Chapter 14

22.8K 730 36
                                        


Raine

Nagising akong parang pinukpok ng palakol ang aking ulo dahil sa sobrang sakit.

"Damn those alcohol!" I grimace while massaging my temple.

Dahan-dahan akong bumangon sa aking kama. Pansin ko pa ang isang baso ng tubig at aspirin na nakalagay sa bedside table ko. I smiled a little ng mabasa ang sulat na nakalagay sa sticky notes.

Drink this. Call me when you need a shoulder to cry on. I will always be there.

From you're gorgeous friend,

- Vi

Inubos ko muna ang tubig bago ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Naghilamos ako ng mukha upang mabawasan ng kunti ang hangover ko.

Napangiti ako ng mapait ng makita ang repleksyon ko sa salamin na nasa harapan ko. For the first time in my life, ngayon lang ako naawa sa sarili ko. I've never felt this pity before because I have so much confident in my self.

Kaya kong e-handle ang mga bagay sa paligid ko, but not the pain I am feeling right now. Para akong isang yelo na unti-unting natutunaw dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Maybe I can endure physical pain, but not this. Yung pakiramdam na buhay ka nga at humihinga pa, pero para kanang pinapatay ng paunti-unti.

I chuckled sarcastically ng maisip ang isang bagay. Hindi ako na'depress sa academic ko sa school, pero mukhang ito lang ata ang hihila sa akin pababa.

"Putanginang pagmamahal 'to!" I heave a deep sigh. Tumapat ako sa shower at binuksan iyon.

Hinayaan kong mabasa ako ng malamig na tubig habang masaganang dumadaloy ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Umiiyak na naman ako.

I can't help it! I just really can't.

I need to do something. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag hinayaan kong lamunin ako ng pakiramdam na ito.

Nang matapos akong maligo ay agad ko ng tinungo ang walk-in closet ko. Kumuha ako ng isang itim na jogging pants at dri-fit shirt. Pinaresan ko iyon ng itim din na running shoes.

Nang makuntento ako sa suot ko ay kinuha ko na ang headset sa bedside table kasama ang cellphone ko.

Uminom muna ako ng tubig sa kusina bago lumabas ng aming bahay. It's already two in the afternoon pero naisipan ko pa ding mag-jogging paikot sa subdivision na ito. Wala pa akong breakfast at lunch dahil nga sa sobrang late ko ng nagising, pero okay lang. Mamaya na lamang ako kakain pag'uwi ko ng bahay.

Saka masarap tumakbo ngayon dahil hindi mainit. Makulimlim pa nga ang panahon na para bang uulan at medyo malakas rin ang hangin.

May bagyo ata.

Nakakadalawang ikot na ako sa subdivision ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Kumirot na naman ang puso ko ng makita ang pangalan nya sa screen ng phone ko.

I didn't answer her call. I blocked her number instead. Ayokong makausap sya sa ngayon kahit na magkikita naman kami bukas sa klase nya.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang inaalala ang nangyari kahapon.

After kong tawagan si Vivian ay agad itong pumunta sa lugar kung saan ko iginilid ang aking sasakyan. She looked so shocked ng makita akong umiiyak. She asked me what happened and I did tell her everything. Akala ko maghi-hysterical ito dahil sa nalaman na may gusto ako sa aking propesora, but I was wrong.

Imbis na magtanong ng kung ano-ano, mas pinili na lamang nyang manahimik habang hinahagod ang likuran ko to comfort me.

Ito na din ang nagpresinta na magmaneho pauwi sa bahay namin dahil sa nakikita nyang kalagayan ko. Pinilit ko pa itong magpunta sa bar pero hindi ito pumayag. Nagulat na lamang ako ng huminto sya sa isang convenience store na madadaanan namin at sya na rin mismo ang bumili ng mga maiinom.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon