Kabanata 20
HellMAAGA akong pumasok sa opisina. Naabutan ko na roon ang boss ko na nakaupo sa swivel chair niya at nagbabasa ng dokumentong nasa harap niya.
"Good morning, boss," bati ko.
Pinasalamatan ko ng lihim ang sarili dahil hindi ako nautal. Pinipiga ang puso ko at mas lalong tumindi ang kirot sa puso ko nang lingunin niya ako. Nagtagpo ang mga mata namin kaya napalunok ako ng ilang beses. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ay ang sakit na walang kapantay.
Ang lalaking ito na dating hawak ko ay hawak na ng iba ngayon.
He smiled that made my knees more weaker. "Good morning, Kali."
Walang good sa morning, Ryker.
Lumabas na agad ako ng opisina niya dahil hindi ko na kayang manatili pa sa loob. Sinalubong ako ni Ria na sabik na sabik makita ako.
"Bakit ka umalis agad? Ang ganda kaya ng birthday celebration ni madam! Naghalikan pa ang mag-fiance sa harap ng stage!"
Nag-iwas ako ng tingin saka napapikit ako ng mariin. Nagbadya ang mga luha mula sa mga mata ko pero hindi ko sila hinayaang tumulo.
Hindi muna ngayon. Hindi pwedeng bumigay ako ngayon. Hindi sa harap ni Ria o ng kahit sa sino man.
I turned back my gaze to Ria. "T-Talaga?" pilit kong sabi.
"Oo. Ang ganda ni ma'am Camille 'no?"
I nodded, telling that i agree with her. "Yes, she is. She... She is my biggest insecurity."
"Maganda ka rin naman pero simple lang. ‘Yung kay ma'am Camille, nasobrahan," she laughed. "Bagay na bagay niyang maging Hescavio."
"Oo nga," tugon ko.
Sa bawat minuto ay lalong nadudurog ang puso ko. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko at ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Umupo ako sa swivel chair ko para hindi tuluyang bumagsak ang mga tuhod ko.
"Alam mo ba, may runaway bride ‘yang si sir Ryker," aniya. "Sayang ‘yon. Ang swerte na niya kasi sobrang ideal ng boss natin pero tinakbuhan niya pa sa kasal. Sana nga hindi na bumalik ‘yon para hindi na siya makagulo pa."
There, Kali.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha mula sa bag ko ang resignation letter na hinanda ni Elle kung sakaling gusto ko na raw mag-resign sa trabaho. Pumasok agad ako sa opisina ng boss namin. Busy siya sa pagbabasa ng mga dokumento pero napaangat ang tingin niya nang maramdamang may taong pumasok.
"Kali?"
Tumango ako saka tipid na ngumiti. Nilapag ko ang resignation letter sa lamesa niya na ikinagulat niya. Agad niya iyong kinuha at binuksan.
"Magreresign ka na? Bakit?" puno ng pagtataka ang boses niya.
Napalunok ako at humugot ng lakas bago sumagot sa tanong niya.
"Yes, sir. May past tayo at ngayong alam ko ng may fiance ka na, i should distance myself from the both of you. I ran away from the wedding and i didn't gave you such a clear reason why. Honestly, hindi ko pa rin alam kung bakit tumakbo ako mula sa kasal but you know what, it was a good thing. Atleast, you had the chance to be together again," napatango-tango ako. "Bagay kayo," nagpakita ako ng pilit na ngiti. "Bagay na bagay."
"Kali, you don't need to do this. You can't lost your job."
"I can find another work on other companies, boss. I will be alright, thank you for your concern but i am just your secretary and you, as a boss, should not have the extra care for your secretary."
"Kali—"
"Wag na tayong maglokohan, Ryker. Ano ba? Nasaktan mo na ako, ano pa ba ang gusto mo?! Nakaganti ka na sa ginawa kong pagtakbo mula sa kasal! 'Wag mo na akong paasahin sa bagay na hinding-hindi na mangyayari uli."
I stopped my tears from falling. Malalalim na ang paghinga ko at nakakuyom na rin ang kamao ko.
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Tell me, Ry. Kulang pa ba, ha? Kulang pa ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Gaano katindi ang ganting gusto mong gawin sakin?"
Umiling siya. "Ayokong nakakasakit ng tao, Kali lalo na kung ikaw dahil kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin tayo. Kung gusto mo talagang mag-resign, hindi na kita pipigilan. Mahal na mahal ko si Camille, Kali," he smiled. "Ingat ka. I'm still here if you need me lalo na kung laban sa papa mo. This is going be your last day on your work, Kali."
"Hey, love! Hinihintay ka na sa conference room for the meeting," pagsasalita ng isang babae pagkapasok ng opisina. Inayos ko agad ang sarili ko nang mabosesang si ma'am Camille ‘yon.
Niyakap at hinalikan niya si Ryker sa labi na dumurog agad sa puso ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan at nangapa sa kung ano ang dapat gawin. Napalunok ako ng ilang beses habang pinipigilan ang mga luhang handa nang tumulo ano mang oras.
When he grabbed Camille's waist and pulled her closer to him, i lost my mind. Dali-dali akong lumabas ng opisina ni Ryker at dumiretso sa cr ng third floor ng kompanya. Pagkapasok ko ay humagulgol ako habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.
"It's okay, Kaliyah. Okay lang ‘yon," i comforted myself while wiping my tears. "Okay lang kung miserable ang buhay mo, Kali. Okay lang kung nasasaktan ka ngayon," i forced a smile. "You still have Elle, Chance, Ria and yourself. Kali, it's okay."
"Kali? Nasa loob ka ba? May tumatawag kasi sa cellphone mo!" boses iyon ni Ria mula sa labas ng cr.
Inayos ko ang sarili ko bago ako naglakas loob buksan ang pintuan ng restroom para masagot ko ang tawag sa'kin. Lumabas ako at pumunta sa office desk ko para kunin ang cellphone ko.
Calling...
Elle"Hello, Elle?" pagsagot ko sa tawag.
"H-Hello, this is her m-mom. Nakita ko ang pangalan mo sa contacts ng anak ko and i somehow remember your name so i called. She's confined in hospital right now."
"W-Why?! What happened po?"
Elle's mom took a deep breath before she answered me. "She got into a car accident. Critical pa ang kondisyon niya but hopefully, maging maayos na rin siya agad."
"Sige po, salamat po. Pupunta na lang po ako diyan mamaya o bukas."
Binaba ko na ang tawag. Napaupo ako sa office chair ko. Napahilamos sa mukha at di na napigilang umiyak muli. Ang sikip sa dibdib. Parang pinipiga ang puso ko at tinutusok ng kung anong matalim na bagay iyon.
Bakit kailangang mapahamak lahat ng taong malapit sa'kin? Kasalanan ko ba lahat ng nangyayari? Dahil ba salot ako sa buhay ng mga taong nasa paligid ko kaya napapahamak sila?
Una, si mama. She died because she choose me. She decided that i should live kahit alam niyang mapapahamak ang health niya. Pangalawa, si Soreen. I failed to be a good friend to her. Hindi ko siya na-comfort nung kailangan niya ako. I failed to protect her. Pangatlo, si Ellery. I failed to protect her too.
This is all my fault.
Umiyak lang ako nang umiyak ng hindi pinapansin ang mga taong makarinig ng hikbi ko.
Damn, this is hell, Kaliyah Jara.
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomantizmKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...