OliviaI grit my teeth in annoyance ng makita ang dalawang taong naglalampungan 'di kalayuan sa pwesto ko. Kung hindi lang ako propesora ng paaralang ito, baka kanina ko pa hinigit ang babaeng yun mula sa pagkakayakap nya sa babaeng mahal ko.
I really wanted to slapped that girl for stealing my girl from me.
"Oh gosh! Control yourself, Olivia." Paalala ko sa aking sarili.
Ilang araw na ang lumipas matapos ang pag-uusap namin ni Gianna sa loob ng condo ko. Simula din non hindi pa ako tinatapunan ng tingin ni Raine. Kahit sa loob ng klase ko hindi man lang ito nagbabaling ng tingin sa akin, unlike before na kulang na lang ay matunaw ako dahil sa paraan ng pagkakatitig nya.
I heave a deep sigh at akma na sanang tatalikod ng mapansin kong natamaan ng bola sa ulo ang babaeng kasama ni Raine. Halos liparin ko na ang pwesto nila ng kwelyuhan nito ang lalaking nakahagis ng bola sa kanila.
I rolled my eyes dahil duh? Sino ba naman kasi ang matinong tao ang maglalampungan sa soccer field?
"I'm sorry po. Hindi ko talaga sinasadya." Nanginginig ang boses ng lalaki habang masamang nakatitig sa kanya si Raine.
"What's the meaning of this? And Miss Trojan, pwede bang bitawan mo ang batang 'yan?" Malamig kong utos sa kanya dahil halatang natatakot ang lalaki. Tingin ko first year college pa lang ang batang ito.
"Miss Trojan, do you hear me? I said, let him go!"
Nakahinga ako ng maluwag ng bigla nyang binitawan ang kwelyo ng damit nito. Ngunit hindi ko inaasahang itutulak nya ito dahilan para mapa-upo sa damuhan ang lalaki.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya pero parang wala lang iyon rito.
"Ipagdasal mong walang mangyayaring masama sa kanilang dalawa ng....." Tiim-bagang nitong ipinikit ang kanyang mga mata na para bang pinapakalma ang sarili.
Nang magmulat ulit ito ng mata ay walang emosyong tinitigan ang lalaki, "Kapag may nangyaring masama sa kanya. Sisiguraduhin kong may kalalagyan ka." After she said that, mabilis nyang pinuntahan si Gomez na nakahawak pa rin sa kanyang ulo.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko syang nagalit dahil sa isang tao, and it freaking hurts.
Agad akong pumunta sa office ko bago pa man magbagsakan ang luha sa mga mata ko. Ayokong mag-overthink, pero mukhang totoo ang sinasabi ng mga estudyante na may relasyon silang dalawa ni Vivian Gomez.
I immediately wiped my tears when I heard a loud knock outside my office.
"Come in!" I coldly said ang pretend that I'm busy while typing some shit on my laptop.
"Busy?" Agad akong nag-angat ng tingin ng marinig ang boses na iyon.
"What are you doing here?" Tumayo ako sa aking kinauupuan at nakipag-beso sa kanya.
She raised her eyebrows, "Why? Hindi ba ako welcome dito?"
"Sinabi ko yun, Gianna Cortez?"
Umirap ito sa akin, "Whatever, Oli. Anyway, mamaya pa ang klase ko kaya naisipan kong bisitahin ka. I actually brought you some food. You should eat more, beshy. Seems like you lose weight," komento nito while scanning me from head to toe.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa totoo lang, nawawalan ako ng ganang kumain these past few days. Pakiramdam ko nagiging mapait ang lasa ng mga pagkaing sinusubo ko.
"I don't have an appetite to eat." I told her honestly that made her forehead crease.
"Teh, alam kong in love ka. Pero hindi mo kailangang gutumin ang sarili mo." Pamimilosopo nito to lighten my mood. "For sure hindi gugustuhin ni Raine na magkaroon ng kalansay na girlfriend."
![](https://img.wattpad.com/cover/303975635-288-k952063.jpg)
BINABASA MO ANG
Love At First Sight (Cousin Series #2) √
RomanceProfessor x Student "Loving you are one of the best feeling I ever had, yet it is too painful to take in--Olivia."- Raine Morris Trojan Date Started: June 25, 2022 Date Finished: August 16, 2022