Kabanata 44
Drunk thoughts"ATE, baka gusto mo ng wine lang? Para di ka malasing," singit ni Chantrea nang makaramdam na ng tensyon sa titigan namin ni Ry.
"No, thanks. I think I'm fine with this drink," pagtanggi ko saka sinimulan nang inumin ang alak na nasa basong hawak ko.
Wala ng nagawa si Ryker kundi hayaan akong uminom. Nalaman kong vodka pala ‘yun kaya nakailang baso pa lang ako ay nagsimula na akong mahilo.
"Kailan niyo balak magpakasal, Treya?" tanong ko, out of nowhere.
Napunta ang atensyon sa'kin ni Treya saka ngumiti siya sakin. "We're planning it already, ate. Baka by the end of the year, married na kami. We're financially stable naman na and the next month or for the next two months after the marriage, i want to be pregnant already."
"Woah, another baby," ani ko.
Tumawa si Treya. "Yes, ate, yes! I want a baby girl din just like ate Chai. Kayo ba? Kailan ba kayo magkaka-baby, ha? Tagal na kayang hinihintay ni lola si kuya Ryker na magkaroon ng baby."
"Next year," diretsong sagot ko.
Halos lahat nang nakarinig ay napasinghap lalong-lalo na si Ryker.
"H-Hey, i think you're just drunk, baby," singit ni Ryker sabay halakhak.
"No, I'm fucking serious!"
Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan ng rooftop. Bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig kong sinisigaw ni Ryker ang pangalan ko at ang "Uh-oh" ni Treya. Malapit lang ang table sa pintuan kaya rinig na rinig ko ‘yon.
"Kaliyah!" sigaw ni Ryker habang patuloy pa rin akong hinahabol.
Nahabol niya na lamang ako nang nasa floor na kami ng mga kwartong reserved para sa'min. Pumasok ako ro'n at dali-dali namang pumasok si Ryker. Naramdaman kong nag-click ang door knob hudyat para malaman kong ni-lock niya iyon para makausap ako ng maayos.
"Kali, baby," masuyo niyang tawag sa'kin.
"What? Naiinis ako sayo! Just leave me alone!"
"Calm down, baby. Ano bang problema natin? Madadaan natin 'to sa mahinahong usapan, okay? Don't shout, please? Masakit sa lalamunan ‘yan."
"I hate you. What do you mean by you're just drunk, huh? Na hindi natin kayang magka-baby next year because I'm traumatized and you always put up my feelings? Damn!"
"Hindi ganon ‘yon, baby. Gusto ko ng magka-baby tayo kahit ngayon pa, okay? Gustong-gusto ko. I am just totally shocked by what you had said because i thought that plan is for the next few years."
"Gusto ko ng magka-baby tayo, Ry."
"Yes, baby. Next year."
Sumimangot ako. "I want it now. Please?"
"What?" umiling siya. "Pero hindi ba, mas prefer mo na ikasal muna tayo?"
"Yes but..."
"Hmm? What is it, baby?"
"But i want it do that thing with you right now."
"Shhh," he hug me tight. "Drunk thoughts lang ‘yan, Kali ko. I know we are capable of doing that but let's be married first, baby. For now, let's rest muna. It seems like you're drunk and tired already kaya kung ano-ano na naiisip mo," ni-guide niya ako para makahiga ng maayos. Hinalikan niya ako sa noo saka masuyong nginitian. "Goodnight, baby. Have a good sleep."
I WOKE up beside Ryker. Pagkamulat pa lang ng mga mata ko ay ang gwapo na niyang mukha ang bumungad sa akin. Napangiwi ako ng sumakit bigla ang ulo ko.
"Ah! Shit!" malutong na mura ko ng sobrang sakit talaga ng ulo ko. Umayos ako ng higa at buti na lang ay hindi nagising si Ryker sa ingay ko.
Nakita ko sa bedside table ang camera na iniwan ko kahapon do'n dahil tinawag na ako ni Treya. Magsisimula na kasi ang program for Zielle. Kakalkalin ko muna sana ‘yun kahapon bago lumabas pero hindi ko na nagawa. Kinuha ko ang camera saka may ngiti na binuksan.
Bumungad sa'kin ang picture namin ni Ryker noong nasa college pa lang kami. May mga cute pictures dito. Mula college pa lang kami, mag- graduate, maging fiance ko siya hanggang sa pictures niya na naghihintay sa'kin noong araw ng kasal. May kirot sa puso ko nang makita ang labis na kaba at excitement sa ekspresyon ni Ryker sa mga pictures na 'to habang hinihintay akong dumating pero hindi ako nakasipot. I can't imagine his face when I didn't really attend our wedding and how broken he is that time.
"Good morning, baby," he greeted me using a husky voice.
Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko saka nilingon ko siya ng nakangiti. "Good morning, my Ry."
Kumunot ang noo niya. "Are you crying? Why? What's our problem this time, baby?"
Umiling ako saka tumawa. "I just saw the pictures when you are waiting for me that day. Masakit pa rin, e. I saw how hopeful and excited you are through these pictures."
"Shhh. Nasa past na ‘yan, hmm? Hindi na yan mangyayari uli. I'm sure of that," he kissed my forehead before getting up. "Baka hinihintay na tayo nila mommy sa rooftop kung nasan ang breakfast natin. Let's go, baby."
"My head hurts..."
"Okay, then. Rest for the mean time, baby. Magdadala na lang ako ng food dito later. Make sure you're going to have enough sleep and rest before tayo umuwi. By noon, uuwi na tayo."
Hinalikan niya muna ako sa labi bago tuluyang lumabas habang ako ay komportableng humiga muli at nagpahinga.
"WE can go to salon before tayo mag- shopping. What do you two think?"
"That's a good idea, ma. Para ma-relax po muna tayo bago ma-stress sa mga presyo ng mga damit na mabibili natin," ani ko sabay halakhak.
"Oh, yes!" tugon din ni mama saka tumawa silang dalawa ni Chai.
Nagpunta muna kami sa salon. Nag-enjoy ako sa salon but the exciting part is the shopping.
"Here, Chai and Kali," sabi ni mama saka iniabot samin ni Chai ang credit card niya. "Buy everything you want and use my credit card to pay. I'll use cash for the things I'm going to buy so don't worry about me. Alam kong iyon na agad ang aalahanin niyo."
"Pero ma—" tutol ni Chai.
"Hey, anak ko na kayo at ayokong nagdadamot. I have too much money kaya wala lang sakin ‘yan. Buy Zielle some clothes too, Chai. Kung mag-grocery pa kayo ay diyan na rin sa credit card ko. Don't forget Zielle's diapers and milk."
"Pero ma, good for three months na po yata yung supplies ni Zielle roon. Hindi na namin kailangan bumili ng diapers and milk niya."
"Fine. Damit and shoes for my apo, Chai. Pay using my money, don't forget that," nilingon ako ni mama. "And you, Kali, anak. Buy anything you want also. Clothes, bag, makeups... anything."
"Sige po, ma."
"Sige sige. I should go now. Kita tayo sa restaurant na katapat nitong mall, mga anak."
"Yes, ma," sabay naming sagot ni Chai na naging hudyat din ni mama para umalis.
Bumili kami ng mga damit namin at damit ni Zielle. We bought some cute dresses and outfits that can fit for Zielle's age. We paid almost thirty-two thousand pero parang walang nabawas sa balance ni mama. Natatawa na lang kami ni Chai dahil bukod sa malaki na ang binayaran namin ay nagkaroon pa tuloy kami ng maraming dala.
"KALI! Chai!" rinig naming sigaw ni mama mula sa kinauupuan niya.
Nahihiya kaming umupo ni Chaisy sa tapat ng inuupuan ni mama. May katabi siyang sophisticated na babaeng 'di familiar sakin. Maaaring kaibigan ni mama 'to.
"Amiga, sina Kaliyah at Chaisy. Mga asawa ng anak ko. May apo na rin ako rito kay Chaisy. Nako! Napakaganda!"
Natawa kaming lahat. Bakas na bakas ang pagka-proud ni mama sa'min kahit di pa talaga ako totally na asawa ni Ryker.
Napag-alaman namin ni Chai na highschool bestfriend pala ni mama ang babae. Nakasama namin ang babaeng mag-dinner at pagkatapos non ay nag-aya na si mama na umuwi.
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...