Simula
Pag-uwiTAHIMIK akong nakaupo sa park ng may maramdaman akong presensya sa likuran ko. Nilingon ko agad siya. Nakasuot siya ng white tee shirt at khaki shorts.
"Hello," bati niya. Umupo siya sa tabi ko. Napakunot ang noo ko ng hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya dahil natatamaan ito ng sinag ng araw pero hindi ko na lang masyadong pinansin.
"Hello din. Bakit ka nandito? Hapon na kaya," i said.
"Ayaw ko lang mag-stay sa bahay namin ngayon," tugon nito.
Kumunot ang noo ko at mas lalo niyang nakuha ang atensyon ko. "Bakit naman?"
"Pumunta ‘yong mommy ko sa bahay namin kanina."
"E, ano namang problema do'n? Masaya nga ‘yon dahil kasama mo pa ang mama mo."
Nilingon niya ako at siya naman ang nakakunot ang noo ngayon. "Wala ka ng mommy?"
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Baby pa lang ako, wala na siya. Wala nga kaming memories, e."
"Talaga?"
"Oo,"
"Kawawa ka naman,"
"Hindi naman kasi may papa pa ako 'no. Ayaw niya sa'kin pero at least may papa ako."
"Bakit ayaw niya sayo?"
"Dahil daw sa'kin namatay si mama. Ikaw ba? Bakit ayaw mo ang mama mo?"
"Iniwan niya kami ng kapatid ko kay daddy. Umalis siya na parang wala siyang pakialam sa amin ng kapatid ko at lalo na kay daddy. Kaya hate ko siya kasi nakita ko kung paano mag-work si daddy para sa amin. Abg hirap kaya ng work niya."
Napatango-tango ako. "Ilang taon ka na pala?"
"7 years old. Ikaw?"
"7 din."
"Anong pangalan mo?"
"Kaliyah. Ikaw?"
Sasagot pa sana siya kaso tumayo na siya at naglakad papuntang kalsada. Nakita ko ang paparating na kotse kaya tatakbo na sana ako papalapit sa kanya pero niligtas na siya ng isang magandang babae. Nagising akong naghahabol ng hininga at mabilis ang tibok ng puso.
Napahilamos ako sa mukha nang mapagtantong panaginip lang pala ‘yon.
"Panaginip," sambit ko. "Isang batang lalaki. Baka siya rin ang lalaking lagi kong napapaginipan na umiiyak."
Dahil daw sa'kin namatay si mama.
Bumalik sa isip ko ang sinabi kong ‘yon sa panaginip ko. Bakit sa younger version ko, sinisisi ako ni papa sa pagkamatay ni mama? Bakit ngayon, kahit isang masakit na salita ay wala akong natanggap? O kahit panunumbat lang na galing sa kanya?
Umiling ako at ipinagsawalang-bahala na lang lahat ng tanong sa utak ko. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Naabutan ko si papa sa baba na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.
"Good morning, papa," bati ko.
"Good morning, Kali. How's your sleep, anak?"
Umupo ako sa tabi ni papa saka bumuntong-hininga. "Naiiba ‘yong panaginip ko ngayon, papa. Isang batang lalaki imbes na lalaking umiiyak na nakasuot ng barong tagalog. Hindi kaya part siya ng childhood ko, papa?"
Tumigil si papa sa pagbabasa ng dyaryo at tumango. "Maaari,"
"Kilala mo ba siya, papa?"
"Hindi ko kilala lahat ng nakaka-encounter mo, Kaliyah. You can find out about that on your own."
Bumuga ako ng malalim na hininga. "I want to go home, papa."
Kumunot ang noo ni papa. "Saan? Sa Pilipinas?"
"Opo. It's been five years, papa, yet hindi pa rin bumabalik lahat ng alaala ko and it's hard, papa. To just live without any memories from my past."
He took a sip on his coffee. "But that would be dangerous for you, anak. Maybe forcing your memories to come back can harm you."
"I will be fine, papa. If you wanna stay here then okay. I just need some places or maybe people to trigger my mind so that the memories will come back. As fast as possible."
"How about your work?"
Tumayo na ako at dumiretso sa kusina para kumuha nang kakainin ko. "I'll resign, papa."
Sumunod si papa sa kusina at nilagay sa sink ang cup na wala na ngayong laman. "Are you sure? Baka mapahamak ka lang lalo pag pinilit mo ang sarili mong makaalala, Kaliyah."
"Just trust me on this, papa. I will be okay."
Napipilitang tumango si papa. Kahit pigilan niya rin naman ako, uuwi pa rin ako ng Pilipinas para hanapin ang sarili ko. We've been living in US for five years. We moved here after the day that i woke up from an accident without memories.
I need to know my past.
I WAS busy doing paper works when Chance, my boss, entered my office carrying another paper works.
I glanced at him as he walk towards my table. "Please check this business offers. Resumes. I need this on Wednesday."
I nodded and smiled at him. "Yes, okay, sir."
"It's Chance, Kaliyah. Chance."
I shrugged my shoulders. "Sanay na ako sa sir kaya just let me besides, I'm going back to the Philippines, sir Chance. Next week," i turned my gaze to the papers that was infront of me. "I'll just finish this, i guess. Then, I'm going to resign. Go back to Philippines and make my memories back."
Chance is a Fil-Am who was raised and was living in US. He can understand and speak Filipino because his mom taught him that. His family has a company and was inherited by him.
Unlike us who doesn't have any businesses here and even in the Philippines. Papa said that when i got involved in a car accident, he decided to sell our business to move here and start a new life. Kaya pag bumalik ako ng Pilipinas next week, bahay na lang namin ang maaabutan ko roon.
"Update me, Kaliyah. Update me whenever you are, whenever you need me and when something happened, alright?"
"Sino ka ba para i-update ko, sir Chance?"
"I am your bestfriend, Kaliyah," he reminded.
Napatango-tango ako. "Yeah, yeah. I'll update you. Now, can you please leave my office so that i can continue working right here?"
Napipilitan naman siyang lumabas ng opisina ko. Sa loob ng limang taon na pagtratrabaho ko sa kompanya nila, naging close ko ang boss ko. On my first month of working in their company, mahilig siyang magpapansin sa'kin and when we talked, we have the same vibes that eventually made us friends. Siya lang ang ka-close ko sa buong kompanya dahil umiiwas ako sa mga tao. Hindi ko rin alam kung bakit pero dahil siguro gano'n ako dati bago pa ako maaksidente.
GAYA ng plano ko, tinapos ko lahat ng trabaho ko bago ako nag-resign. Nag-aalala pa ng sobra para sa'kin si Chance pero sinabi kong magiging okay ako at tatawagan siya pag may oras ako. Gano'n din si papa.
Habang nasa eroplano ako, ang daming pumapasok sa utak ko. Takot, curiousity, excitement at kaba sa mga malalaman ko sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Sana lang ay walang hindi maganda at ang lalaking napapaginipan ko...
Sana hindi ko siya nasaktan o kung ano man. Na umiiyak lang siya dahil nalulungkot siya at nasaksihan ko ‘yon. Maaaring close ko siya dati.
I want to know who is he and what he is in my life. I also want to know why the younger version of me was saying that papa hates me because my mom died when she gave birth to me.
Gusto kong malaman lahat ng memories ko sa past ko. Ang isang bagay lang na nakakalungkot ay ang alam kong wala kaming memories ni mama dahil noong pinanganak niya ako ay namatay rin siya kinalaunan. ‘Yon lang ang inaasahan kong makakapagpalungkot sa'kin sa pagbabalik ko sa Pilipinas. Sana wala ng iba.
Sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/289858390-288-k311224.jpg)
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...