Kabanata 43
SelosUMANDAR ang oras at kahit isang beses ay hindi ko pinansin, nilapitan o kinausap man lang si Ryker. May tiwala ako sakanya pero wala akong tiwala sa sarili ko. Alam kong madali lang akong palitan kung gugustuhin niya dahilan para maraming what if's ang pumasok sa utak ko.
Around six pm na at nandito pa rin kami sa hotel para sa after party ng binyag ni Zielle kung saan wala ng mga bata at halos mga alak na ang nakalatag sa lamesa. Minsan lang nila makita ang ilan sa mga kaibigan nila Chaisy at Ridge kaya sinamantala na rin nila ito para maka-bonding ang mga dati nilang kaibigan na 'di na nila halos close ngayon.
From: my Ry
Hey, baby, why are you ignoring me?Napatingin ako sa paligid at natanaw ko si Ryker na nakaupong mag isa sa isang sofa habang nakatingin sa'kin. Bakas ang sakit sa mga mata niya na nagpakirot sa puso ko. Nag-iwas ako ng tingin saka bumuga ng malalim na hininga.
To: my Ry
Sorry. Overthinking.Mabilis siyang nagreply dahil wala pang isang minuto ay nag-vibrate na uli ang phone ko. Nilagok ko ang whiskey na binigay sa akin ni Chantrea bago ako nag-type ng irereply kay Ryker.
From: my Ry
About what, baby? :(The sad face got me.
It caught me off guard.
May kung anong nilikha iyong kirot sa puso ko. Tumikhim ako bago muling nag-type ng message.
To: my Ry
Nvm. Wag mo na lang intindihin masyado.From: my Ry
That's my business, babyTo: my Ry
Idc, I'm fine, Ry.Napa-angat ako ng tingin nang sumigaw si Chantrea. "Tara na sa assigned rooms. Time for games!"
Naghiyawan ang marami saka pumunta na sa direksyon papuntang hotel rooms. Ang alam ko ay pitong rooms ang ni-reserved para sa lahat. Sa bawat kwarto ay merong board games, card games at kung ano-ano pang klaseng games para sa mga taong nasa room na iyon.
"Ate, dito tayo," tawag ni Chantrea sa'kin. Hihilain na sana niya ako papasok sa isang kwarto pero may humawak sa kamay ko bago pa man kami makapasok sa room.
"Let's talk," ani Ryker.
Tinignan ko si Chantrea. "Sige na, susunod na kami. Mag-uusap lang kami, Treya."
"Sige, ate, kuya," saad ni Chantrea bago pumasok sa kwartong dapat papasukan namin.
"Baby," his voice broke. "Are you going to break up with me after this night? Why are you avoiding me? Don't you love me anymore? Or does the love that's building up on your heart for me is fading again? Or did i do something wrong for you to overthink?" his voice fucking broke... again.
May kirot agad sa puso ko nang unang nabasag ang boses niyang tanda na konti lang ay iiyak na siya pero ng pangalawang beses na ay napapikit na ako ng mariin.
"No. Hindi ako makikipaghiwalay. Nagooverthink lang naman ako, e pero di kita iiwan uli, hmm?" hinalikan ko siya sa labi. "Hindi na ako aalis uli."
"Bakit ka nagooverthink kung gano'n?"
Tumikhim ako. I'm readying myself for something i can't even identify. "Sheena likes you."
"And?"
"Baka... baka ma-fall ka sa tukso and you will cheat on me kasi alam ko namang mabilis akong palitan e saka hindi ko naman alam kung minamahal mo na ba uli ako o wala pa rin talaga akong epekto sayo hanggang ngayon—"
"Shh," he kiss me on my forehead. "Hush, baby. Stop overthinking, okay? Minamahal na uli kita at sobrang laki ng epekto at presensya mo sa'kin, Kali, and you're enough for me. Kahit sino pang magkagusto, ikaw lang. Now, stop avoiding me, baby. It's making me insane."
"Yes, baby," lumingon ako sa pintuan ng kwarto na rinig na ang ingay sa loob. "Papasok na ako sa assigned room sa'min."
"Sa'tin, Kali," Ryker laughed. "Pinahiwalay ni lola ang room naming magpipinsan saka ng mga close pa sa close friends ni Treya mula sa mga room for guests nila Chai at Ridge kaya diyan tayo pareho."
"Oh," tumawa ako saka pinihit ang door knob. "Okay, then. Pasok na tayo."
Nauna akong pumasok ng kwarto saka sumunod si Ryker. Napakunot ang noo ko nang makita pati si Sheena sa loob ng kwarto. Kung si Alie lang ang makikita ko roon sa loob ng kwarto ay hindi na ako magtataka dahil close na close nga talaga sila ni Treya kahit hindi talaga sila blood related pero si Sheena na pinsan lang ni Alie?
Natahimik ang room nang makapasok kami ni Ryker. Lahat ay natuwa at napangiti sa presensya namin maliban kay Sheena. Mukhang hindi siya natuwa sa presensya namin o baka... sa presensya ko lang. Nang matuon niya ang mata niya kay Ryker ay nag-iba ang ekspresyon nito. Alam ko na agad ang ibig sabihin no'n.
"Ate, kuya! Join kayo!" yaya ni Theon sa'min.
"Ryker, dito ka sa tabi ko, oh!" ani Sheena saka umusog agad para bigyan ng space si Ryker sa tabi niya.
Nakita ko ang pagkairita ni Ryker kaya lihim akong napatawa.
"No! Tabi sila ni ate Kali, 'no," humalakhak si Treya. "Nga pala, ate. Sabi ni lola, room 305 daw kayo later."
"Ha?" kontra ni Sheena sa gilid. "Bakit sila magkasama sa iisang room?" natatawang tanong ni Sheena at tila hindi makapaniwala sa mga naririnig.
Nanahimik ang buong kwarto. Nakatingin lahat ng tao sa'ming tatlo. Nando'n ang mga kaibigan ni Treya, ang magpipinsan, si Alie at Sheena, dalawang babae na ang hula ko ay girlfriend nina Theon at Lexus at ang fiancee ni Chantrea na si Thyro.
"Masama bang makatabi sa kama ang girlfriend ko at ang gusto kong mapangasawa kapag handa na siyang pakasalan ako?"
"Girlfriend mo siya?"
"Oo, girlfriend ni kuya Ry si ate Kali. May problema ba ro'n?" si Lexus ang sumagot ng tanong ni Sheena. May pagka-irita na sa boses nito.
Nabigla kaming lahat ng tumayo na siya at dali-daling lumabas ng kwarto.
"Anyare do'n?" tanong ni Ridge na tila naguguluhan.
Nagkibit-balikat na lamang ako at ang ibang nakarinig ng tanong ni Ridge. Nagpatuloy ang nilalaro nila at nakisali na rin kami ni Ryker. Masaya ang naging buong gabi at nang sumapit ang almost one midnight, nagdesisyon kaming uminom sa rooftop ng resort.
Si Ryker at Ridge ang nagboluntaryong bibili ng alak na kasya sa lahat. Nang iinom na ay natanaw ko uli si Sheena at nag-join muli siya sa'min. Base kay Chantrea, iniuwi raw muna ni Sheena si Kahana kaya nawala na lang ito bigla pero hindi ako kumbinsido. Hindi ako tanga para malamang hindi siya nasaktan nang malamang may girlfriend na si Ryker gayong umaasa siyang makukuha niya si Ry.
"Hey, hey!" suway ni Ryker nang makitang iinumin ko na ang nasa basong alak. I don't know if this is just a wine or some type of hard drinks.
"What?" tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko rin sa peripheral vision ko na napatingin sa'min sina Chantrea, Sheena at Theon na malapit lang sa'min.
"Ano? Iinom ka? Hell, no."
Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan. Pampakalma lang. Umiinit ang dugo ko sa Sheena na 'to, e!
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...