Chapter 27

28.7K 695 45
                                        


Raine

"So, what's with this Paulo Diaz guy?" Napabuntong hininga ako dahil sa tanong ni kuya Rowan. Ang panganay na kapatid ni Winter na isang---well, he's a famous attorney hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong Asya at ibang parte ng Europe.

"Why do you have to know?"

"Hmm. Ngayon ka lang lumapit sa akin para humingi ng tulong, kid. Kailangan kong malaman ang rason kung bakit gusto mong mapabagsak ang taong ito para makakilos ako ng maayos." He explained na naiintindihan ko naman.

"He has harassed my girlfriend twice already, and I don't trust him. Sigurado akong may masama itong balak. So before he could do his next move, uunahan ko na sya." Tiim-bagang akong humalukipkip sa harapan nya.

Nakaupo ako sa maliit na sofa na nandito sa loob ng office nya. Dito na ako dumiretso pagkatapos kong maihatid sa school si Olivia kanina. Sinigurado ko talagang ako ang maghahatid-sundo sa kanya para mapanatag ang loob ko na ligtas sya palagi.

Hindi muna ako pumasok ngayon sa klase ko dahil gusto kong maabutan itong si kuya Rowan dito sa opisina nya. Alam ko naman kasing hindi ito nagpipirmi dito. Mas mailap pa ito sa daga, ang hirap hulihin.

"Oh, I see. So who's the lucky girl?" Pilyong tanong nito na ikina'irap ko sa kawalan.

"She's my professor and her name is Olivia Ivanov."

Mukhang nagulat ito dahil sa nalaman, "Wait, she's your professor?!"

"Yeah?"

"Hold on. Alam ba 'to ni Tita?" Tukoy nito kay Mom.

"Nope. Not yet, but I'm planning to tell them."

"Damn! I didn't know you were into older women." Palatak nito kaya kumunot ang aking noo.

"Excuse me, Mister? She's just four years older than me. And age doesn't matter when you're in love." Umirap ako sa kanya kaya natawa ito.

"Okay, I get it. You're in love and I respect that. Anyway, don't worry anymore. Ako na ang bahala sa lalaking ito. I will talk to him."

"At paano kung hindi madala sa matinong usapan? Just so you know kuya, he's a jerk. Kaya alam kong hindi iyon makikinig sa kahit na kanino." Kibit-balikat kong saad.

Akala siguro ng lalaking yun palalampasin ko ang ginawa nya sa babaeng mahal ko. May trauma na nga yung tao dahil sa nangyari sa past nya dadagdagan pa nya. Sarap sapakin ng deputa!

"Then we'll do it in a Morris way.  You know what I mean, Raine." Napangisi ako dahil sa sinabi nya.

Morris way? Hah! Good luck sa lalaking yun.

"Good. I'm looking forward to it, kuya. Anyway, I have to go. Baka hinahanap na ako ni Olivia."

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumapit sa desk nya. Nakipag-fist bump muna ito sa akin bago ginulo ang aking buhok.

"I'll call you immediately kapag natapos ko na syang kausapin. You're lucky, kid. Ito agad ang ilalagay ko sa top priority list ko ngayon."

Napailing ako dahil alam kong nagbibiro lang ito. Busy or not, sigurado akong uunahin nya ang pinapagawa ko sa kanya.

"Thank you then, my dear cousin. And oh, by the way. Make him taste his own medicine, and make sure it tastes bitter. You know what I mean." Kumindat ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

Agad ko ng pinaharurot ang aking kotse pabalik sa campus. Sigurado akong tatadtarin ako ng mga katanungan ni Olivia knowing na hindi ako pumasok sa klase ngayon.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon