Kabanata 24
Bridal gown"LEARN to appreciate that, anak," ani mama.
Tumango ako at ngumiti kay mama. "Yes, mama. I will appreciate that."
"Kailangan ko nang umalis, anak—"
Pinutol ko ang mga sasabihin ni mama sa pamamagitan ng mahigpit na pagyakap sakanya at paghagulgol.
"M-Mama, pa'no po maghe-heal ‘yung puso ko mula sa sakit na dulot ng kasal ni Ryker. Mahal ko pa rin siya, mama, and it hurts me a lot na ikakasal na siya sa iba. Dapat ako ‘yon, e. Dapat ako ‘yung ihaharap niya sa altar, ako dapat ‘yung magiging Hescavio niya, ako dapat ‘yung magiging asawa niya. Ako dapat ‘yon lahat, mama, e. Ang daya ni papa, ma. Pinagkait niya lahat ‘yon mula sakin."
"Mayro'ng mga sitwasyong mapapasabi tayo ng "ako dapat ‘yon" o "ako ‘yung may deserve no'n, e" pero anak, hindi lahat ng bagay, sayo at ikaw lang ang makakadeserve. I know it hurts a lot but try to understand why this is all happening. Baka makakilala ka pa ng lalaking para sayo talaga, anak. Baka hindi lang ngayon. Hindi pa ngayon dahil kailangan mo pang ayusin ang sarili mo,"
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap sakanya. "Anak, hindi pwedeng wasak ka kapag nakilala mo na talaga ‘yung para sayo. Hindi pwedeng mahal mo pa si Ryker at hindi mo pa tanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa. Alam kong masakit, Kaliyah, pero kailangan mong itatak sa utak mo na hindi para sayo si Ryker..." bumuntong-hininga si mama bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Para siya sa fiance niya ngayon, anak."
Tumango ako ng paulit-ulit. Paulit-ulit ko din na tinatatak ko sa utak ko na tama ang mga sinasabi ni mama.
Ngumiti ako kay mama for the last time. "Bye, mama. Mahal na mahal po kita. At this time, hindi na po kita kakalimutan. I'm so proud to be your daughter, mama."
"Mahal na mahal kita, Kaliyah. I'm proud to be your mother, too," she smiled. "I don't know that i will bear a child who's a brave woman. Ipakulong mo ang papa mo kung kinakailangan, anak. Bigyan mo ng hustisya ang sarili mo. Saka may naiwan pang bahay sa La Union, anak. Bahay namin ‘yon ng lola at lolo mo. Guzman. Sikat ang mga Guzman doon, anak. Sa lalagyang kahoy, may isang papel do'n. ‘Yon ang full address ng bahay. Nakapangalan na sayo ‘yon, anak. Sinecure ko ‘yon bago ako nawala. Tirahan mo ang bahay at ibenta mo ang bahay natin para makapagsimula ka uli. Nakapangalan sayo ang titulo ng bahay, anak."
"Pa'no po, mama? Ang alam ko po ay kay papa nakapangalan ang titulo."
"Nilipat na niya sayo noong maaksidente ka. Siguro ay dala ng konsensiya niya. Naniniwala ako sayo lagi, Kaliyah. Alam kong kaya mong lampasan ang heartbreak mo kay Ryker, hmm?" i nod. "Aalis na ako, Kaliyah ko. Sobrang saya ko ngayong nayakap na kita. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, mama."
NAGISING ako sa kalabog sa bandang bubong. Sa panaginip ko lang pala nakausap si mama pero ang mahalaga, nakausap ko pa rin siya. Agad kong ni-check ang papel na sinasabi ni mama na agad ko namang nakita. Namangha pa akong totoo ngang may naiwan pang bahay sina lola at lolo gaya ng sabi ni mama sa akin. Tinago ko sa wallet ko ang kapirasong papel.
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Nilagay ko sa loob ng lalagyan ang teddy bear saka kinuha na ito para makabalik na ko sa condo. One hour from now, kailangan kong pumunta sa lugar kung saan magpapasukat ng gown para sa kasal nila Ryker. Kinuha nila kasi ako bilang isa sa bridesmaid nila.
Mabilis lumipas ang oras. Namalayan ko na lang na nasa harap na 'ko ng isang sikat na boutique kung saan kami magpapasukat. Napangiti ako ng mapait saka napapikit ng mariin bago nagdesisyong pumasok sa loob. Bawat hakbang, bumibigat. Pinipiga ang puso ko sa sakit na nagiging dahilan para hindi maging maayos ang paghinga ko.
Dumagdag pa ang naabutan 'kong scenario sa loob. Inaayos ni Ryker ang sinusukat ni Camille na gown. Nagtatawanan silang dalawa habang ang mga pinsan ni Ryker at ang isang pamilyar na lalaki ay nakaupo sa gilid.
Bago pa tumulo ang mga luha ko ay tumangay muna ako saglit, nagkukunwaring napuwing. Agad na lumapit sa'kin si Chantrea. Hinila niya ako palabas at pinapasok sa pagkakaalam ko ay kotse niya.
"Ate," mahinhin niyang tawag.
"I'm sorry," sambit ko habang nagpupunas ng luha. "Masakit kasi, e,"
"It's okay to cry, ate," aniya sabay abot ng panyo sa akin. Dali-dali ko namang ginamit ‘yon bilang pampunas ng luha ko. "Pull yourself together, ate. Hindi pwedeng maging mahina ka sa harap nilang dalawa. To be honest, i don't really like ate Camille for kuya."
Do'n niya nakuha ang buong atensyon ko. Kumunot ang noo ko sabay sabi ng, "Huh? Bakit naman?"
"Di ko rin alam, ate," she chuckled. "Mabait naman na siya ngayon pero pakiramdam ko, may tinatago pa rin siyang masamang ugali. Gustong-gusto ko nang sabihin kay kuya ‘yung reason, ate, pero dahil sabi mong 'wag kong sabihin, hindi ko sasabihin, ate Kali."
Ngumiti ako ng pilit sakanya. "Thank you, Treya."
"Tara na sa labas, ate. Sasabihin ko na lang sa nagsusukat na unahin ka na para di ka na matorture sa dalawa. Ako ang bahala sayo, ate Kali," aniya saka ngumiti sa'kin.
Pumasok muli kami ng boutique at hinila niya agad ako palapit sa nagsusukat.
"Uh, miss, excuse me," ani Chantrea. Inaayos ng nagsusukat ang gown ni Camille pero mabilis niyang nilingon si Chantrea nang magsalita 'to. "Pwedeng pauna si ate Kali? Isa po siya sa bridesmaids. May importante pa kasi siyang gagawin."
"Sure," nakangiting sinabi ng babaeng nasa mid-40's.
"Kaliyah," rinig kong tawag ng kung sino sa gilid ko. Mabilis akong lumingon sa tumawag sa'kin at halos atakihin ako sa puso nang malamang si Camille pala. "Kaliyah, tama? Ex-fiance ng fiance ko?"
"Uh, yes. Kaliyah Veras," pakilala ko.
She genuinely smiled at me. Sa pagkakataong ‘yon, parang gumuho lahat ng akala kong magiging masama siyang asawa kay Ryker dahil hindi. Kitang-kita sa mga mata at ngiti niya ang genuineness.
"Bagay ba sa'kin 'tong bridal gown?" tanong niya sabay hawak sa magkabilang gilid ng gown saka siya umikot habang nangingiti.
Sa scenario'ng ‘yun, bumalik sa'kin ang isang alaala. Alaalang hanggang alaala na lang.
"BAGAY kaya sa'kin 'to? Baka pag naglalakad na ako sa aisle, hindi pala bagay tapos pagtatawanan ako ng mga—"
"Baby," malambing na sambit ni Ryker. Niyakap niya ako mula sa likuran saka hinalikan ang balikat ko. Ipinatong niya ang gwapo niyang mukha sa balikat ko saka ngumiti ng malawak sa'kin. Kita ang repleksyon naming dalawa dahil nasa harap kami ng malaking salamin sa loob ng isang sikat na boutique. "Stop worrying about how you look, okay? Lahat ng bridal gowns, bagay sayo. Lahat maganda dahil ano namang hindi babagay sa fiance ko na napakaganda, ha?"
"Nambola ka pa!" sabi ko sabay irap sakanya.
"That's the truth, baby," hinalikan niya ako sa pisngi at nagtitigan kami ng ilang minuto sa repleksyon namin sa salamin bago siya muling nagsalita. "Mahal na mahal kita, Kali. Anuman ang maging itsura mo sa kasal natin, hindi magbabago ang isip ko at babawiin ang magiging 'I do, Father' ko. Ikaw at ikaw pa rin ang papakasalan ko."
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...