Chapter 17

15.9K 499 62
                                    


Olivia

Nanginginig pa rin ang kamay ko hanggang ngayon. Pilit kong nilalabanan ang kakaibang emosyon na lumukob sa aking pagkatao habang binubuksan ang condo unit ko, ngunit hindi ako nagtagumpay.

I bit my lips hard to hold my tears habang sinasarado ang pintuan pero mas lalo lang silang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata.

Nabitawan ko ang hawak kong shoulder bag at unti-unti akong bumagsak sa sahig. Napayakap ako sa aking tuhod at isinubsob doon ang aking mukha habang walang tigil sa pag-iyak.

"Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in—Olivia."

I sobbed really hard ng maalala ang sinabi ni Raine kanina. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga palad ng maalala ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata at kung paano sya ngumiti sa akin.

Hindi na sya ang Raine na laging nangungulit sa akin noon. Hindi na sya ang babaeng laging nagpapa-alala sa akin kung gaano ako kaganda sa paningin nya. Kung gaano sya kasaya na makilala ako.

Lahat yun nawala dahil nasaktan ko sya—sinaktan ko sya. I fucking hurt her!

"Oh gosh! I'm sorry. I'm really sorry." Paulit-ulit kong sambit habang umiiyak.

Bago pa ako mawala sa katinuan, kinuha ko na ang cellphone sa aking shoulder bag and dialled my bestfriend's number.

"Gia, please come here. I need you." Nanginginig ang boses ko ng sagutin nya ang tawag.

Damn you self!

____

"Bitch, what?!" Halos lumundag ako sa aking kinauupuan dahil sa sigaw na iyon ng kasama ko matapos kong magkwento sa kanya.

"Gianna, please. Lower down your voice." I calmly said na ikina'irap nito sa kawalan.

"Shut up, Olivia! Gosh! I can't fucking believe na ginawa iyon ng lalaking 'yun," tukoy nito sa halikang naganap sa aming dalawa ni Paulo weeks ago.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ng maalala iyon. Way back in college, isa si Paulo sa mga lalaking nanliligaw sa akin. I really like him and he's the perfect ideal man for me, kaya nga naisipan kong sagutin na sya pagkatapos ng graduation namin.

Pero nagbago ang lahat ng iyon ng mangyari ang insidenteng 'yun four years ago. I was kidnapped habang naghihintay ako sa kanya sa isang parke na paborito kong puntahan.

My kidnappers demand a good amount of money sa pamilya ko kapalit ng kalayaan ko. Akala ko yun lang ang gusto nila, pero nagkamali ako.

One of them tried to raped me but luckily, naabutan ng isa nyang kasama ang tangkang panggagahasa sa akin ng kasamahan nya. Inilayo nya ang kasama nya sa akin na ipinagpapasalamat ko sa langit kahit papaano.

At that very moment, para akong pinagkaitang mabuhay sa mundo. Nawalan ng kulay ang mga bagay sa paligid ko. Pakiramdam ko mag'isa na lamang ako habang nakakulong sa madilim na kawalan.

To make the story short, nakuha ako ng pamilya ko mula sa mga kidnappers. Nahuli din ang mga iyon dahil na rin sa isang kasamahan nila na sumuko at nag-lead sa mga pulis kung saan ang kuta ng mga kasama nya. Sya din ang lalaking umawat sa kanyang kasama sa tangkang pang-gagahasa sa akin.

I feel so blessed that time dahil nakaramdam ito ng konsensya. Pero ang takot na nararamdaman ko ay mananatili iyon sa aking puso.

I was traumatized at napag-desisyunan ng mga magulang ko na ikonsulta ako sa doktor.

Isang linggo matapos akong makawala sa mga kidnappers, bumisita si Paulo sa bahay namin. I was happy, of course. Isa sya sa mga tao na pinagkukuhanan ko ng lakas upang ma-overcome ang trauma ko.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon