Chapter 20

28.9K 728 95
                                        

Raine

"Huwag kanang magpa-kapagod tumakas dahil wala ka rin namang mapupuntahan, at wala ding makakatulong sayo rito." Naka-irap na sabi ng babaeng kaharap ko ngayon.

Nakahalukipkip ito habang nakataas ang kilay na syang nagpadagdag sa katarayan ng aura nya.

"Why are you doing this, Miss Ivanov?" Mariin akong tumitig sa kanya na hindi nagpapakita ng kung ano mang emosyon.

Seems like she was taken aback by my actions. Kumunot ang noo ko ng mag-iwas ito ng tingin sa akin.

Pakiramdam ko hindi sya ang propesor ko ngayon. Ang kilala kong Olivia ay hindi nag-iiwas ng tingin at hindi nagpapatinag kahit sino pa ang makaharap nya. She always wear her cold and stoic face.

Hindi ito nagpapakita ng kung ano mang emosyon, kabaliktaran sa nakikita ko ngayon. She looked like a lost puppy. She looked vulnerable and sad.

What's wrong with her?

"I...I'm sorry," And again, ang kilala kong Olivia ay hindi humihingi ng tawad, but look at her now.

Nakakapanibago! Lalo na ang mga mata nitong parang may gustong ipahiwatig sa akin.

"Where am I?" Tiim bagang kong tanong sa kanya upang pigilan na dambahin sya ng yakap.

Ayaw kong nakikita syang ganito na para bang nahihirapan. Nasaktan ako, oo. Pero kahit kailan, hindi ko hiniling na makita ang kalungkutan sa magaganda nyang mga mata.

"Sa private island na pagmamay-ari ko." Mahina ang boses nito ngunit dinig na dinig ko naman.

"Tell me. Sino ang nagdala sa akin dito?"

"It's me, Raine." Agad akong napalingon sa aking likuran ng marinig ang pamilyar na boses ng taong pinagkakatiwalaan ko.

"Really, Xavier? Nagawa mo talaga sa akin ang bagay na ito?!"

Pakiramdam ko napagka-isahan ako ng magkapatid na ito. Hindi ko inaasahan na magagawa sa akin 'to ng kaibigan ko. Ang kidnapin ako!

"I'm sorry, dude. Gusto ko lang naman na tulungan ang kapatid ko. Ayoko rin na tuluyan kang ma-engage kay Vivian." Apologetic ang mukha nito at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba sya o ano.

'Tsaka ano bang pinagsasabi ng hinayupak na ito? Eh alam naman nyang....wait!

Putangina! Ang engagement party!

"Nasaan ang cellphone ko?" Aligaga kong tanong sa kanila.

"Nasa kwarto na pinagdalhan ko sayo kanina. Why?" Si Xavier na nagtataka sa ikinikilos ko.

May gana pa talaga syang magtaka gayong alam naman nya ang dahilan. Pisteng lalaking 'to!

"Anong why? Siraulo ka ba?! Nagsisimula na ang party sa mga oras na ito at sigurado akong hinahanap na ako ni Vivian ngayon!" Frustrated kong sigaw sa kanya at pansin ko ang pagdilim ng mukha ni Olivia.

"Raine, hayaan mo na..."

"Bobo ka ba?! Anong hayaan ang pinagsasabi mo dyan? She's pregnant for pete's sake! Alam mo namang nagwawala ang isang yun kapag hindi ako nakikita."

Napapahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa nangyayari ngayon.

Nagkibit balikat lang ito since alam naman nya ang sitwasyon namin ni Vivian.

"She.. She's what?" Nauutal na tanong ni Olivia na muntikan ko ng makalimutan na nandito pala sa harapan ko.

Great! Ngayon may iba ng nakaka-alam sa sitwasyon ng babaeng yun.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon