Kabanata 8

156 4 0
                                    

Kabanata 8
Memories

TINANGKA niyang hawakan ang wrist ko pero umiwas agad ako.

Hindi pa ngayon. Kailangan ko pang maalala lahat bago ako magpadala sa nararamdaman ko.

Nag-iwas ako ng tingin at napalunok ng ilang beses bago magsalita. "Please leave me alone for now, Ryker. I can't process anything yet and seriously..." bumuga ako ng hininga bago ipagpatuloy ang sasabihin. "I'm starting to like you for the second time around. I don't want to let myself being left behind, Ryker. Baka maiwan lang akong nasasaktan pag malaman kong may iba ka ng mahal. Sa ngayon, hayaan mo muna akong mag-isip. Maaalala ko rin lahat sa tamang panahon. I want a day off tomorrow, sir, if you don't mind. Thanks."

Tinalikuran ko na siya bago pa siya magsabi ng mga salitang pipigil sa'kin sa desisyong magkaroon muna ng oras para sa sarili kahit sa loob lang ng isang araw.

Pinili kong matulog at mag-stay sa condo'ng nakapangalan sa'kin kaya kumuha muna ako ng iilang gamit bago pumunta sa condo'ng nakapangalan sa'kin. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ng condo ay ang bigat na sa pakiramdam. May kung anong kirot sa puso ko at 'di inaasahang tutulo agad ang mga luha ko habang tinitignan ang bawat sulok ng condo.

Dahan-dahan kong sinara ang pintuan at pumasok sa loob ng tuluyan. Humiga ako sa sofa'ng naroon at nagsimulang umiyak sa hindi malaman na dahilan. Yakap-yakap ang unan ay tanging mga hikbi ko lamang ang maririnig sa buong condo'ng ‘yon.

Nandito lahat ng masasaya at masasakit na alaala. Kailangan kong maalala kung ano ang mga iyon.

"THERE. Gusto mo ba dito?" ani Ryker habang papasok kami ng condo na titirahan ko raw ayon kay Ryker.

I roamed my eyes around the whole place. Niyakap ko sa sobrang tuwa si Ryker na alam kong kinabigla niya. Kumalas din ako agad nang mapansin kong medyo uncomfy na siya sa yakap ko.

"Thank you for this," i sincerely said. I smiled at him. "Thank you for everything."

"You're welcome," ngumiti rin siya sa'kin. "Sigurado kang kaya mong mag-isa dito, ha? Just call me if you need anything, alright?"

"Yes. Thanks. Uuwi ka na ba?"

Umiling siya. "Not yet. Movie marathon muna tayo," biglang nag-ring ang phone niya kaya napunta ang atensyon namin doon. "Wait, Kali. Mommy's calling me."

Sinagot niya ang tawag saka ngumiti ng malawak sa mommy niya na nasa kabilang linya. "Hi, mom!"

"Hello, anak? Where are you?"

"I'm with Kali, mom," tinapat niya ang camera sa amin. Nahihiya naman akong kumaway sa mommy niya kaya ngumiti lang ako. "She's my friend."

"Oh, hi, Kali! Nababanggit ka sa amin ni Ryker. I heard you need an scholarship?"

"Yes po."

"Babanggitin ko ang tungkol diyan kay mama. I'm sure, she's gonna be glad na magkakaroon siya ng scholar na kaibigan ng apo niya."

"Thank you po."

"You're welcome! Sige na, anak. May gagawin pa ako. Tumawag lang ako para tanungin kung nasa'n ka. I love you, anak. See you later."

Binaba na ng mommy niya ang tawag. Naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa puso ko nang marinig ko ang mga huling sinabi ng mommy niya bago nito ibinaba ang tawag. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko kaya pumunta ako ng kusina para pakalmahin ang sarili pero napapikit ako ng mariin nang sumunod agad si Ryker sa'kin.

"Hey, you okay? Are you crying, Kali?" he asked.

Lumapit siya sa'kin at agad akong niyakap ng walang pasabi. Tuluyan na akong umiyak habang siya ay tahimik lang at hinahaplos ang likod ko, pinapatahan ako.

"Miss mo na ba ang mama mo?" tanong niya matapos kong tumahan.

"Sobra."

"It's okay to miss someone and cry for that someone," he sincerely smiled at me. "My mom can be your mom too, Kali. Pwede ko siyang pakiusapan na maki-bonding sayo so that you can feel a mother's love. I'm sure she's gonna be glad because she's been wanting a daughter since then."

Napangiti ako. "Really?"

"Really."

"Thank you for everything, Ry."

"No problem, my precious Kaliyah Jara."

Napangiti ako ng malawak dahil sa narinig. Pinakiramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. His hazel colored eyes, his perfect jaw, his thin lips, his pointed nose and thick eyebrows define his perfect face. Nag-iwas ako ng titig.

"Kukuha muna ako ng makakain natin then magmo-movie marathon na tayo," ani ko.

Tumango at ngumiti lang siya sa akin. Kumuha ako ng chips, may nakita rin akong pizza sa refrigerator kaya kinuha ko na rin at nagtimpla na rin ako ng juice. Si Ryker na ang pumili ng movie. Isang babaeng hindi maka-move on sa ex niya ang bida sa movie. Sa huli ay nagkabalikan at nagka-ayos naman ang mag-ex.

"Nagka-ex ka na?" tanong ko nang matapos na namin ang movie at pumipili na siya ng bagong panonoorin.

I got his full attention because he eventually turned his gaze to me while holding a bowl of chips. Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang sagot niya.

"Yes, before. High school sweethearts."

"Woah!" kumuha ako ng chips sa bowl na hawak niya saka isinandal muli ang katawan sa sofa. "Mind sharing the love story?"

Natatawa siyang umiling. "No, I won't tell you our love story,"

"Sige na, kaibigan mo naman ako, e!" pagpipilit ko.

"Okay, para sayo," inilapag niya muna ang remote sa lamesang nasa harap namin bago huminga ng malalim at magsimulang magkwento. "We we're grade ten when we became a couple. Bago mag-end ang school year ng grade eleven, naghiwalay kami," nagtama ang mga mata namin at napansin kong wala ng halong lungkot sa mga mata niya. Nakamove-on na siya. "Hindi kami sure sa isa't isa kaya hindi na namin tinuloy. We can't see ourselves together sa future kaya tinapos na namin. The next school year, lumipat na rin siya sa ibang bansa kaya nawalan na kami ng communication sa isa't isa."

"Bakit hindi ka nag-enter uli sa panibagong relationship after mo maka-move on?"

"‘Wag muna. Mas gusto kong mag-focus muna sa business na mamanahin 'ko para hindi ako mag-fail. Pero kung mahulog man ako uli sa isang babae, sisiguraduhin kong magiging sigurado na ako sa kanya. I wanna treat her like a queen, Kali. I want to give her everything i have or give up everything i have just to make her happy. Just for her."

Napangiti ako. "That girl must be so lucky to have you as her man."

"She is," sumubo siya ng chips bago ibinalik muli sa'kin ang tingin. "How about you? May naging boyfriend ka na?"

"Wala pa. Magagalit si papa at ayokong suwayin siya. Tingin ko, wala na ring tatanggap sa'kin pag nalaman nilang rape victim ako kasi..." pilit akong ngumiti sa kanya. "madumi na. Kahit ako nga, nandidiri sa sarili ko, e—"

"Shh," inilagay niya ang hintuturo niya sa bibig ko para mapatigil ako sa pagtuloy ng mga sasabihin ko pa. "Hindi ka madumi o kung ano man. May tatanggap sayo. Ang swerte kaya niya sayo kung sakali. Ang swerte swerte. Wag mong isipin na walang tatanggap at magmamahal sayo kasi sigurado akong meron. Sigurado akong may lalaking darating din sa buhay mo na tatanggapin ka, mamahalin ka ng sobra, proprotektahan ka at hindi kakayaning mawala ka sakanya."

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now