Kabanata 12

122 4 0
                                    

Kabanata 12
Boyfriend

"LATE na late na kayo, lovebirds," agad na lumipat ang mga mata ni Vince kay Ry. "Naka-three hundred pesos na kami, Ry. Ayos lang naman iyon, 'di ba bebe boy?"

Natawa kaming lahat sa kung paano tinawag ni Vince si Ry.

Ginulo ni Ryker ang buhok ko sabay bulong ng, "Don't laugh, Kali, or else..."

"Or else what?" hinarap ko siya at matapang na sinalubong ang mga tingin niya. Hindi ako papatalo pagdating sa titigan 'no.

"Nothing," nag-iwas siya ng tingin. "Order for everyone, Vince. Damihan mo na then," kinuha niya ang wallet niya mula sa bulsa niya at nagbigay ng one thousand pesos kay Vince. "Take out mo na. Sa bahay na lang natin gawin ang project at thesis."

"VINCE, pa'no to?" tanong ko sa katabing si Vince.

"Uh, ganito," aniya saka ni-guide ako sa ginagawa.

"Hey, anong mayro'n dito?" boses ng isang lalaki kapapasok lang ang pumuno ng ingay sa malaking bahay nila Ryker.

Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaki. Naka-basketball uniform ito at may dalang gym bag. Unang tingin pa lang ay alam ko nang babaero ang lalaking 'to.

"Shut the fu—" napatigil sa pagsasalita si Ryker nang mapatingin siya sa'kin. Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Back off, Ridge. We're doing a project and a thesis."

"Wow, group study," lumipat ang mga mata nito sa akin. "New member of the squad, kuya?" lumapit ang lalaki sa akin at nag-offer ng kamay. "I'm Ridge, kuya Ryker's younger brother. One and only. How about you? Friend ka rin ba ni ku—"

"Hey, Ridge," singit ni Ryker. "She's Kali. Nililigawan ko," Ryker grabbed my wrist and stood infront of me as if he was protecting me from his younger brother. "Not my Kali, Ridge Hescavio."

"Easy, kuya. May girlfriend ako. You are so overprotective."

"I know so back off."

"Okay, okay," pagsuko ni Ridge. "Tomorrow, may laro tayo ng umaga," nilingon niya si Vince na nasa gilid niya. "Kuya Vince, bukas, ha? Eight-thirty a.m. daw."

"Okay, noted!" ani Vince.

"May laro din tayo sa hapon, Vince," ani Ry. Hindi niya pa rin binibitawan ang wrist ko kaya nagpumiglas na ako. Buti na lang at binitawan niya rin ‘yon. "Championship, Vince."

"Then, we'll attend both. Na-miss ko na ring makalaro ‘yang sina Ridge."

Tumango lang si Ryker bilang tugon. Si Ridge naman ay tumaas na. Bumalik ang tatlo sa pag-aaral habang ako ay hinarap ni Ryker 'the protective' Hescavio. Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad ‘yon mula sa bulsa ko. Nilingon ko muna si Ryker na nakakunot na ang noo bago tignan kung sino ang nag-text.

From: 09416783214
Hey, Kali. Ako yung nakabungguan mo kanina sa mall. Ellery from UST. Bukas ng 8 am, may usapan pala ang group na magkita-kita uli. Makakapunta ka ba? Itetext ko sayo ang address kung oo :)

To: 09416783214
Sure. Pupunta ako. Text me the address, Elleryyy. Tyia!

"Sino ‘yan?"

Nag-angat ako ng tingin at gaya ng inaasahan, nagtama ang mga mata namin. He was staring at me intently.

"Si Ellery. Niyaya niya kasi akong mag-join ng group for sexual abused victims na makakatulong daw sa pag-heal ng traumas ko. Bukas magkikita-kita sila kaya niyayaya niya ako. Eight a.m. daw at—"

"Sasama ka?" i nodded. "Pero may laro kami, pa'no kita masasamahan?"

"Kaya ko ng mag-isa, Ry."

"Pero—"

"Ryker," madiin kong sambit sa pangalan niya. "Kaya kong mag-isa, okay? I'll be alright. Maglalaro kayo ng basketball nina Ridge, 'di ba? Ipa-video mo na lang para mapanood ko pa rin, ha?"

"Okay, okay, pero ihahatid kita papunta."

"Yes, yes," pagpayag ko na lang para hindi na humaba ang usapan.

"YOU sure, you're gonna be okay here?" hindi ko na alam kung ilang beses ko nang narinig ang tanong na ito mula kay Ryker.

Tumango ako. "I will be okay here, Ry. Sige na, may laro pa kayo."

"Okay," napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. Niyakap pa niya ako saka paulit-ulit na hinalik-halikan ang gilid ng ulo ko. Ngumiti siya nang ibalik niya muli ang tingin sa akin. "Text me if the gathering was already done, alright?"

Tumango na lang ako bilang tugon saka pumasok na sa isang condo na tingin ko ay pagmamay-ari ng isang member ng group.

"Hi, Kali!" bati agad ni Ellery nang makapasok na ako. "Tara, nagsisimula na ‘yong sharing."

Hinila niya ako papunta sa sala ng condo. Iilang tao lang ang naroon at nakuha agad namin ang atensyon nilang lahat. Karamihan ay babae at may nakita rin akong ilang lalaki.

"Come on, Kali. Magpakilala ka muna sa kanila," ani Ellery.

Tumango ako saka ibinalik ang tingin sa mga tao. "I'm Kaliyah Veras and i am... a rape victim."

"Hi, if you don't mind me asking... sinong gumawa sayo no'n?" tanong ng isang babae.

"My dad."

"We're same. Si daddy rin ang bumaboy sa'kin," pagsasalita ng babaeng nakaupo sa sofa.

At sa ilang oras na kasama ko sila, na-realize kong kahit protektadong-protektado na sila ng mga taong mahal na mahal sila, kung mangyayari ang kababuyang nagagawa ng mga rapists ay mangyayari pa rin ang bagay na ‘yon. Wala sa edad, itsura, gender at kung sino ka ba sa buhay nila para gawin ang panggagahasa.

Nakakalungkot isipin na may ganitong mga kaso na nag-e-exist sa mundo. Nakakakilabot dahil mas lalong dumarami ang ganitong kaso na napaka-alarming. Dahil dito, mas gusto kong maging aware sa ganitong mga topics. Marami pa akong gustong alamin tungkol sa mga ganitong pangyayari.

"HI, mama. It's been a while since i visited here."

Nilapag ko ang bulaklak na binili namin ni Ry bago pumunta sa puntod ni mama. Nag-indian seat ako at gano'n din si Ryker. Iniabot niya sa'kin ang cold coffee na binili namin saka nilabas na rin ang fries.

"Mama, miss na miss na kita. Miss ko na rin si papa kahit ang sama ng mga ginawa niya sa'kin. Sana masaya ka na ng tuluyan diyan sa heaven kasi hindi na ako nagagahasa ni papa at may nag-aalaga na sa prinsesa mo," i sipped from the cold coffee we bought. "See this man beside me, ma? Siya ‘yong nag-aalaga sa'kin. Si Ryker Hescavio. Boyfriend ko, ma."

Nilipat ko ang tingin kay Ryker na gaya ng expected ay gulat na gulat. He was looking at me in disbelief while a half smile was on his lips.

"Pinakilala mo akong boyfriend mo sa mama mo?" sa wakas ay nakapagsalita rin siya.

Tumango ako saka ngumiti ng malawak. "Yes. You're not my suitor anymore, Ry. Boyfriend na kita simula ngayon."

"Wait, imma get something important," aniya saka dali-daling pumunta sa kotse niya. "For you, baby," sabi niya saka ibinigay sa'kin ang bouquet at inilapag sa harap ko ang isang malaking regalo.

Agad kong binuksan ang regalo at tumambad sakin ang isang malaking box. Pagkabukas ko ng box ay tumambad sa'kin ang mga libro.

"Tatanungin sana kita sa harap ng puntod ng mama mo kung pwede na ba kitang maging girlfriend pero naunahan mo ako," he let out a chuckle. "The bouquet of tulips. Naalala ko kasing favorite flower mo ang tulips kaya ‘yan ‘yong binili ko. Dinagdag ko na rin ‘yong books ni Taylor Jenkins Reid dahil lately, alam kong nagbabasa ka ng novels niya sa cellphone mo. Ayokong sumakit ‘yong mata mo due to too much explosure on phone especially pag nagugustuhan mo na ‘yong story kaya bumili na ako ng books niya. I've bought all her books for you."

"Thank you so much, Ry," sinserong sabi ko. "Thank you for all the efforts, for the gifts and for the bouquet."

"All for you, my favorite girl. All for my precious Kaliyah Jara. My Jara," lumapit siya lalo sa akin saka hinalikan ako sa noo. "I love you, Kali,"

"I love you so much, Ry."

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now