong gawin ang gusto mo." Paninindigan ko at naglakad na papunta sa parking lot nitong paaralan.
Kailangan ko pang mag prepare para sa date namin ni Olivia mamaya. Buti nga pumayag iyon na lumabas kaming dalawa. And this time, sisiguraduhin kong wala ng sagabal sa date namin. Talagang makakasapak na ako ng unggoy kapag sumulpot na naman ang lalaking yun.
"Geez! Ang hina mo talaga." Asar nito sa akin habang papalapit kami sa kotse ko. "Oh, she's here already."
Napatingin ako sa taong tinutukoy nya. Kumaway pa ito sa aming dalawa na sinuklian ko ng tipid na ngiti. Nakasandal ito sa pintuan ng kotse nya na katabi lang ng akin.
"It was nice seeing you again, Raine." Ellen giggled pagkalapit namin sa pwesto nya. Anyway, pinsan sya nitong katabi ko.
I already met her noong ako pa ang naghahatid-sundo kay Vivian sa bahay nila. Mabait at masyadong masayahin ang babaeng 'to kaya hindi mahirap pakisamahan.
"Likewise, cutie." Namula ito dahil sa itinawag ko sa kanya. "And I'm sorry dahil mukhang naistorbo ka pa ata nitong pinsan mo."
Sya kasi ang pinaki-usapan ni Vivian na maging partner ko para pagselosin kuno si Olivia. Parang baliw talaga!
"No worries. Wala din naman akong gagawing importante ngayon. Masaya akong makatulong para sa paglago ng love life mo." Humagikhik ito kaya natawa na ako dahil naku-cutan talaga ako sa kanya.
Akma ko na sanang pipisilin ang pisngi nito ng biglang may tumikhim ng pagkalakas-lakas mula sa aming likuran.
Para akong tinakasan ng aking kaluluwa ng mabungaran ko ang seryosong mukha ni Olivia.
Takte! Akala ko ba kanina pa sya naka-alis dito sa campus?
"Um, hi?" Alanganin akong ngumiti rito ngunit wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata.
Hindi ito nagsalita ngunit nanatili itong nakatitig sa akin na para bang kinakatay na nya ako sa kanyang isipan. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa kaisipang iyon.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
General Fiction"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
