Kabanata 2
First dayMAAGA akong gumising kinabukasan. 7:30 am ay nasa kompanya na ako. Naabutan ko na sa opisina niya ang CEO, ‘yong angel looking guy. Maingat akong pumasok sa loob ng opisina niya.
"Good morning, sir," bati ko.
"There's no good at this morning," masungit niyang sabi. "Sign this contract."
Agad akong lumapit sa office table niya para pirmahan ang kontrata. Pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya at naghintay ng susunod niyang utos.
One his eyebrows was raised when he look at me. "What are you waiting for? Bumili ka ng kape."
"Okay, sir."
Mabilis naman akong nakabalik pero nang ibibigay ko na sakanya ang kape ay tinaasan niya lang muli ako ng kilay.
"Hindi ganyang klaseng kape, Kaliyah Jara Veras. You know my favorite, right? Iyon ang bilhin mo."
Kumunot ang noo ko. Una, para sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko at pangalawa ay kung pano niya nasabing alam ko ang favorite niyang kape. First day ko pa lang at kakakilala niya pa lang sa'kin. Gano'n din ako sakanya kaya paano?
"Ano pong favorite coffee niyo?"
"Don't be dumb, Kaliyah," mariin niyang sabi. "I know that you will never forget that."
Pilit akong ngumiti sa kanya. Pinigilan ko ang sariling umiyak sa harapan ng lalaking 'to. "First of all, I'm not dumb. Second, I can't remember anything. May amnesia po ako, sir. I was involved in a car accident years ago. Kung ano man po ang favorite niyong kape, pakisabi nalang po dahil kahit small details tungkol sayo... kung part ka man po ng past ko, wala na akong maalala."
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Pinanood ko siyang lumapit sa akin na nakatiim-bagang, umiigting ang panga at masama ang tingin sa akin. Lumapit siya nang lumapit habang ako ay umatras nang umatras. Nang lumapat na ang likod ko sa pader ay napapikit ako ng mariin at kumuyom ang mga kamao ko.
Dumilat ako at nagtama ang mga mata namin. Nabasa ko ang galit sa mga mata niya pero bakit? Anong nagawa ko o nasabi kong masama?
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Look, what we have here. A joker," he even emphasized the word 'joker'. "Amnesia? Really? After what you've did to me?"
Napalunok ako. Ito na ‘yon. Baka part talaga siya ng past ko at baka matulungan niya ako. "Part ka ng past ko, di ba? Baka matulungan mo akong malaman—"
"You're just pretending, right?" umiling ako dahilan para tumawa siya ng walang buhay. "Kaliyah, come on. I can give you money if you want. Kung ‘yon ang pakay mo sa pagbabalik mo."
"Money?" napakunot ang noo ko. Tumataas lalo ang curiousity ko dahil sa mga sinasabi niya.
Am i gold digger on my past?
"Yes. Money for you to stop pestering my life, Kali."
"I am not doing anything, sir."
"Liar," mariin niyang sabi. "The coffee on the nearest cafe shop. Bumili ka," aniya saka tinalikuran na niya ako.
NANG nakababa na ako para bumili ng sinabing kape ng boss kong masungit ay nakasalubong ko si Ria.
"Saan ka pupunta?"
"Sa malapit na cafe. Nagpapabili ng kape ‘yong boss ko."
"Sinusungitan ka, ano?"
"Oo," sumimangot ako. "Sobrang sungit."
Natawa si Ria. "Masanay ka na don. Ganon talaga siya simula nung tinak—"
"Good morning, madam!" bati ng mga empleyado sa isang matandang babae na may kasamang bodyguards na nakasunod sakanya.
Tumabi ako nang makitang sa pwesto ko dadaan ang matandang babae para makapasok sa elevator.
"Kaliyah," banggit ng matandang babae sa pangalan ko. Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwalang kilala niya ako. "The news was true. You are my grandson's new secretary," hinarap niya ako. "I am Arianne Hescavio, the CEO's grandmother. I am happy to see you again, Kali."
"Have we met before, madam?"
Gaya ng reaksyon ng ibang tinanong ko nito ay kumunot din ang noo ni madam Arianne. "Anong klaseng tanong ‘yan, Kaliyah? Of course we had met before."
Napayuko ako sabay sabi ng, "I'm sorry, madam but I can't remember anyone. Naka-encounter ko na po sina ma'am Chantrea Hescavio, sir Ridge Hescavio at sir Ryker Hescavio, the CEO, and they have the same reactions as yours po."
Nag-angat ako ng tingin at bumungad sakin ang ngiti ng matanda. "Next next month will be my birthday. I want you to be there, Kaliyah."
Nginitian ko rin ang matanda. "I will come po."
"KANINA ka pa umalis at ngayon ka lang nakabalik?! Pa'no ko pa maiinom ‘yan?! First day na first day mo, tanga ka agad!" Galit na galit na sigaw ng boss ko pagkapasok ko sa opisina niya.
Napapikit ako ng mariin at napabuntong-hininga. "Nakasalubong ko po ang lola niyo bago pa man ako makaalis sa building at makapunta sa pinakamalapit na cafe. Nagkausap pa po kami kaya natagalan po ako. Pagkarating ko naman sa cafe, may lumapit sa aking isang lalaki at binastos ako. Kung iintindihin niyo ng mabuti, wala po akong kasalanan kung bakit ngayon lang ako at hindi niyo maiinom ‘yang kape niyo. Hindi ako tanga at hindi magiging tanga, sir."
"Binastos ka? Anong ginawa sayo?"
Our gaze met and i can sense the concern in his eyes. Napalunok ako.
"He atttempted to..." bumuga ako ng malalim na hininga. "kiss me."
Malalim na buntong-hininga at ang pagkabasag ng babasaging bagay ang tanging narinig ko.
"Hello, Mr. Moncero? May kailangan akong ipa-imbestiga. Yes. Let's talk later at my house. Yes, thank you," after putting down his phone, his gaze turned to me, again. "You can now leave my office but please, I don't want this to happen again."
"Yes, sir."
"BAKA may connection ka talaga sa mga Hescavio sa past mo! Dapat mapalapit ka lalo sa boss mo para makaalala ka!" suggestion ni Ria.
I crossed my arms and rolled my eyes. "On my first day, Ria, he just called me dumb and stupid! How the fuck i am going to be close with him? He's a... argh! I hate it, Ria. I hate him."
"You better think about my suggestion! Mauuna na ako! Bye, Kali!" she waved a goodbye before she entered the taxi.
Napatingin ako sa wristwatch ko at medyo late na pala pero kailangan ko pang bumili ng makakain ko. Bumuhos ang malakas na ulan bago pa man ako makapara ng taxi.
"Argh! Wrong timing naman, e!"
"Ano pang ginagawa mo dito? Gabi na," boses ng isang taong hindi ko inaasahang maririnig ko ngayong gabi.
Binalingan ko siya nang nakasimangot. "Hindi ba obvious, sir? Malakas na ang ulan so paano po ako makakapara ng taxi e wala akong payong? Saka kailangan ko pa pong bumili ng makakain ko."
"Sumunod ka sa'kin. Ihahatid kita pauwi."
Umupo muna ako sa pinakamalapit na upuan at umaasang may dumaang taxi ng hindi pinapansin ang boss ko. Nabigla ako nang tumabi siya sa'kin.
"You don't want a ride with me, huh?" aniya.
Nanatili lamang akong tahimik. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako roon. Kasabay ng pagsakit ay ang paglabas ng isang alaala sa utak ko.
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
Storie d'amoreKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...