Chapter 2

17.8K 597 37
                                    


Raine

"Um, hi." Awkward akong ngumiti kay Xavier ng tuluyan akong makalapit sa table nila.

"Long time no see, Raine. Kumusta kana?" Tumayo ito sa kanyang upuan upang makipag fist bump sa akin na malugod ko namang tinanggap.

Anyway, he's Xavier Ivanov. Matangkad ito at hindi maipagkakaila ang kagwapuhan nitong taglay. Hindi na ako magtataka kung bakit tinitilian ito ng mga kababaehan. He's a heartthrob and have a perfect body na isa talaga sa mga asset nya bukod sa gwapo nyang mukha.

Sa Harrison University ito nag-aaral ngunit naging kaibigan ko na ito dahil kaming dalawa ang syang madalas na magtunggali sa taekwondo. Lalo na kapag may inter school tournament na nagaganap sa paaralang pinasukan ko, and vice versa.

Xavier is a good man. Hindi sya yung tipo ng tao na mayabang at mapagmataas kahit pa tiyuhin nya ang nagmamay-ari ng Harrison University. And also, he knows my secret about me being an intersex.

Nalaman nya iyon ng minsan nya akong makita sa comfort room ng mga lalaki. Wala naman itong masyadong reaksyon ng mga oras na iyon. Actually, he's cool with it and he promised to keep it a secret which is I'm thankful though.

"I'm good, as always. How about you? Mabuti naman nagawi ka rito sa restaurant ni Tita Clara."

He already knew my aunt. Magkaibigan din naman silang dalawa ni Summer, hindi nga lang masyadong close katulad ko.

Umupo ako sa tabi nito habang kaharap naman namin ang kasama nyang babae na hindi umiimik. Nakatingin lang ito sa kanyang cellphone. Wala akong makitang ano mang emosyon sa kanyang mga mata.

"I'm good too. Sinamahan ko lang ang kapatid ko. I'm her bodyguard for the meantime," natatawang saad nito. Pansin ko pa ang pag'irap ng babaeng kaharap namin.

So kapatid nya pala ang babaeng 'to?!

"At least may pinagkaka'abalahan ka ngayon," biro ko bago ngumisi sa kanya. "I didn't know na may kapatid ka palang babae. Akala ko si kuya Hanzo lang."

I already met kuya Hanzo, and he's also a good man. May asawa na ito at isang anak na ang cute masyado.

"I told you about it actually, noong kumain tayong dalawa sa labas. Remember last semester bago natapos ang inter school tournament sa school nyo? But I bet hindi mo iyon narinig dahil sa nagkakagulong mga babae na pilit kinukuha ang atensyon mo." He laughed afterwards.

Baliw talaga!

"Hindi naman. Maybe I'm just too overwhelm that time dahil sa pagkapanalo ko kaya hindi ko napansin ang sinabi mo." Nahihiya akong nagkakamot ng leeg.

Kanina ko pa kasi napapansin ang pagtaas ng kilay ng kanyang kapatid kahit hindi naman ito nakatingin sa amin.

Pakiramdam ko bigla akong nanliit sa aking sarili lalo na ngayon ng makita ito sa malapitan. Kung kanina ang mga mata nya ang unang nakakuha ng atensyon ko, ngayon naman ang buo na talaga nyang mukha.

Mula sa perpektong kilay nito, sa mapupungay nyang mga mata at sa matataas na pilik-mata. Ang maliit ngunit matangos nyang ilong at ang mapula nyang labi na para bang umaakit sa akin. Maputi at makinis din ang balat nito na mahahalataan mong anak mayaman talaga.

"Quit staring. It's rude," nagising ang diwa ko ng magsalita ito. Agad akong nag'iwas ng tingin habang napapakamot na naman sa aking leeg.

Damn! Mukhang mataray nga talaga ang babaeng ito.

"I'm sorry, Miss Ivanov. May iniisip lang po." Palusot ko at pansin ko ang kakaibang ngisi ni Xavier.

Mabilis kong inapakan ang paa nito na nasa ilalim ng mesa dahil alam kong may sasabihin na naman itong hindi maganda. Kita ko pang napalitan ng pagngiwi ang ngisi nito habang palihim akong sinasamaan ng tingin na ipinagsawalang-bahala ko lamang.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon