T/W: RAPE
Kabanata 4
I'll gain your trustNAKAAYOS na ako nang pumasok si Ryker sa condo na tinutuluyan namin ni Ria. Kaninang umaga ay tumawag siyang sasamahan ko raw siya sa reunion ng batch namin noon. Magkaklase pala kami at gaya ng nasa panaginip ko, same school din kami.
"Ready ka na?" he asked when we arrived at the university where we graduated years ago.
I look at him. Nag-alangan pa akong tumango dahil hindi ko alam ang dadatnan ko sa loob. Wala akong alaala at paniguradong wala akong kakilala roon maliban kay Ryker.
"Don't worry, hindi naman kita hahayaang mag-isa. You'll be at my side for the whole night, alright?" he assured.
Nakampante ako kaya ngumiti at tumango ako sa kanya. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan ay iba na ang dating ng university sa'kin. Parang nandito lahat ng alaalang mahalagang malaman ko. Parang sa lugar na ito ay maraming alaalang nabuo kasama ang... isa o mas marami pang tao.
"Kahit anong mangyari, wag kang hihiwalay sa akin. Baka mapano ka. Sa tabi lang kita... buong gabi," he whispered while we're entering the St. Raymund building where the reunion would be held.
Sinalubong kami ng mga nakakasilaw na ilaw, masasayang taong nagkwekwentuhan at venue na puno ng dekorasyon.
"Ryker Hescavio!" one of the woman approached. Nag-beso sila sa isa't isa at malawak ang ngiting pinakita nito sa lalaki. "You came. One of the busiest man in the world came," the woman teased. She laughed, too. Then her eyes met mine. "Kaliyah Veras Hescavio?"
Nalilito man ay umiling ako. "Kaliyah Veras," i corrected her.
"Oh, i thought—"
"Come on, Mira. Where is Vince and Allysa?"
"Right there," she pointed out a table from afar. "Busy talking 'bout random things."
"Alright, thank you, Mira."
Tinalikuran na agad ni Ryker ang babae kaya sumunod na lang ako sa kanya. Napairap pa ako ng ang bilis niyang maglakad. Naka-stilleto kaya ako!
"Oh fuck. I'm sorry, i forgot that you are with me," aniya saka binalikan ako sa kinatatayuan ko. He wrapped his arms around my waist and i felt his lips brushing against my ears. "Vince, Alyssa and Mira are my friends since high school. I'll be talking to them and promise me, you'll never leave my side, Kaliyah."
"I promise,"
Nang makarating kami sa table ng mga kaibigan niya ay umupo lang ako roon at sinikap na hindi ma-boring. Nang mag-ring ang cellphone ko ay agad kong kinuha ‘yon mula sa bag ko. Napatingin si Ryker sakin.
"Tumatawag ‘yong kaibigan ko sa US. Lalabas lang ako saglit para sagutin," ani ko. Nang tumango siya ay tumayo agad ako para lumabas at sagutin ang tawag.
"Hello, Chance?"
"Hi, Kaliyah. I've visited tito kanina. He's alright, Kali."
Napangiti ako sa balitang ‘yon. "Thank you for that. I owe you again."
"Nah, maliit na bagay. Nasa'n ka ngayon?"
"Reunion with my batch at college."
"Woah, cool! Enjoy the night, Kali."
"Thanks. Later, I'm planning to roam around the university, Chance. It's seems like there are so many memories right here."
"Take care, Kali."
"I will. I gotta go, Chance. I'll call you again tomorrow if i have time."
"Yeah, yeah. Call me when you have time."
"I will,"
Binaba ko na ang tawag. Napatingin ako sa malaking library na malapit lang sa building na pinaggaganapan ng reunion. Nakabukas at may ilaw pa roon kaya napagdesisyunan kong pumasok. Hindi naman siguro ako hahanapin agad ni Ryker, hindi ba? May kausap pa, e.
Nang makapasok ako ay kumuha ako ng isang libro at umupo roon. Tahimik ang buong lugar at mukhang ako lang ang tao. Kasabay ng pagbabasa ko ay ang pagbabalik ng mga alaala.
"CLASS dismissed!" our professor announced.
Nagsilabasan agad ang mga kaklase ko habang ako ay inayos pa ang gamit ko. Gaya ng dati kong ginagawa, mas pinili kong pumunta muna sa library para mag-review para sa upcoming quizzes kaysa kumain. Busog pa naman ako kaya mamaya nalang siguro ako kakain. Tahimik akong nagbabasa ng may lumapit na isang lalaking pamilyar sa akin.
"Hi?" aniya.
"Hello," i replied without looking at him.
"Ikaw ‘yong nakita ko sa harap ng building, hindi ba?"
Doon niya nakuha ang buong atensyon ko. Napa-angat ako ng tingin at nilapag ang librong binabasa. Umupo siya sa upuang nasa tapat ko at ngumiti.
"Ako nga."
"Nice to meet you again. Ayaw mo muna bang kumain bago ka mag-aral nang mag-aral diyan?"
Umiling ako. "Busog pa ako, e,"
"Bakit ka umiiyak no'ng gabing ‘yon?"
Nag-iwas ako ng tingin at lumunok ng ilang beses. Bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik ang alaalang nakasisira ng pagkatao ko.
"Kaliyah," i heard my papa uttered. Hindi ako umimik at nanatili lang sa loob ng kwarto. Yakap-yakap ko ang sarili habang nanginginig sa takot. "Kaliyah!" He shouted.
Napaigtad ako dahil sa sigaw na ‘yon kaya kahit takot man ako at alam ko na ang kahahantungan ay binuksan ko pa rin ang pintuan. Iniisip ko pa lang ang mangyayari ay naiiyak na ako.
"Do what papa says, okay?"
Napipilitan akong tumango. Naging hudyat ‘yon para itulak niya ako sa kama at umibabaw sa akin. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang pilit niya akong hinuhubaran at ginagawa ang mga bagay na hindi ko kailanman ginusto.
This is not the first time. It wasn't.
"Kaliyah?" Ryker's voice filled my ears. He reached for my hand that i eventually avoided.
Tumayo na ako at patakbong lumabas ng library. Nagpunas ako ng luha habang patuloy na naglalakad palayo. Naramdaman ko ang pagsunod ni Ryker kaya mas mabilis akong naglakad.
He grabbed my hand. Hinarap niya ako sakanya saka agad niya akong niyakap. "Kung ano mang nangyari noong gabing ‘yon, alam kong makakayanan mo ‘yon."
Kumalas agad ako sa yakap niya at nagtataka siyang tinignan. "Bakit may pakialam ka sa'kin? Hindi naman tayo magkaibigan."
"I wanna be your friend, Kaliyah, and i care for you because that was my first time to see a woman crying except for my mom. Nag-aalala ako sa kung anong nangyari kaya gusto kong alamin para alam ko kung proprotektahan ba kita o kung anong pwede kong magawa."
"Bakit? Para saan? Bakit mo ako proprotektahan? Bakit ako?" Sunod-sunod na tanong ko.
"I would gladly do it for everyone, Kaliyah. For every woman i know."
"We can be friends," pilit akong ngumiti sa kanya. "Pero hindi ko alam kung magagawa ko bang sabihin sayo ang nangyari noong gabing ‘yon. I need to trust you first, Ryker."
"I'll gain your trust."
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...