Kabanata 40
Coffee"OMG! Lego flowers?! That requires a lot of effort para mabuo!" tuwang-tuwa na sabi ni Ria. "Kailan pa nagkaroon ng oras si sir Ryker para sa ganyang bagay?" aniya sabay halakhak.
Unang buwan ko pa lang bilang secretary ni Ryker. Nalaman ko nang ipakilala ako sa buong kompanya bilang isa pang secretary ni Ryker, na dito pa rin nagtratrabaho si Ria. Hindi na ako pumayag na alisin sa trabaho ang current secretary ni Ryker kaya naging dalawa na lang ang secretary niya. Nahihiya ako nung unang kausapin si Ria at nang siya na mismo ang lumapit sa'kin ay lumakas na ang loob kong kausapin uli siya. Naging close uli kami at sila ang biggest fan ni Ellery ng relasyon namin ni Ryker.
However, hindi pa ako pumayag na ipaalam ni Ryker ang relasyon namin sa pamilya niya dahil sigurado akong pagbabawalan nina tita Eriz at tito Rhaiden na magtrabaho pa ako bilang secretary ng anak nila. Sina Ellery, Chance at Ria lang ang may alam ng relasyon namin.
"Ang ganda," ani ko nang makita ang kabuoan ng tulips lego flower na bigay ni Ryker. Umiilaw din ito kaya nag-decide akong i-design na lang 'to sa kwarto ko sa condo.
"Labas muna ako, ha?" paalam ni Ria. Ngumiti at tumango lang ako bilang tugon saka itinuon na uli ang atensyon sa regalo sa'kin ni Ryker.
Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng table ko saka ni-dial ang number ni Stella, ang manager ng negosyo ko. She was one of the members of the club where i used to join. Kakilala rin siya ni Ellery at hindi siya mahirap pagkatiwalaan kaya nang malaman kong sa La Union na siya nakatira ay agad ko siyang tinalaga bilang manager ng negosyo. Nakakita rin ako ng potential sakanya kaya gano'n ang ginawa ko. After 3 rings, she picked up the phone.
"Hello, Stella? How's the business?" bungad ko.
"Okay naman, Kali. Mataas nga ang sales, e, kaya tuwang-tuwa rin talaga ako. Kahit pinapaubos na lang talaga ang mga stocks dito, e, may bumibili pa rin."
"That's good to know. Don't worry, sure akong mahahanapan kita ng bagong trabaho after ko maipasara at maibenta ang building at lupa riyan."
"Thank you. Malaking tulong iyon para sa akin!"
"Sige na," tumikhim ako. "May gagawin pa ako, e."
"Sige, bye!" aniya saka na ibinaba ang tawag.
Pagkababa ko ng cellphone sa table ko ay nakita ko si Ria na sumisilip sa pintuan ng opisina ko. "Kaliyah, urgent meeting daw!"
Agad akong tumayo at sumunod sa kanya. Pumunta kami sa meeting room at naabutan naming nandoon na lahat ng mga empleyado. Medyo maluwang din naman ang meeting room kaya kasya naman lahat ng empleyado ng kompanya rito.
Tumayo lang ako sa tabi ni Ryker kasama ang isa pa niyang secretary at hindi nagpakita ng kung anong klaseng attachment sakanya. After a few minutes, he noticed me and i saw him pout. Alam niya kasing hindi niya ako pwedeng yakapin o kung ano pa man sa harap ng mga empleyado niya.
Tumayo siya at tumingin saming lahat. "Uuwi ang mga kaibigan ko kaya mawawala ako ng dalawang araw. Kasama ko ang isang secretary ko na si Kaliyah sa lakad na iyon kaya si Cherrie na pinagkakatiwalaan ko, siya ang boss niyong lahat sa loob ng dalawang araw."
"Noted, boss!" sabay-sabay na sabi namin.
"You can all go back to work now. Thank you for the time," babalik na rin sana ako sa opisina ko kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Stay, Kaliyah."
Nang umalis na ang lahat ay doon na nagsalita si Ryker. "Sina Alyssa, Vince at Mira ay uuwi. We've planned a two day Palawan trip."
"A-Alam ba nilang... ako na uli ang girlfriend mo?"
YOU ARE READING
His Runaway Bride (His Series #2)
RomanceKaliyah Jara Veras remembers nothing but her name. Ang mayroon lang siya ay ang tatay niyang alagang-alaga siya. Okay ang lahat pero tuwing pinipikit niya ang mga mata ay may lalaking paulit-ulit na nagpapakita sa mga panaginip niya. Umiiyak ito at...