Chapter 19

25.9K 671 42
                                        

Raine

"Excited teh?" Untag ni Farah ng makitang hindi ako mapakali rito.

Mamayang gabi na ang engagement party kaya nagpasama ako sa kanya upang mamili ng bracelet na ibibigay ko kay Vivian.

Simple lang at masyadong private ang party na mangyayari mamaya. Exclusive lang iyon sa both families namin ni Vivian at iilan naming kaibigan na syang pinagkakatiwalaan namin. Ayaw kasi ng babaeng yun na may ibang maka-alam lalo pa't hindi pa kami nakaka-graduate.

"Hindi naman sa gano'n. Masaya lang siguro ako dahil sa mga nangyayari ngayon." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Sure? How about that?" Ungot nya sabay turo sa dibdib ko, "Masaya ba si puso?"

"Please, I don't want to talk about it."

"I understand, really. Pero Raine, kung sya pa rin hanggang ngayon then maybe you should..."

"Stop! A...Ayoko munang makarinig ng mga ganyang salita ngayon."

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sigurado akong makikita nya ang kalungkutan sa aking mga mata.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito umimik ulit. Hanggang sa matapos ang pamimili namin hindi pa rin sya nagsasalita.

"Salamat sa pagsama sa akin. And, um, I'm sorry sa inasta ko kanina." Hingi ko ng tawad sa kanya habang papalapit na kami sa parking lot ng mall na ito.

"It's okay. Gusto ko lang naman na maging masaya ka. Ayokong pahirapan mo ang sarili mo." She tapped my shoulder ng syang ikinangiti ko ng tipid.

"Masaya ako, Farah." Natatawa kong sagot sa kanya.

Umikot ang mga mata nito, "Correction, Raine. Pinilit mong maging masaya." Naka-ismid na saad nito.

"Ang dami mong alam. Sige na, umalis kana." Pagtataboy ko rito dahil baka saan pa mapunta ang usapang ito.

"Whatever, Raine. Para kang baliw." Natawa na lamang ako dahil sa pagmamaldita nito.

Bumeso pa ito sa akin bago pumasok sa loob ng kotse nya since kanya-kanya naman kami ng dala ng sasakyan.

Napahilot ako sa aking sintido ng tuluyan na itong naka-alis sa pwesto ko. She's too persistent sometimes lalo na kapag gusto nyang malaman kung ano ang totoo mong nararamdaman. Talagang hindi ka nya titigilan.

Crazy!

Napapailing na lamang akong pumasok sa sarili kong sasakyan. May dalawang oras pa naman akong natitira para makapaghanda.

Dumiretso na lamang ako sa condo unit ko na nabili ko lang last year. Magpapahinga muna ako dahil pakiramdam ko bigla akong napagod sa paglilibot sa mall na iyon.

"Good afternoon, Miss Trojan." Bati sa akin ng mga staff pagkapasok ko sa lobby ng condominium building na ito.

Bahagya lamang akong ngumiti sa mga ito at dumiretso na sa elevator. Nahagip pa ng aking mga mata ang palihim na paghahampasan ng mga babaeng staff.

Napailing ako dahil sa inasta ng mga ito na animo'y nakakita ng sikat na artista.

"Ugh! Finally!" Ungol ko matapos kong bumagsak sa malambot kong sofa na nandito sa living room.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan lang ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Paulit-ulit iyong tumunog kaya inis ko itong kinuha sa bulsa ng suot kong pantalon.

"Hmm. Anong kailangan mo?" Tanong ko sa taong tumatawag sa akin gamit ang paos kong boses.

Kumunot lang ang noo ko ng walang sumasagot. Tanging mabibigat na paghinga lang ang aking narinig.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon