Kabanata 45
Fairytale"MATULOG ka na rito, Kaliyah."
Sinalubong ako ni Ryker saka agad na kinuha ang mga dala kong paper bags na naglalaman ng mga pinamili ko.
"Iwan mo na yan dito, anak. Si manang na ang mag-aayos niyan. Tumaas na kayo ni Kaliyah sa kwarto mo at para makapagpahinga na rin ‘yang girlfriend mo."
"Mom, pwede namang sa guest room—"
"Mas maganda kapag katabi mo siyang matulog. Kung may gagawin man kayong milagro, mas maganda—"
"Mom!" angal ni Ryker.
Tumawa ako. "I'm okay at your room, Ry."
He look at me. "Are you sure, baby?"
"Yes," nilingon ko si mama na nakangiti saming dalawa ni Ry. "Taas na po kami, ma."
"Sige, goodnight! Advance na lang kung may gagawin pa kayo bago matulog—"
"Mom, stop it!" inis na sabi ni Ryker. Nang lingunin ko si Ryker ay nakasimangot na siya.
Tumawa kaming dalawa ni mama. "Sige, ma. Goodnight po."
Hinila ko na papuntang hagdan si Ry para makataas na kami mula sa pang-aasar ni mama at para makapagpahinga na rin. Pagkasara ni Ry ng pintuan ay humiga agad ako.
"Let's go. Gawa tayo ng milagro—"
"Pati ba naman ikaw, mahal? Stop it. I know you're not ready to do it."
"Joke lang, e! Propose ka muna," pabiro kong iniabot sakanya ang kamay ko pero halos mawalan ako ng ulirat sa gulat ng may ilabas siyang singsing at agad na nilagay 'to sa ring finger ko.
"Ayan. Wala ng atrasan. Marry me then..."
"Wait. Totoo ba 'to or..."
"Totoo ‘yan, mahal. Laging naka ready ‘yang ring na ‘yan incase makahanap ako ng tyempo because i want it intimate kasi may high chance na mataranta ka kapag maraming tao ang nakatingin sa'tin o sayo habang nagp-propose ako. You'll say yes naman, hindi ba? Or you want a take 2?"
"I want a take 2," request ko. Tinanggal ko sa daliri ko ang singsing saka ibinalik sakanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumuhod siya sa harap ko. Wala na akong nagawa kundi pumunta sa edge ng kama para makita ko siya ng maayos.
"I've been your knight in shining armor since college. College pa lang tayo, siguradong-sigurado na ako sayo. Kaya nga noong may kakayanan na tayo para magpakasal, hindi na ako nagdalawang-isip pero nasaktan ako ng sobra ng hindi ka sumipot. Galit na galit ako sayo pero deep inside, umaasa akong magpapaliwanag ka pa rin. Nang patuloy na lumalim muli ang pagmamahal ko para sayo, napagdesisyonan kong mag-propose na sayo. Marami tayong nasayang na taon, mahal ko. This time, this will be our happy ending. For the second time, Kali, will you marry me?"
Nagpunas ako ng luhang hindi ko napansing tumutulo na pala. "Yes, yes! I'll marry you, Ry."
Tumayo siya at sinuot ang singsing sa daliri ko. Niyakap niya ako at maya maya ay napansin kong namamasa ang sa bandang balikat ko.
"Hey, bakit ka umiiyak?" tanong ko habang natatawa.
Kumalas siya sa yakap saka pinunasan ang mga luha niya. "I'm happy, bakit ba? Mapapakasalan na talaga kita this time."
"Mahal kita, Ry."
"Mahal na mahal din kita, Kali."
Our first i love you's to each other after eleven years.
![](https://img.wattpad.com/cover/289858390-288-k311224.jpg)
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...