Kabanata 9
Basta para sayo"HEY, good morning!"
Napatingin ako sa taong bumati sa likod ko. Bumungad sa'kin ang mabangong amoy ni Ryker at ang gwapo niyang mukha. Awtomatiko akong napangiti nang magtama ang mga mata namin.
"Good morning, Ry," napatingin ako sa likod niya at nakita ko ang mga kaibigan niya. "Good morning, Mira, Alyssa and Vince!"
"Good morning!" sabay-sabay din nilang bati.
"Sabay-sabay na tayo for breakfast. Masyado pang maaga for our first subject, e," suhestiyon ni Alyssa.
"Sure. Kali, sama ka rin sa amin!" yaya ni Mira sabay hawak sa kamay ko at hila sa'kin.
"Uh, hindi na! May-"
"Sumama ka na sa amin," ani Ryker. Pinaghiwalay niya ang pagkakahawak ng mga kamay namin ni Mira at marahan akong hinila palapit sa kanya. "Wag mong hinihila-hila si Kali, Mira. Baka masaktan."
"The protective Ryker is in!" sabi ni Vince sa gilid.
"As always," Mira smirked while looking at Ryker. "Oh, tara na? Nagugutom na ako."
Natataranta akong tinignan kung may pera ba ako sa wallet ko. Napapikit ako ng mariin nang makitang sakto lang para sa pamasahe ko mamaya ang pera ko. Napatingin ako kay Ryker na naka-akbay na pala sakin at nakatingin din sa wallet ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko dala ng hiya. "Wala akong pe–"
"Libre ko," sambit niya. "Libre ko ang breakfast pati lunch natin, Mira, Vince at Alys."
"Yown!" tuwang-tuwa na sabi ng tatlo.
Napatingin ako kay Ryker, pinaparating na hindi niya kailangang gawin ‘yon para sa akin.
"I got you, don't worry," he assured then he winked at me.
"PA'NO ako makakabawi sa lahat ng ginagawa mo para sa akin?" tanong ko habang nakatambay kami sa condo niya na tinitirhan ko.
"Samahan mo ako bukas sa anniversary party ng kompanya namin. Be my date. Nagsasawa na kasi ako sa pagmumukha ni Mira na lagi kong kasama ro'n."
"Wala akong magandang damit para sa party, Ry,"
"Ako ang bahala sayo. Punta tayo sa clothing company namin?" agad siyang tumayo. "Let's buy your dress for tomorrow."
"Ngayon na?"
"Yes," he grabbed my wrist. "Tara na."
"Teka, teka!" ani ko nang hinihila na niya ako palabas. "Naka-plain white shorts at tee shirt lang ako! Naka-slipper pa! Nakakahiya! Magbibihis muna ako!" taranta kong sabi.
"Ayos lang ‘yan. Tara na. Subukan lang nilang pagtinginan ka mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan, isisisante ko sila."
Gulat ko siyang tinignan. "You have the power to do that?"
"We all have, Kali. Kaming magpipinsan if we want to pero sa limang ‘yon, ako, si Ridge at si Theon lang ang tingin kong gagamit ng power na ‘yon dahil masyadong mabait ‘yong dalawa."
The words made me realize that he was so unreachable. Kung mahulog man ako ng tuluyan sa lalaking ito, malabong magustuhan niya rin ako at maging kami.
"Tara na, Kali,"
Nagpatianod na lang ako sa hila niya. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Habang papasok kami sa kompanya nila, nagsiyukuan ang mga empleyado. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni Ryker at dahil hawak niya ang wrist ko, dire-diretso rin akong naglakad.
Pumunta kami sa dress section na inaayos ng mga empleyado.
"Mamaya ba ito ihahatid sa mga malls?" tanong ni Ryker sa isang babae.
"Yes, sir,"
"Pumunta na ba dito si Chantrea para pumili muna ng bagong dress niya?"
"Hindi pa po, sir,"
"Ry," pagkuha ko sa atensyon niya. Napalingon naman agad siya sa'kin. "Laging kumukuha ng bagong damit si Chantrea dito?"
"Yes. Siya rin ang dahilan kung bakit nagsimulang mag-produce ng dresses ang company namin. Mahilig siya sa dresses, e. She will inherit this company soon," binalik ni Ry ang tingin sa babaeng empleyado. "Kindly assist my friend in finding her dress for tomorrow's company anniversary. I will just go to lola's office to check her."
Tumango lang ang babae kay Ryker. Umalis na si Ryker at naiwan na akong mag-isang nakatayo roon.
"Pumili ka na lang dito, miss," sabi ng babae sabay turo sa nakahilerang dresses.
Nahihiya man, nagsimula akong magtingin ng mga dresses na naroon. Habang nagtitingin ako, may narinig akong bulungan sa gilid.
"Saan kaya nakilala ni sir Ryker ‘yan 'no? Wala naman sa itsura nila sir na magkaroon ng kaibigang parang pulubi, hindi ba?"
"Oo nga. Napakaswerte naman nitong babaeng 'to kung saang lupalop man siya napulot ni sir Ryker."
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at dahil busy sila sa panglalait sa'kin ay hindi nila napansing nakatingin na ako sakanila.
"Hoy, parang pulubi ‘yang kaibigan ni sir Ryker 'no?" sabi pa ng isang babaeng lumapit.
"Oo," pagsang-ayon naman ng dalawa.
"Insulting her was like insulting me, ladies," boses ni Ryker ang narinig ko mula sa gilid ko kaya napatingin agad ako sakanya. "Kaibigan ko siya at hindi siya pulubi. Nahuhuli talaga ang mga mapanghusga pag ganitong sitwasyon 'no?" nilingon niya ako. "C'mon, Kali. Pumili ka lang diyan. I'll deal with this."
Tumango lang ako at hindi na umimik. Kitang-kita ang nag-aalab na mga mata niya dahil sa galit at ayokong madamay ako sa galit niya.
"Kayong tatlo, umalis na kayo sa kompanyang 'to. Hindi makakatulong sa kompanya namin ang mga mapanghusgang tao."
"Sir, 'wag naman po—"
"Anong 'wag? Naisip niyo ba ‘yan bago niyo maliitin ang kaibigan ko?"
Napatingin ako sa paligid at marami na kaming atensyon na nakuha. Pasimple kong inalis sa pagkakasabit ang napili kong dress at kinalabit si Ryker.
"L-Let's go. Nakapili na ako, Ry," bulong ko sa kanya.
Mabuti na lamang at halos magkasing-height lang kami kaya nabulungan ko siya.
Hindi niya ako pinansin at nanatili ang tingin niya sa tatlong babae. "Please, just leave this company bago ko maisipang tawagan lahat ng kompanya at sabihing 'wag kayong tanggapin kung mag-apply man kayo sa kanila dahil sa sama ng mga ugali niyo."
Umiiyak na nag-walk out ang tatlong babae. Doon na nabaling ang atensyon sa akin ni Ryker.
"Ry, you don't have to do that. C'mon, you don't need to defend me all the time."
"As promised, magsisisante ako pag hinusgahan ka rito, hindi ba? Just let me, Kali. Just let me defend you," hinawakan niya ang kamay ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nanatili ang titig ko sa mga kamay naming magkahawak habang pinapakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko. "Lunch muna tayo before umuwi. Saan mo gusto?"
"K-Kahit saan," tugon ko ng hindi siya nililingon.
"Okay," inilipat niya ang tingin sa mga empleyadong nakatingin pa rin sa amin. "Lahat kayo, bumalik na kayo sa trabaho. Asikasuhin niyo ang mga idedeliver na damit!"
Bumalik sa trabaho ang mga empleyado na parang walang nangyari. Hinila na ako ni Ryker palabas ng kompanya nila. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya pero bago tuluyang sumakay ay sinambit ko ang mga salitang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya.
"Thank you, Ry,"
He genuinely smiled at me. "You're welcome. Basta para sayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/289858390-288-k311224.jpg)
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...