Chapter 3

23.7K 712 52
                                        

Raine

"You looked bothered. What's wrong?" Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa aking likuran.

Ngumiti ako kay kuya Calix ng umupo ito sa aking tabi. "Hm, nothing. May iniisip lang po."

"Nah, c'mon tell me. What's bothering you?" Umakbay ito sa aking balikat habang pareho naming inilulublob ang aming mga paa sa tubig ng swimming pool.

"Hm, I was just thinking kung papayag kaya sina Mom kung sakali mang lilipat ako ng university this semester."

May katotohanan kong sagot kahit na ang pinaka dahilan talaga ng pagkakatulala ko ngayon ay dahil sa naging usapan naming dalawa ni Xavier last week.

Oo, isang linggo na ang nakakaraan pero hindi pa rin ako pinatatahimik ng mga sinabi nya at ng mukha ng kanyang kapatid. Kahit sa pagtulog ko nakikita ko pa din ang maamo at magandang mukha ng kapatid nyang propesora.

Damn it! Mukhang tumalab nga ata sa akin ang salitang love at first sight. Mababaliw na ata ako kapag hindi ko sya nasilayan ulit. Ang walanghiya ko naman kasing kaibigan ayaw ibigay sa akin ang phone number ng kanyang kapatid. Paghirapan ko daw.

Tangina nya!

"May problema ba sa university na pinasukan mo?" His forehead creased habang seryoso ng nakatingin sa akin.

"Wala naman, I swear. Gusto ko lang talaga lumipat ng paaralan," unti-unting humina ang aking boses dahil maski ako hindi sigurado kung tama ba itong gagawin ko.

Kung worth it bang gawin ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan ang magiging resulta.

"Kung wala naman palang problema, anong dahilan mo para lumipat? O mas tamang itanong kung sino ang dahilan ng paglipat mo?" Mataman itong nakatitig sa akin na para bang pinag'aaralan ang bawat kilos ko.

"I already told you, kuya. Saka kailangan ba talaga may mahalagang dahilan para lumipat ng paaralan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ng bagong environment?" I tried to reasoned out na mukhang 'di umubra sa kanya.

"Hindi problema ang paglipat mo kung alam kong hindi ka graduating student ngayong taon. Alam ko kung gaano ka'importante sayo ang maka'graduate ng matiwasay. So tell me, may dapat ba akong malaman?"

I bit my lips because of what he said, "I'm sorry."

Sa huli, wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya lahat. Napapataas lang ang kilay nito kapag nagsasalita ako ngunit wala namang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig.

"So?" tanong ko sa kanya ng hindi pa rin ito nagsasalita.

"Okay,"

"Anong okay?"

"Walang problema sa akin kung lilipat ka. Your problem now is kung paano mo mapapayag si Mom. Alam mo naman ang ugali no'n."

He's right. Hindi madaling mapapayag ang nanay naming iyon. Mabuti pa si Dad madali lang bumigay. Pero si Mom? I don't think so. Panigurado marami na naman syang katanungan na dapat kong sagutin dahil kung hindi, mas lalo lamang nya akong hindi papayagan na lumipat ng paaralan.

"Will you help me?" I asked him ngunit nagkibit-balikat ito.

"Sorry bunso, but I can't help you with that." He smirked at me na syang ikina-ikot ng aking mga mata. Akala ko pa naman tutulungan nya ako.

"Hindi kana sana nagtanong kung wala ka naman palang maitutulong. Tch!" tumawa ito na para bang nasisiyahan sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.

"I never thought na mangyayari ang araw na ito. You....being crazy for one person, and to think that she's a professor? That suprised me, really. I wonder what she look like?" May nakakalokong ngiti sa kanyang labi dahilan para masapok ko sya.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon