Kabanata 37

100 5 0
                                    

Kabanata 37
Midnight talks

"SIR, nanganganib po ang buhay ng mag-ina mo. Hindi na po kinakaya ng misis niyo ang sakit kaya kailangan niyo pong mag-decide kung sino ang ililigtas ninyo. Kritikal po kasi ang panganganak ng misis niyo," ani ng nurse pagkalabas ng delivery room.

"Anong kritikal?! Maayos ang asawa ko throughout her whole pregnancy!" galit na sigaw ni Ridge sa doctor. "Anong... Anong mamamatay?! Anong pipili?! Hindi pwede! We're not going to choose! C'mon, kuya! We're taking my wife to another hospital!"

Mabilis na kumilos ang mga nurse na nakabantay kay Chaisy. Sinakay sa wheelchair si Chaisy na namimilipit sa sakit. Sinakay agad namin siya sa kotse at mabilis na pinatakbo ni Ridge ang sasakyan ng kuya niya.

"Do'n tayo sa pinaka-magaling na hospital! Hold on, hon. Malapit na tayo dahil mabilis ang takbo natin," Ridge assured his wife while driving.

"Parang ganito ang nangyari kay mama noon," pinunasan ko ang mga tumulong luha ko. "Good thing, you didn't choose. Maliligtas pareho ang anak at asawa mo, Ridge."

"Yes, i know that,"

Madaling araw na pero hindi kami napigilan ng antok at oras para sikaping makarating sa pinakasikat at pinakamagaling na hospital sa Manila. Kailangan naming ma-secure na maliligtas pareho ang asawa at anak ni Ridge.

"Delivery room!" sigaw ng doctor pagkakita saamin.

Naghintay kami sa waiting area ng hospital na nag-aalala. Pagkalapit ng doctor ay agad kaming tumayo para alamin kung okay ba ang mag-ina. Nakahinga kami nang maluwag nang ngumiti ang doctor sa amin.

"Ang tapang po ng misis niyo, mister. Kinaya niya kahit mahirap. Kaya nahirapang manganak si misis ay malaki si baby. Ang tangkad para sa isang newborn. Napakaganda rin po ng anak niyo. Okay na okay silang dalawa, mister, kaya hindi niyo na po kailangang mag-alala."

Natutuwa kaming nagyakapan at medyo naging awkward dahil si Ryker pala ang nayakap ko. Napabitaw agad ako at hindi na makatingin sa mga mata ni Ryker. What an awkward moment, Kal!

"Sayang, July 9 ang birthday ni baby," may panghihinayang ni Chantrea.

"It's okay, Treya. Safe naman sila Chaisy, e,"

"'Yun ang pinakamahalaga," Chantrea said then she genuinely smiled.

"ANG cute ng baby Ryleia namin!" Chantrea giggled after seeing baby Ryleia.

Nakatitig kaming lima nina Ryker sa nursery room at nasa loob ang baby nila Chaisy at Ridge. Gaya ng sabi ng doctor ay matangkad ang baby at wala ng ibang problema kaya nagtataka ako dahil bakit hindi na lang declared Caesarian kaysa papatayin nila ang isa sa mag-ina?

Pinaghalong Chantrea, Ridge, Chaisy at ako ang baby. Nakuha ni Ryleia ang kilay, style na straight at curly sa dulo, pilikmata at labi kay Chantrea. Ang kulay ng mata, ilong at shape ng mukha ay kay Ridge. Ang tangkad ay sa'kin samantalang ang smile ay kay Chaisy.

"Gusto ko na ring magka-baby," sabi ni Ryker sa gilid ko.

Napatingin ako sakanya at ngumiwi. "At sino namang bubuntisin mo, ha?"

"Ikaw," diretsa niyang sagot.

Nahampas ko siya at nagtawanan naman ang tatlo sa likod namin. Napalunok ako ng ilang beses at pinalo uli sa braso si Ryker.

"You're crazy!"

"Just for you, miss ma'am,"

Napatawa ako ng pagak sa pangit niyang jokes. Gosh, Ryker Hescavio!

INABOT sakin ni Ryker ang kakabili niya lang na kape na tinanggap ko naman nang nakangiti. Kumunot ang noo ko ng may isa pa siyang inaabot. Hindi ko sana tatanggapin pero inilagay na niya sa lap ko saka siya umupo sa tabi ko.

Nasa labas kami ng hospital. Two na ng madaling araw pero wala pa akong balak umuwi. Baka bukas na lang dahil baka may kailanganin ang mag-asawa. Hindi rin naman makakapunta ang parents nina Ryker at Ridge dahil may importante rin silang ginagawa kaya bukas na lang daw sila dadalaw. Maging sina Mr. at Mrs. Hescavio ay gano'n din kaya kami ni Ryker ang kasama ng mag-asawa ngayon. Medyo malamig na rito sa labas at buti na lang ay dinaanan ako nina Ellery at Chance ng pagkain at jacket bago sila tuluyang umuwi.

"Buksan mo," utos niya. "Regalo ko 'yan sayo. Hindi ko nabigay agad kanina kasi nataranta tayo kay Chaisy, e."

Sinunod ko ang sinabi niya. Tumambad sakin ang camera at isang crochet jacket na kulay purple. Alam niya pa rin ang favorite color ko na naging dahilan para mapangiti ako. May kung anong saya sa puso ko na hindi ko maintindihan.

"Ginawa ko mismo ‘yang crochet dahil mas maganda raw ang DIY na gift para sa isang special na tao. ‘Yang camera naman, nandiyan lahat ng memories natin noon. Puro pictures yan," may kinuha na naman siyang kung ano mula sa gilid niya. Napatawa ako nang makitang happy meal iyon ng mcdonalds. "And this is for you, too. May laruan ‘yan sa loob. I know that you never had the chance to play with some toys before so maybe it can help you to heal your inner child, Kali."

Pinunasan ko ang tumulong luha ko bago ko siya hinarap nang nakangiti ng malawak. "Thank you. Sobrang thank you for doing this."

"You're welcome!" he cheerfully said.

"Nawala tuloy ang antok ko," tumawa ako at hindi ko inaasahang tatawa rin siya. "Nung nakita ko si Zielle, gusto ko na rin tuloy magka-baby! Alam mo ‘yon, i want to feel how Chaisy felt when she saw her daughter or how it feels pag may tumatawag sayong mommy at sasalubong sayo pag galing ka sa trabaho. But before that, i want to have a perfect relationship first. Ayaw ko ng relationship na gaya ng sainyo ni Camille," tumawa uli ako. "I've read somewhere that when two people broke up, tumitigil lang sila sa pag-care sa isa't isa pero may love pa rin pero minsan, ‘yung love na ‘yon ay nagiging anger."

"Nung hindi mo ako sinipot sa kasal natin noon, my love for you became anger. Galit ako sayo dahil hindi ka man lang nagbigay ng dahilan o nagpakita sakin pagkatapos no'n para kahit magpaliwanag man lang. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ayaw na kitang makita pero ang totoo, umaasa pa rin ako na magsosorry ka at maaayos pa rin natin. Noong bumalik ka five years later, I don't love you that time. Si Camille na talaga pero nandoon pa rin ‘yong thought na baka matulungan kita sa pagbalik ng alaala mo kung mag-e-stay ako sa side mo. I cared for you as a friend before. Noong ikakasal na ako, parang gusto ko nang umatras at saktong nalaman ko rin ang totoong dahilan kaya ‘yong konting love, nabuhay sa puso ko."

He took a sip at his coffee before continuing. "Camille became my world and my priority when we got married. Do'n namatay ‘yong konting love pero ngayon, mas hinihiling ko na lang na sana ay bumalik na lang dahil gusto ko pang ayusin ang dapat ayusin. Hindi ko hihilingin na sana bumalik na lang iyong love noong kasal pa ako kay Camille dahil pangloloko iyon pero sana ngayong ramdam kong gusto mo na ring ayusin ‘yung tayo na nasira noon, sana matutunan nating mahalin ang isa't isa sa mas madaling paraan dahil deserve nating maging masaya... kasama ang isa't isa."

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now