Kabanata 1

299 4 0
                                    

Kabanata 1
Accidental Encounter

"SAAN po kayo bababa, ma'am?" tanong ng taxi driver.

"Manong sa..." napa-face palm ako nang maalalang hindi ko natanong kay papa ang address ng bahay namin. "Diyan na lang po, manong."

Tinabi ng taxi driver ang sasakyan sa gilid. Nagbayad na ako saka bumaba na bitbit ang maleta ko. Nilabas ko mula sa shoulder bag ko ang listahan ng mga kailangan kong gawin sa Pilipinas.

First, visit mama's grave.

Second, find a stable work.

Third, find the man in your dreams.

Fourth, discover more about your past.

Ngayon ay isasama ko pang hanapin ang address ng bahay namin dahil ayoko nang istorbohin pa si papa kung di naman gano'n kaimportante. Sinulat ko sa list ko ang paghahanap sa address ng bahay.

Fifth, find the address of our house here in the Philippines.

HINIHINGAL akong umupo sa sofa ng apartment na nahanap ko. Buti na lang at may nahanap agad ako. May tutulugan na ako mamaya. Nagpahinga na muna ako. Pagkagising ko ay madilim na.

Lumabas ako ng apartment at saktong mayro'n namang karinderya sa tapat no'n. Mabilis lang akong kumain at agad ring bumalik sa apartment.

Kinabukasan, maaga akong bumangon para maghanap ng trabaho. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutan sa US ang formal attire ko para sa job interviews na pwede kong pasukan.

Hindi ako pwedeng magsayang ng oras. Kailangan ko agad ng trabaho para sa mga gagastusin ko rito habang nandito ako.

Nag-ayos ako at bago umalis ay nag-search ako ng mga kompanyang pwede kong pasukan. Nag-search ako ng limang pinakamalaking kompanya sa Manila dahil alam kong malaki ang potential kong makapasok sa mga 'yon dahil sa job experience ko.

"Hescavio Group of Companies," basa ko sa pinakaunang kompanya na nakalagay do'n. Napangiti ako dahil sa pamilyar na pangalan ng kompanya. Pwedeng nabasa ko na ang tungkol dito dati. "Ito ang unang target ko."

MATAYOG na building ang sumalubong sa'kin pagkababa ko ng taxi. Bitbit ang mga maaaring hanapin sa job interview ay pumasok ako sa kompanya.

Kakalingon ko ay may nabangga ako. Napalingon agad ako sa taong 'yon. Maganda, matangkad, mukhang mayaman at sa simple niyang ayos ay ang ganda na niya.

Thankfully, hindi ko nahulog ang mga hawak ko kundi ay magpupulot pa ako. Kumunot ang noo ng babae nang makita ng maayos ang mukha ko.

Tumagal ng ilang minuto ang titig niya sa akin kaya nagdesisyon na akong magsalita. "Nagkakilala na ba tayo before?"

Mas lalong kumunot ang noo niya sa tanong ko. Napunta ang atensyon namin sa lalaking lumapit sa babaeng nabangga ko.

"Treya, we have to go upstairs. Your kuya's are coming, c'mon," usal ng lalaking lumapit sa babae.

Nilingon no'ng Treya ang lalaki. "Wait, babe. You can already go upstairs and tell lola that i am coming. Hihintayin ko na lang sina kuya rito."

"Okay, babe,"

Umalis na ang lalaki (na tingin ko ay boyfriend ni Treya) at napunta muli sa akin ang atensyon ni Treya. I think i am older than her so yeah... better to call her at her name.

"Kailan ka pa bumalik... ate?"

She hesitated to call me ate, i can sense that. But that made my curiousity get higher. Who is she? Part ba siya ng past ko?

"Wait, miss, have we met before?"

She nodded. "Yes. Why can't you remember me?"

Umiling ako at bumuntong-hininga. "I've lost my memories years ago. An accident."

She look at me in disbelief. "How come?" napailing-iling siya at ngumiti sa'kin. "I'm Chantrea. Chantrea Hescavio. I can't believe about what are you saying but nevermind. By the way, why are you here?"

"Looking for a job."

"It's company's anniversary so there's no job interviews. Maybe you can go back-"

"Chantrea," a baritone voice spoke behind me stopping Chantrea of what she will going to say.

The guy behind me caught Chantrea's attention. "Kuya,"

I turned around to see who is this guy. Napalingon agad sa akin ang dalawang lalaki na nasa likod ko. Ang isa'y mala-anghel ang mukha at ang isa naman ay mala-badboy ang mukha. The guy who is an angel-looking was more attractive and I can't deny that. His looks was screaming something... different.

The guy turned his gaze to me. "You're here for what?" asked the angel-looking guy.

"For a job," i simply answered.

I also noticed the bodyguards who was behind them. Maybe he is the boss? Or they are the boss?

"Sorry but we're not current-" pinutol ng angel-looking guy ang sasabihin ng badboy looking guy.

"Ridge," mariing banggit ng angel-looking guy. Nagtama ang mga mata namin. "You're hired. As my secretary. Thirty five thousand a month. Your job starts tomorrow. 8 am to 6:30 pm."

Naglakad na siya kasunod sina Chantrea at yong Ridge pati ang mga bodyguards nila. Naiwan akong tulala at hindi makapaniwalang may trabaho na agad ako.

May lumapit sa aking isang babaeng nakangiti ng malawak. "I'm Ria. And you are?" nag-offer siya ng kamay na agad kong tinanggap.

"Kaliyah. Kali."

"Nice to meet you, Kali. I'm so happy for you. Alam mo bang siya yung CEO ng kompanyang to? Hindi yon nagha-hired agad agad pero ikaw, tinanggap ka agad! Yong nakita kong kausap mong babae, si Ma'am Chantrea, siya yung CEO nong clothing company ng mga Hescavio. Nag-iisa siyang babae at ang swerte niya. At yong badboy looking na si sir Ridge, kapatid ng CEO."

"Matagal ka na ba ditong nagtratrabaho?"

"Oo. Mahigit two years na."

"Oh great!"

"Break time ko. Tara sa malapit na cafe dito?"

I nodded. Nagpatianod na lamang ako sa hila niya. Great day to start my week, i guess.

"SAAN ka pala nakatira?" pagsasalitang muli ni Ria pagkarating ng in-order namin.

"Apartment. Around 20 meters away from here."

"20 meters?" i nodded. "You mean yong paupahan ni Aling Bethel?" i nodded again. "Don rin ako umuupa!"

"Talaga?"

"Oo. Ikaw siguro yung bagong lipat don?"

I took a sip at my coffee before answering. "Oo, ako nga. Kalilipat lang kahapon."

"Galing kang probinsya?"

"US."

"I knew it!" napangiti siya. "Kaya pala mukha kang yayamanin kasi galing kang Amerika."

"Mukha lang," i chuckled. "Pero hindi talaga. Kailangan ko pa ngang magtrabaho for my own needs. I can settle on America since may maganda naman akong trabaho roon pero may kailangan pa akong malaman na dito ko lang sa Pilipinas malalaman."

"Tungkol saan?"

"Sarili ko. Memories ko."

Kumunot ang noo niya. "Memories? Don't tell me..."

"Meron nga. May amnesia ako."

"Ilang taon ka ng walang memories?"

"5 years."

"Ang tagal na non pero alam mo, sana talaga makaalala ka na para maka-settle ka na sa America tapos magkaroon ng magandang buhay."

"Sana nga."

"So friends? Best friends?"

Ngumiti ako sa kanya. "Bestfriends from now on."

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now