Kabanata 29

93 4 0
                                    

Kabanata 29
Moving forward

"MA, i miss you. Sorry ngayon lang po ako nakadalaw uli, ha? Busy po ako after 'ko manalo sa pageant pero natupad 'ko na po ang promise 'ko sayo ngayon. Nadalaw na kita uli, mama," ngumiti ako sa puntod ni mama na parang nasa harapan ko talaga siya at siya talaga ang kausap 'ko.

"Pa, how are you na rin? Sana okay lang kayo ni mama sa heaven!" i cheerfully said while looking at my papa's grave beside mama's grave.

IT was a fine day when i received a phone call from a police station. Ang police station na ito ay kung saan nakakulong si papa.

"Hello po?" i politely answered because i know that I'm already talking to a police.

"Hija, tatay mo si Jaro Veras, hindi ba? Nag-aagaw buhay ang papa mo sa hospital. Pumunta ka na agad para maabutan mo pa siyang buhay dahil malala talaga ang natamo ng papa mong mga saksak. Sa pinaka-malapit na hospital sa police station siya tinakbo, hija. Hindi ko kabisado ang pangalan ng hospital pero malapit lang iyon dito."

"Sige po, sige po," sagot ko saka agad nang pinatay ang tawag. "Chance, sa pinaka-malapit na hospital sa police station tayo, please,"

"Why? What happened?" tanong nito habang nagpapalit ng direksyon ng sasakyan. Nag-U turn siya para makapunta kami sa hospital.

"Si papa... nag-aagaw buhay daw,"

"Ha? Bakit mo pupuntahan? Baka karma niya na 'yon,"

"Chance, tatay ko pa rin siya. Hindi naman 'yon mawawala o mabubura kahit gaano pa siya kasama sa akin kaya pupuntahan ko siya kahit anong mangyari. Now, if you don't want-"

"Shh, Kal. Ipupunta kita sa hospital, okay? Don't worry too much."

Pagkarating namin sa hospital, agad akong dumiretso sa information desk at sumunod naman si Chance sa'kin.

"Nasa room 31, ma'am," magalang na sagot ng nurse na nasa information desk.

"Thank you," tugon ko saka agad na tumakbo papunta sa mga rooms para mahanap ang room ni papa.

Pagkatapat 'ko sa room 31, may mga doctor at nurse na nando'n. May mga pulis din na siguradong nagbababantay para kay papa. Sumilip ako sa pintuan ng kwarto ni papa at nakita 'ko siyang nakahiga sa kama, the doctors are currently checking him. Di ko namalayang umiiyak na pala ako sa nasasaksihan.

Naghihingalo na si papa nang mapatingin siya sa'kin. Iniangat niya ang mga kamay niya na parang sinasabing lumapit ako sakanya. Pipigilan na sana ako ng isang nurse nang papalapit na 'ko pero pinigilan siya ng isang doctor.

Ang mga nanginginig na kamay ni papa ay hinawakan ang kamay ko. "K-Kaliyah, a-anak k-ko, wag ka sanang m-magagalit pero a-ako ang nagsabi kay Ryker ng totoong rason kung bakit hindi ka nakasipot sa kasal niyo. Alam kong magagalit ka lalo sa'kin pero gusto ko lang na maging masaya ka sa pamamagitan ng lalaking iyon."

"Pasensya ka na, a-anak, h-ha? Pasensya sa mga nagawa ko sayo. Ikaw ang huling gusto kong makita bago ako mamatay. M-Mahal na mahal kita, K-Kaliyah. H-Hindi ko man nagawang ipakita sayo 'yong pagmamahal na 'yon, alam ng Diyos na mahal kita, anak. 'W-Wag na 'wag mong iiyakan ang pagkamatay ko dahil deserve ko i-ito sa lahat ng pagkukulang at kasalanang ginawa ko sayo. M-Magsasama na kami ng mama mo, anak. Makakahingi na ako ng tawad sa kanya sa lahat ng kasalanan ko sainyo."

And by that, his hands slipped, the sound created by machine beside papa, the announcement of the doctor and my sobs filled the hospital room.

"BAKIT niyo po ginawa 'yon sa papa ko?" mahinahong tanong ko sa lalaking sumaksak ng ilang beses kay papa. Ayokong sumigaw agad hangga't hindi ko pa alam ang dahilan niya.

"Dahil nalaman 'kong ginahasa niya ang sarili niyang anak. Nagahasa rin ang anak ko pero wala kaming nagawa para bigyan ng hustisya ang paggahasa sakanya dahil mayaman ang rapist niya. 'Yon ang dahilan bakit nandito ako," kumuyom ang mga kamao ng lalaking kaharap ko at nanginginig ang mga kamay niya. Base sa aksyon at ekspresyon ng mukha niya, galit na galit siya. "Pinatay ko ang rapist ng anak ko at wala akong pinagsisihan do'n dahil kung hindi ko makukuha ang hustisya para sa anak ko sa maayos na paraan, gagawin ko iyon sa masamang paraan kahit kapalit pa ito ng kaluluwa ko."

"Pero bakit niyo rin pinatay si papa?! Hindi ako ang anak niyo para ipagtanggol niyo ako."

"Alam ko ang nararamdaman mo dahil nakita ko ang mga pinagdaanan ng anak ko. Binawian lang kita dahil hindi ka deserving na ganunin, hija. Walang taong dapat na magahasa kahit ang pinakamasamang tao pa."

"IT'S been almost five years since sumama ka kay mama, papa. I hope napatawad ka na ni mama tulad nang pagpapatawad ko sayo," tipid akong ngumiti sa puntod ni papa habang pinupunasan ang sunod sunod na tumutulong mga luha ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan at pinagpagan ang sarili dahil may iilang damo ang dumikit sa pants ko. I grabbed my bag and stood infront of my parent's grave.

"Mahal kita, mama. Babalik po ako sa susunod na linggo. Promise!"

Sunod ay tumingin ako sa puntod ni papa. Huminga ako ng malalim bago bitawan ang mga salitang kailanman ay hindi ko pa nasasabi kay papa noon.

"Mahal kita, papa."

"HI, Xanaya! I've missed you, baby!" masaya kong bati sa anak ni Ellery.

Malawak ang ngiti niya nang makita ako kaya in-expand ko ang braso ko para salubungin siya ng yakap. Dali-dali naman siyang tumakbo palapit sa'kin saka niyakap ako.

"Nakakatakbo na 'tong si Naya, oh! Kailan mo 'to pabibinyagan para maging officially ninang na ako?" iritado kong tanong kay Ellery.

Binuhat ko si Xanaya at pinaulanan siya ng halik. "Ang bango naman ng Xanaya namin!"

"Nako, Kali! Mag-anak ka na nga! Konti na lang, aagawin mo na talaga si Xanaya mula sa'kin," singit ni Ellery sabay upo sa couch.

I rolled my eyes at her. "As if namang napupulot lang ang sperm, huh?!"

"Sperm donor! Meron 'yon!"

"Eww! Ayokong dahil lang sa kagustuhan kong magkaanak ay manganganak ako ng bata na aware akong hindi ko siya mabibigyan ng kumpletong pamilya."

"Whatever!" inis na sabi na lang ni Ellery.

Lihim akong napatawa dahil natalo na naman siya sa argument namin. Hinarap ko si Xanaya na nakangiti sa'kin saka sinimulan siyang laruin.

"Chance!" ani ko nang makitang pumasok si Chance sa condo ko. "Xanaya, daddy mo, oh!"

"Hi, Naya!" Chance greeted. Kinuha niya mula sa'kin si Xanaya kaya tumayo na rin ako para kunin din saglit ang regalo na binili ko para kay Xanaya.

"Naya, gift ko for you," masaya kong sabi sabay abot kay Xanaya ng regalo.

"Parang araw-araw birthday ni Xanaya dahil sayo, Kali. Nako talaga, ha! Ikaw na nagiging toy supplier ng baby namin," sermon ni Ellery sa gilid ko.

"E, kanino ko naman ibubuhos lahat ng pagmamahal at pera na meron ako maliban kay Xanaya at sainyo? Kayo na lang ang pamilya ko," sabi ko saka ngumiti kay Ellery.

Nagkatinginan ang mag-asawa at parehas na ngumiti sa'kin. Binigay muli ni Chance sakin si Xanaya kaya nalaro ko uli siya.

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now