Kabanata 5
Ms. Business Management"KALIYAH? Kaliyah?" Ryker's voice filled my ears once again.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at hinanap kung saang banda siya ng library. Pagkakita niya sa akin na umiiyak ay nilapitan niya agad ako.
He wiped my tears and stared at me. "May bumalik na naman bang alaala, Kali? What happened?"
"Alam ko na kung bakit ako umiiyak no'ng gabing ‘yon, Ryker," humagulgol ako. "N-Nirape ako ni papa. Hindi lang isang beses. A-Akala ko mabait siya. A-Alagang-alaga niya a-ako sa US, Ryker."
Niyakap niya ako saka tinahan. "Shh. Wala namang ginawa sayo ang papa mo noong nasa US ka pa, 'di ba?"
"W-Wala pero hindi ko na alam ang gagawin ko, Ryker. R-Ryker, g-ginahasa ako ng ilang beses ni papa. Habang kinakausap mo ako rito sa alaalang ‘yon, bumalik sakin l-lahat, Ryker."
"Shh. You're safe with me, Kaliyah."
"N-Natatakot na akong harapin siya, Ryker. Baka g-gawin niya uli—"
"Shh, Kaliyah. Hindi ako papayag na mangyari uli ‘yon, okay? Safe ka sa'kin. Safe ka sa tabi ko."
I hugged him back. I really felt safe and comfortable in his arms.
Kumalas ako sa yakap at hinarap ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali pero napansin ko sa mga mata ni Ryker na umiyak siya pero ipinagsawalang- bahala ko na lang.
"Kailangan ko pang makaalala, Ryker. Kailangan ko pang magkaroon ng maraming alaala," i said, desparately.
Lumabas ako ng library at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko ang pagsunod ni Ryker sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Kailangan kong makaalala. Tama ako dahil nandito lahat ng maraming alaala. May mga kailangan pa akong malaman. Marami pa.
"KALIYAH!" tawag ng kung sino sa likuran ko.
Pumihit ako para tignan kung sino iyon. Awtomatikong napangiti ako nang makitang si Ryker ‘yon na may dalang milktea at chips.
"Sa field tayo?" aniya nang makalapit na siya sa akin. Tumango lang ako at kinuha mula sa kanya ang plastic bag na may lamang chips.
Pinili namin ang walang masyadong tao na parte ng field.
"Nakapag-review ka na for the quizzes?" I asked him while we are eating.
"Hindi pa nga, e, pero may vacant naman ako mamaya. I can review before the quiz."
"Study tayo together?" i offered. Napalingon agad siya sa'kin, nagugulat. I shrug my shoulders and i smiled at him. "Di rin ako nakapag-review kagabi, e."
"Sure," pag-sang ayon niya. "Pero may nangyari ba?" tanong niya na puno ng pag-aalala.
"Wala naman. Nakatulog lang ako ng maaga," kumuha muli ako ng chips mula sa plastic bag. "Teka, libre mo ba 'to? Baka pagbayarin mo ako, ha!"
"Libre ko ‘yan. Pwede pa nga tayong bumili ng marami pa kung gusto mo pa."
"Mabait ka pala talaga 'no? Naiiba ka sa ibang sobrang yaman. Mostly, mapagmataas kasi, e."
He took a sip on his drink. "Hindi lang ako ang ganitong mayaman, 'no. Gano'n rin ang mga pinsan ko."
"May mga pinsan ka? College rin?"
Umiling siya. "All high schoolers. Ikaw? Wala kang kapatid o kahit pinsan?"
"Wala. Si papa na lang ang pamilya ko."
"You love him so much, didn't you?"
I hesitated to answer that. "I love him but there's a reason why i shouldn't." pilit akong ngumisi sa kanya.
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...