Raine
"Look, wala akong oras para sa mga ganyang bagay. Pwede bang lubayan mo muna ako?"
Minsan gusto ko na lang talaga isako ang Vivian na ito. Napaka-kulit talaga kahit kailan.
"Pumayag kana kasi! Walang representative sa classroom natin. Lahat sila nahihiyang mag-perform."
Ang tinutukoy nito ay ang nalalapit na foundation day ng paaralang ito. Next month na ito gaganapin. May ilang linggo pang natitira para makapag prepare ang mga estudyante sa sasalihan nilang sports at events since extended ng tatlong araw ang celebration.
"So anong tingin mo sa akin? Makapal ang mukha?" Inis ko itong tiningnan.
"Parang ganon na nga," tumawa pa ito ngunit agad ding binawi ang sinabi nya. "I'm just kidding! Anyway, ikaw ang napili ko dahil alam kong may chance tayong manalo. You know how to play a guitar at maganda din naman ang boses mo kaya pasok ka pa rin sa banga." Nagtaas baba pa ang kilay nito.
I groan in annoyance. Kanina pa nya ipinagpipilitan na dapat akong sumali sa battle of the band na iyan. Minsan na daw nya kasi akong nakita na kumanta which is nakakapagtaka dahil hindi ko naman iyon ginagawa sa paaralan.
Sa bahay ako madalas na mag-jamming dahil hindi ako komportableng kumanta na may taong makakarinig sa akin bukod lang sa pamilya ko. Tapos ngayon pinipilit ako ng bubwit na ito.
Malakas ang loob nito ngayon dahil alam nyang bumitaw na ako sa pagiging taekwondo athlete at mukhang ganon din ang ginawa ni Xavier.
Last semester na namin ito sa kolehiyo kaya susulitin ko na. Tsaka para na din makapag focus ako sa aking mga subject at kay Ma'am.
"Sabihin mo muna sa akin kung saan mo ako nakitang kumanta." Curious lang talaga ako.
"Kapag ba sinabi ko, sasali kana?"
Ang tuso talaga ng isang 'to. Napaisip tuloy ako saglit bago sumagot sa kanya.
"Uh, yeah. Maybe?"
"Anong maybe? Dapat sigurado ka!"
Sinamaan ko ito ng tingin, "Fine! Oo na."
Sumilay ang nakakainis nitong ngiti bago sumagot sa akin. "Sa bahay nyo."
"Huh?"
Umikot ang mata nito, "Doon kita nakitang nag-gitara at kumanta. You are probably didn't know this, pero magkaibigan ang kuya mo at kuya ko. Minsan na akong naisama ni kuya Wyatt sa bahay nyo ng mag-bonding sila ng kuya Calix mo. It happened two years ago kaya tingin ko nakalimutan mo na iyon since isang sulyap lang naman ang ibinigay mo sa akin. You're so snob talaga kahit noon pa," Paliwanag nito sa maarteng boses. "Since I already told you about it. Make sure na sasali ka. Kukulamin talaga kita kapag hindi mo tinupad ang sinabi mo." Napa-irap na lang ako sa kawalan dahil sa kanyang sinabi.
I was about to say something ng mahagip ng aking mga mata sa hindi kalayuan ang magandang propesora namin. Mukhang papunta na ito ngayon sa office nya. Mamaya pa ang klase nito sa amin pero gusto ko ng matitigan ang mukha nito ngayon. I still have twenty five minutes break, enough time para landiin ito.
"Where are you going?" takang tanong ni Vivian ng maglakad na ako palayo sa kanya.
Sa puso nya!
"Sa lugar na hindi mo alam." Pabalang kong sagot sa kanya bago nagmamadaling tinungo ang pwesto ni Olivia.
"Hi, gorgeous. Need a hand?" May dala kasi itong tatlong libro at isang folder.
Pansin kong nagulat ito sa bigla kong pagsulpot sa likuran nya ngunit agad ding bumalik sa pagiging cold ang aura nito.
"Ganyan ka ba makipag-usap sa mga professor mo, Miss Trojan?" Poker face lang na tanong nito habang nasa harapan ang atensyon.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
Ficción General"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
