Kabanata 26
Mga Bilin"GUSTO ko lang sanang masigurado na maaalagaan mo talaga si Ryker pag kasal na kayo. Don't get me wrong, Camille. Alam kong mabait ka naman pero i just need assurance that..." matapang kong sinalubong ang titig niya kahit may part sa'kin na ayokong tignan siya sa mata. "He will be okay with you."
Ngumiti siya ng malawak sa'kin. "Mahal mo pa siya?"
Nahihiya akong tumango. "Mahal ko pa pero nirerespeto ko siya, ikaw at ‘yung relasyon niyo. Di ko kayo sisirain, Camille. Galit siya sa'kin at recently ko lang naalala ang reason kung bakit di ako nakapunta sa kasal namin noon."
Kumunot ang noo niya at napansin kong nakuha ko ang buong atensyon niya. "Why?"
"My father attempted to rape me that day. Siya ‘yung driver ng bridal car ko at pinilit niyang iiba ang daan. Daan papuntang motel ang daan na tinahak niya habang nagdadrive pero nagpumilit akong iiba ang daan. We got into a car accident and my father decided to take me to US para do'n magsimula at maitago niya ang mga ginawa niya sa'kin. Kaya di ako nakapunta sa kasal dahil nilayo ako ni papa."
"Kali,"
Kita ko agad ang simpatya sa mga mata niya kaya umiling ako. "Hindi mo kailangang maawa sa'kin."
"Nasabi mo na ba kay Ryker? Hindi ba... galit siya sayo? Baka mawala ang galit niya sayo pag sinabi mo ang totoong reason mo," suhestyon niya.
"Naisip ko na rin ‘yan pero mas maganda kung galit siya sa'kin, Camille," tumikhim ako bago magpatuloy. "May ilang bilin lang sana ako. Siguro alam mo na ang iba dito pero sasabihin ko na lang rin."
"Go on. I'll listen kung ano man ang mga bilin mo."
"Pag galit siya, yakapin mo siya then mag-stay ka lang sa tabi niya hanggang mawala ‘yung init ng ulo niya. Remind him that you love him and you were at his side because that can help him to calm."
Habang sinasabi ko ang mga salitang ‘yon ay may bumalik na alaala sa utak ko.
"DAMN!" malutong na mura ni Ryker pagkapasok ng condo na tinutuluyan ko.
Agad akong lumapit sakanya at ni-guide siyang umupo muna sa sofa. "Why? Anong nangyari? May problema ba?" sunod sunod na tanong ko.
"Chantrea..." sambit niya sa pangalan ng pinsan niya. Nagsimulang magsituluan ang mga luha niya at napahilamos siya sa mukha. "Chantrea attempted suicide, Kali. Galit na galit ako kay tito Justin dahil kasalanan niya ang lahat!"
"Shh, calm down first," ani ko. "I love you, baby. I'm here. Makikinig ako sa rants mo hanggang matanggal ‘yang galit mo."
"I love you," sambit niya.
Hinawakan ko ang mukha niya saka tinignan ko siya sa mata. "Makikinig ako. Nandito lang ako."
I kiss him on his right cheek and smiled at him.
BUMALIK ako sa wisyo nang tawagin ni Camille ang pangalan ko.
"Kaliyah, ano pa? Iyon lang ba?"
Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa alaalang ‘yon. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na uli ‘yon magagawa kay Ryker pero ayos lang dahil alam kong magiging masaya siya kay Camille.
"Pag masungit siya at pag mainit ang ulo niya, ‘wag mong ibalewala ang mga oras na ‘yon. Pag kailangan ka niya, ‘wag kang magdalawang-isip na lambingin siya then give him a food because it can help. Lagi mo siyang yakapin o halikan..." tumigil muna ako sandali dahil pumiyok ang boses ko at sunod sunod na nagsituluan ang mga luha ko. Makalipas ang ilang minuto ay tumikhim ako at nagpatuloy sa sinasabi. "na parang ‘yon na ‘yong huli dahil hindi natin hawak ang oras. Maaaring mawala kasi ang isang tao sa'tin sa loob lamang ng ilang minuto o oras. Lagi mo siyang sasabihan ng 'i love you', lagi mo siyang pakinggan, lagi mo rin siyang kantahan kahit di ka marunong kumanta," we both chuckled.
"Huwag mo nang hintaying mawala siya sayo bago mo gawin ‘yang mga yan, ha? Gawin mo lahat ng hindi ko nagawa para sa kanya for the past five years."
Ngumiti siya at tumango. "Tatandaan ko lahat ng sinabi mo at gagawin ko rin. I'll be a good wife to Ryker, i promise."
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na mula sa bench na inuupuan namin. "Sige. Mauuna na 'ko."
Agad na akong tumalikod dahil sobrang sikip sa dibdib at sobrang sakit. Natatakot rin akong umatake bigla ang anxiety ko sa mismong harap ng future wife pa ni Ryker.
"Thank you," sambit ni Camille. Napatigil ako sa paglalakad at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Thank you for respecting our relationship. For not ruining it. Sa lahat. I am more than grateful that I don't have to worry about Ryker's ex-fiance because i know that you'll never do a way to ruin us."
Tumango ako ng hindi pa rin hinaharap si Camille. "I am an ex-fiance for a reason, Camille. Hindi dapat ako gumawa ng mga actions na makakasira sainyo. Masaya ako para sainyo at alam kong masaya na si Ryker sayo. Hindi ko kailanman kayang sirain ang relasyon na dahilan kaya nakapag-move forward si Ryker mula sa nangyari five years ago."
Tumikhim ako. "Walang dapat ipagpasalamat dahil ‘yun ang dapat kong gawin bilang ex-fiance ni Ryker."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad palayo kay Camille.
Sa mga oras na ‘yon, alam ko ng magiging masaya at okay si Ryker sa piling ni Camille. I know he's going to marry a pure and kind-hearted woman. A woman who promised to be a good wife to him and maybe soon... a good mother to their children.
Kahit hindi ako ang ihaharap ni Ryker sa altar at ang tutukuyin sa 'I do, Father' niya, kontento na akong malaman na magiging okay na si Ryker once na makasal sila ng fiance niya.
Pagkakita ko kay Chance ay agad ko siyang niyakap saka humagulgol. I cried my heart out wishing that the pain will go away. Hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya habang hinahaplos ang likod ko. He didn't ask me what happened or how the conversation went even after we came back at the hotel and that helped me a lot. I don't have the energy yet to tell anyone what happened.
Nawala panandalian ang sakit nang makabalik na kami sa hotel at nakisalamuha na naman ako sa mga kaibigan ni Chantrea at mga kaibigan ko pero bumalik ang sakit ng mag-isa na naman ako sa condo ko.
"God, please take away the pain," i begged. "Please. I can't take this anymore. It's a torture, God," i prayed while crying.
Umiyak lang ako buong gabi habang umaasang matatanggal ang sakit na nararamdaman ko pero walang nangyari, masakit pa rin. Namalayan ko na lang na umaga na nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko.
Every pain has a purpose. I don't know what's the purpose of this but one thing is for sure, Ryker had experience the same pain i have experiencing right now. The worst is... maybe the pain that Ryker had experienced was two times from i was experiencing right now.
I deserve this. I deserve to experience the pain Ryker had gone through before. I deserve to know how painful it is to be left alone by the person i love the most. I deserve to be more miserable than Ryker because i left him... five years ago.
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...