Kabanata 25

102 4 0
                                    

Kabanata 25
Unfulfilled plans

TUMANGO ako saka tipid na ngumiti. "Babagay naman sayo lahat nang isusuot mo, e. I love the design of the gown, Camille. You have a good taste when it comes to fashion, i guess."

"I agree to Kaliyah, hon. The gown fits you well," singit ni Ryker sa usapan. Hinapit niya ang bewang ni Camille palapit sakanya saka hinalikan niya ang babae sa noo. Napangiti naman ng malawak si Camille sa ginawa ni Ryker.

"Talaga?" ani Camille.

Hinarap ko na ang magsusukat ng gown ko para maiwasan kong tuluyang umiyak. Bumuga ako ng hininga habang pinipigilan ang mga luhang malapit nang tumulo.

Masakit makita ang mga bagay na ginagawa niya kay Camille na ginagawa niya rin sa'kin noon. Pinipiga ang puso ko sa katotohanang hindi na ako ang ginagawan niya ng mga gano'ng simple gestures kundi ang mapapangasawa na niya. Hindi na uli magiging ako dahil may Camille na siya.

Siguro ay wala na akong choice kundi palayain siya at tanggapin ng buong-buo na hindi si Ryker ang para sa'kin. Hindi ang pagiging Hescavio ang kapalaran ko dahil minsan, kahit gaano kaplanado ang mga bagay bagay sa buhay mo, isang desisyon lang ay mababago ang lahat.

Some plans aren't meant to be fulfilled nor pusued. Some plans doesn't fit our lives that's why it needed to be removed. It wasn't healthy for us anymore. It doesn't help us anymore.

Ang plano ko sa buhay ay ang makasal sa isang Ryker Hescavio pero sa isang pagkakamali lang ni papa, nabago no'n ang buong buhay ko. Now, i have to live my life to the fullest without the man i love the most. It was torturing me emotionally and mentally... and maybe even physically but I can't do anything but to accept the truth. Acceptance is the key for me to be truly free from the past.

Buti na lang ay mabilis nang natapos ang pagsusukat at makakauwi na ako. Bago pa ako makalabas ng tuluyan ay sumunod sa pag-alis ko si Chantrea.

"Kuya Ridge, una na 'ko, ha? Sabay na ako kay ate Kaliyah. Magha-hangout kami! Bye!" paalam ni Chantrea bago kami tuluyang lumabas.

Nalilito man ay sumunod na lang ako sakanya. Pumasok siya sa driver's seat ng isang kotse kaya pumasok na rin ako at umupo sa passenger seat.

"Kotse mo 'to? Saka saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya habang inaayos niya ang seatbelt niya.

"Yes, ate. Kotse ko 'to. May hangout kasi kami ng friends ko kaya isasama na lang po kita. Invite mo na rin friends mo, ate! Sagot ni lola lahat ng gastusin, e."

"Talaga?"

She nodded. Nagsimulang umandar ang kotse niya habang ako ay ni-text si Ellery at Chance para masabihan sila.

To: Elle
Gusto mong mag-join ng hangout? Niyaya ako ng pinsan ni Ryker. Sa lola raw nila ang gastos kaya di na kailangan mag-ambag o kung ano. Please join naaaa!!! Para may kasama ako. Pls, Atty. Elleryyyy!!!

From: Elle
okayyy, I'll join. Text me the address. I'll be right there after 20 minutes.

"Anong address, Treya?"

Agad naman akong sinagot ni Treya kaya naka-reply agad ako kay Elle. Sunod ko namang minessage si Chance.

To: sir Chance
Hi, sir Chance!

From: sir Chance
sir Chance my ass

Lihim akong napangiti sa reply niya. Alam kong ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang sir lalo na at wala na ako sa kompanya nila.

To: sir Chance
Are u busy?

From: sir Chance
Nope. Not that busy, Kal

To: sir Chance
Wanna join a hangout? Nagyaya kasi yung pinsan ni Ryker, e.

From: sir Chance
Sure. Be there after 15 minutes, i guess. Text me the add, Kal

Ni-reply ko agad sakanya ang address saka nakangiti na itinuon ang atensyon sa daan. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa nakarating kami sa isang hotel. Unang tingin pa lang, alam ko ng hotel ‘yon nina Treya dahil mabilis na paglapit ng mga bodyguards niya na nag-aabang sa harap ng hotel.

"Sino nagpapunta sainyo dito? Sinabi ko ng walang bodyguard ngayong araw because we have a hangout. I don't need protection around my friends," bungad niyang sinabi pagkababa namin sa sasakyan niya.

"Si sir Ridge, ma'am," sagot ng isang bodyguard.

"Mommy!" tawag niya sa isang babaeng palapit sa amin. "Mom, ngayon po ‘yong hangout namin nina Nia pero nagpadala si kuya Ridge ng bodyguards," sumbong niya saka sumimangot pa si Chantrea para siguro paalisin ng mommy niya ang mga bodyguards.

Inilipat ng mommy ni Chantrea ang mga tingin sa mga bodyguard sabay sabing, "Bumalik na kayo sa bahay. Okay na si Chantrea dito sa hotel."

Magalang namang tumango ang mga ito saka sumakay na sa van na katabi lang ng kotse ni Chantrea. Namilog ang mga mata ko nang hawakan ni Chantrea ang wrist ko at hilain palapit sakanila ng mommy niya.

"Mom, sinama ko si ate Kali sa hangout then sasama rin po ‘yong friends niya!" galak na sabi ni Chantrea sa ina.

Hindi ko inaasahang ngingiti ang mommy ni Chantrea sa idea na ‘yon. "That's good. Buti nga at close mo pa rin si Kali," Chantrea's mom look at me and said, "How are you, Kali? It's been a while. I hope you're okay already. Ryker's getting married, how about you?"

"I'm okay po and I'm really happy for Ryker. I don't have any plans on getting married sa ngayon po but if you don't mind me asking po, hindi po ba kayo galit sa akin dahil sa nangyari noon?"

Mabilis na umiling ang mommy ni Chantrea. "Anong karapatan kong magalit sayo? I know you have a concrete and valid reason why you ran away from the wedding. You should tell Ryker so that he will have the chance to forgive you before he marry Camille."

"I will po,"

"I hope you find your own happiness, Kaliyah," nilingon niya ang anak saka matamang ngumiti. "Anak, mauna na ko. Hinahanap na ako ng daddy mo."

Tumango lang si Chantrea. Pagkatapos no'n ay umakyat na rin kami sa designated room na para sa hangout. Pinakilala sa'kin ni Chantrea lahat ng kaibigan niya pati na ang boyfriend niya na kasama rin pala. Dumating din naman si Ellery at Chance gaya nang sabi nila. Pinakilala ko rin ang dalawa kina Chantrea at sa mga kaibigan nito.

Nag-dinner muna kami sa hotel room saka tumaas sa rooftop para doon talaga mag-hangout. May videoke na para sa amin saka may iba't ibang uri na rin ng alak. Pinili ko lang ang light drink para di ako gaanong malasing.

"Chance, pwedeng pasama sa convenience store sa baba? Bibili lang ako ng chips for us," ani ko.

Tumango naman si Chance saka tumayo na para sumunod sa akin pababa. Naglakad na lang kami dahil sobrang lapit lang naman. Napansin ko kasi ang convenience store kanina kaya naisipan 'kong bumili ng chips para sa amin dahil ubos na ang biniling chips kanina.

"Di na ako papasok, Kali. Hintayin na lang kita dito. If you need help, nandito lang ako sa labas."

Ngumiti at tumango ako kay Chance saka pumasok na sa convenience store. Busy ako sa pangunguha ng mga chips ng may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Kaliyah," nilingon ko ang taong tumawag sa'kin. "Ikaw nga!"

"Uh, bayaran ko lang 'to tapos after pwede ba tayong mag-usap? May sasabihin lang sana ako."

"Oh sure!" walang pag-aalinlangang pagpayag nito.

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now