Raine
"Huwag kang sumimangot. Ang pangit mong tingnan," agad kong inirapan ang pisteng lalaking kasama ko ngayon.
"Shut up! Baka gusto mong sipain kita dyan?" Nayayamot kong sabi na tinawanan lang ng hinayupak na Xavier na ito.
"Why so grumpy?"
Nagmamaang-maangan pa ang walanghiya! Halata namang nasisiyahan sa naging reaksyon ko ngayon.
"Oh please! Who wouldn't be? Kung araw-araw magtaray sa akin ng kapatid mo." I snorted habang nagsasalubong ang dalawa kong kilay.
Ilang buwan na ba ang lumipas simula ng lumipat ako dito sa Harrison University? Four months? Five? But here I am, wala pa ding magandang nangyayari sa akin sa loob ng paaralang ito.
Ah! Mayroon pala. Iyon ay ang maging professor ang magandang propesora na iyon sa isa kong subject.
"Don't tell me sumusuko kana?" Nahihimigan ko ang panunukso sa boses ni Xavier.
I just rolled my eyes before heaving a deep sigh. Nasi-stress ako ngayon. Hindi dahil sa mga subjects ko, kundi dahil kay Olivia. Wala pa nga akong ginagawang paraan para makuha ang puso nya pero kung makatingin ito sa akin para na akong kakatayin ng buhay.
Araw-araw na lang itong nagtataray sa akin kapag nakikita ang maganda kong mukha. Sa halos buong duration ng klase nya, nakakapagtakang ako lagi ang tinatawag nito kapag may pinapasagutan sya. Nakakagigil lang ang pagiging strikta at mataray nito sa loob ng classroom dahilan ng palaging pananahimik ng aking mga kaklase. Walang may gustong magsalita sa mga ito lalo na kapag nagdi-discuss ito.
Paano ba naman kasi, agad nyang pinapalabas ng classroom ang mahuli nyang kaklase namin na hindi makikinig sa kanyang discussion. Walang rason-rason sa kanya. Labas agad! Dahil kung hindi? Automatic na bagsak kana sa subject nya which is isa sa major subject namin for the whole semester.
"I didn't expect this. Damn it!" Palatak ko.
Next week will be our semester break bago magsimula ang huling semester namin sa kolehiyo, after that ay ga-graduate na kami. Balita ko rin lilipat sa Payton University ang pinsan kong si Autumn na nag-aaral sa France. Summer already have a plan para sorpresahin ang pinsan naming iyon.
"Expect what?" Xavier asked habang iniinom ang paborito nyang energy drink.
We are here in the school cafeteria right now na ang datingan ay parang sa dining hall ng isang five star hotel. We have the same schedule ng klase at uwian pero magkaiba ang department namin.
"This! Kung paano ako tratuhin ng kapatid mo. Wala pa nga akong ginagawa pero mukhang tapos na agad ang istoryang ito."
Natawa na naman ito bago ako inakbayan, "Exactly! Paano mo nasabi na tapos na kung wala ka pang ginagawa?" May diing sambit nito sa mga huling kataga.
"She hates me," komento ko na hindi inaalis ang braso nitong naka'akbay sa aking balikat. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante rito.
Akala siguro nila may namamagitan sa aming dalawa ng damuhong ito since iyon ang palagi kong naririnig mula sa mga marites kong mga kaklase.
Eww lang!
"She's not. I dunno what's with my sister and why she's acting that way towards you. But I'm handsomely sure that she didn't hate you." Pagpapalakas loob nito sa akin.
Ginulo na naman nito ang buhok ko kaya hindi maipinta ang pagmumukha ko. Punyemas na lalaking 'to!
Magrereklamo na sana ako sa kanya ng biglang may tumikhim ng malakas mula sa likuran namin. Sabay pa kaming napalingon ni Xavier only to see a gorgeous face of her sister. Na mukhang masama na naman ang mood dahil magkasalubong ang kilay nito—na naman.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
Ficção Geral"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in, Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022
